Chapter 19

85 9 2
                                    

Hannah Pov

"Ano kaya ang kailangan sa akin ni dad? Bakit bigla nalang itong napatawag?"

Napaisip ako habang nandito sa labas ng bahay namin. Pumasok na ako sa loob na kinakabahan pa rin. Tumawag kasi sa akin si dad kanina at emergency daw. Kailangan niya agad ako makausap. Kaya naman imbes pumasok ako eh nag absent nalang ako at umuwi nalang sa amin.

"Naghihintay na sa iyo ang daddy mo sa library Ms. Hannah" salubong sa akin ng maid

"Salamat." Maikling sagot ko

Pagkabukas ko sa pinto bumungad agad sa akin ang seryosong mukha ng daddy ko na nakatingin sa akin. Agad niyang tinabi ang binasa niya. Nangyayari talaga ang himala dahil dati rati kasi kinakausap niya ako pero sa binabasa niya nakatingin. Ngayon talagang huminto siya sa kanyang binabasa ha at tumingin talaga sa akin. Isang himala. Gusto ko sanang isigaw pero parang seryoso talaga ang pag uusapan namin.

"Dad, ano po ang pag-uusapan natin?" Panimula ko

"Iha, hindi na ako magpaligoyligoy pa dahil alam kong malalaman mo rin naman to." Yumuko muna si dad at huminga ng malalim bago ulit nagsalita. "Nalulugi na ang negosyo natin at isang paraan lang ang naisipan kong makasalba sa atin." Malungkot na sabi ng daddy ko.

Ganun pala talaga kaseryoso ang problema at pinauwi talaga ako ni daddy. Ibig sabihin baka maghirap kami. Hindi ako sanay dun.

"Anong paraan naman ang naisip mo dad?" Tanong ko

"Pinasubaybayan kita mula nong isang araw anak, at nalaman ko na magkakilala kayo ng anak ni Mr. Frester yung may-ari ng school. At basi narin sa nasagap kong balita, mukhang may gusto sayo si Franc Frester. " parang alam ko na ang gustong palabasin ni dad

"At ano naman ngayon dad? "

" Anak, alam kong kaya mo siyang paibigin dahil maganda ka. Kung magagawa mo yun, may posibilidad na masalba pa ang negosyo natin dahil alam kong tutulingan nila tayo kapag nagkatuluyan kayo at magiging maganda ang buhay mo sa kanya."

"Dad? Talaga bang ganyan na kayo mag isip ngayon? Alam niyo ba ang tawag sa pinaplano mo dad? Panggagamit yun!" Napalakas ang boses ko sa kanya. Ayoko ng gawin ulit ang nagawa ko na dati kay Andrei dahil sobrang guilty ako nun. At mas malaking bagay na ang pinag-uusapan ngayon. Marami na ang involve.

"Mas pipiliin mo ba na maghirap tayo Hannah kung may magagawa ka pa naman? Gusto mo bang pagtawanan tayo. Makakaya kaya to ng mommy mo?" Nangunsensiya pa talaga? Pero tama si dad. May sakit sa heart si mommy. Aish naman. Ibig ba sabihin nito sa akin na nakasalalay ang lahat sa amin?

"Wala na ba talagang ibang paraan dad? This is not fair for them."

"Kung meron lang sana anak eh di sana ginawa ko na. "

Hindi ako nakapagsalita agad. Ayoko rin naman na mahihirapan ang mommy ko. May medicine siya na kailangan emaintain. Pero mahirap din para sa akin na gawin ito.

"Anak, nasa iyo ang desisyon. Hindi kita pipilitin, pero alam mo na ang pwedeng mangyari."

"Hindi mo nga ako pinipilit dad, pinapili at kinokonsensiya mo lang ako sa pwedeng mangyari. " napangiti naman ang dad ko sa sinabi ko habang ako naman ay nakacrossed arms.

"Anong nginingiti mo diyan dad?"

"Pinapangiti mo lang ako sa sagot mo anak. Kasi naman ang galing mo talaga sumagot anak."

"Alam ko na dad. Kasi iniisip niyo na magaling ako magpalusot para manggamit. Alam ko na yan." Nakaismid na sabi ko

"Hahaha. Anak nga kita. Pero seryoso talaga ako anak. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Kung may magagawa pa sana ako anak , hindi na kita isasali sa problema na to." Malungkot na sabi ni daddy.

Napabuntong hininga nalang ako. "Okey dad."

"Kung wala ka nang ibang sasabihin anak, pwede ka ng lumabas. May kailangan pa akong tapusin kasi dito."

"Sige dad. Babalik na ako sa apartment ko dad, maaga pa kasi ang pasok ko bukas. Tatayo na sana ako pero may bigla akong naisip na itanong sa daddy ko.

"Daddy, may itatanong sana ako."

"Ano yun anak?"

"Bakit hindi niyo napagkamalan na si Andrei si Franc? Diba pareho niyo lang naman nakita sa pictures yung dalawa?" Nagtatakang tanong ko na ikinagulat naman ni dad. Mukhang may alam si daddy ah.

"A-ah yun ba anak? Nasabi na sa akin ng tauhan ko na anak yun ng mga Frester at hindi si Andrei."nauutal na sabi ni dad

"Yun lang ba talaga dad? O baka naman may alam kayo na hindi ko alam dad? Kasi dad, magkamukha talaga sila. At sa pagkakatanda ko, nasabi niyo sa akin nun na may mga bagay na hindi na dapat sabihin nung ayaw ko na magtransfer ng school?"

"Wala naman akong ibang alam anak. Yun lang talaga." Parang kinakabahan na ang daddy ko. Halata naman may tinatago.

"Sige dad, saka ko nalang pag isipan ang sinasabi niyo kanina kapag nasabi niyo na sa akin ang nalalaman niyo." Hmm..masubukan nga ang daddy ko. Baka mapasabi ko

"Kasi anak..."

"What dad?"

"Ah..."

"I'm waiting dad."

"Si Franc kasi..."

"Si Franc?"

"Si Franc at Andrei ay kambal."

Nagulat ako sa sinabi ng daddy ko pero napawi agad yun kasi may hinala na talaga ako. Pero may gumugulo pa sa akin.

"Kung magkapatid sila dad, bakit hindi mayaman sila Andrei?"

"Hindi ko pa pwedeng sabihin yan anak. Dahil baka gugulo pa. Kaya yan nalang muna ang sasabihin ko. Sana naintindihan mo."

"Sige dad, next time nalang kita kukulitin."

"Huwag mong sasabihin sa iba ang alam mo anak. Kung ayaw mo ng gulo." Bakit parang iba ang ipinapahiwatig ni dad. Parang delekado talaga kung sasabihin ko sa iba?

"Okey dad. Alis na ako." Hinalikan ko na ang daddy ko. At lumabas na ng library.

Pagkatapos ng kaunting kwentuhan namin ni mommy, bumyahe na ako pabalik n apartment.

Habang nasa byahe ako, tinitimbang ko ang dapat na maging desisyon ko. Kailangan ko ba talagang manggamit ulit para sa ikabubuti ko o namin? O makabubuti ba sa akin talaga ang gamitin si Franc para lang masalba ang negosyo namin? Naman, talaga bang ganito nalang ang papel ko? Isang dakilang manggagamit?

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon