Third person's POV
" Yeah, she's here."
"Really?"
"So, I guess I can start the plan?"
"Are you sure it's really her?"
" Yeah, not only sure , I am very sure. So there is no need for me to transfer school."
"Okey, do what you can do basta alam mo na yung main goal natin."
"Copy!"
"Okey, kung yun lang sasabihin mo kailangan ko na mag end call, I still have class."
"Wait! May itatanong lang ako. Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya? Para kasi yung tanga eh."
"You'll discover it FC, just don't fall for her."
"Asa ka naman. Tsaka don't call me Fc. How many times do I need to tell you about that!"
"Easy meyn...hahaha. .. I need to go! Bye!"
Loko talagang lalaking yun. Ayoko kaya na tinatawag akong FC. Tsaka, ano kaya ang nagustuhan niya sa babae na yun? Maganda nga yun pero mukhang tanga namae.
Hannah POV
"Don't tell me kaklase ko siya."mahinang sabi ko
"Who bf?"tanong naman ni Tin. Malakas pala pandinig ng babaeng ito.
"Malalaman mo rin."
"Andrei? Istatyu?!" Pasigaw na tanong ni Tin kay Drei habang papalapit ito sa inuupuan ni Drei, which is doon din kami uupo kasi wala ng ibang bakante na upuan. At sa likuran pa talaga.
Para namang nagulat si Andrei na nakita kami. Nakakunot ang noo. Pero yung gupit ng buhok niya iba, medyo iba din ang porma ng katawan niya, parang pumayat natng kaunti. Pero ang gwapo niya talaga sa suot niya. Siguro kung ganito manamit siya noon baka naging kami na ngayon.
"I am not Andrei." Walang ganang sagot niya kay Tin.
" What? Eh sino ka!?" Tanong ulit ni Tin habang nakikinig lang ako sa usapan nila at umupo na.
" Your voice is so annoying. Will you please lower it down? I'm just here in front of you, okey? There is no need for you to shout." Naiiritang sabi ni Andrei.
"Okey. Fine. Then who are you? Bakit magkamukha talaga kayo ni Andrei?" Medyo mahina ng tanong ni Tin.
"First, I don't know Andrei. Second, I don't know you. Third, I don't know the answer of your second question. Lastly, I am Franc Frester."
"Frester? "
"Yeah, my father is the owner of this school. So much for the interview, our teacher is already here."
Pagkasabi niya nun, umupo naman si Tin katabi ni Franc daw. Ako naman sa left side katabi ni Tin. Bale napapagitnaan namin si Tin.
"Pwede ba magpalit kayo ng upuan ng kaibigan mo? Masyado ka kasing madaldal." Mahinang sabi ni Franc
"Asus..if I know, type mo lang bestfriend ko." Mahinang sagot ni Tin
Tumayo naman si Tin at humarap sa akin.
" O bf, palit daw tayo. Ikaw ata type. Kung minsan naisip ko nga na sana palit nalang tayo ng mukha. Para naman magkaboylet ako." Reklamo pa ni Tin habang umupo na sa inuupuan ko kanina.
Kring..kring...kring...
Sa wakas natapos din ang klase. Kinuha ko na ang maliit na sling bag ko. At tumayo. Paglabas ko nasa pintuan pala si Franc. Dadaanan ko na sana siya kaya lang bigla siyang nagsalita.
"You're new here right? Sabay na tayo sa cafeteria kumain." Seryoso ba talaga siya? Paradmg kanina lang ang suplado niya ah. Pero seryoso naman ang mukha niya.
" NagbibirO ka ba?" Panigurado ko
"Bakit? Natawa ka ba sa sinabi ko?" Seryosong tanong niya
"Hindi."
"Hindi naman pala eh, so hindi ako nagbibiro. Kaya tayo niya." at bigla nalang niya akong hinatak papunta sa cafeteria.
Pagkarating namin sa cafeteria, pinaupo niya ako sa table malapit sa counter. Habang nag order siya ng pagkain, saka ko lang naisip si Tin. Lagot! Naiwan si Tin sa room. Una kasi akong lumabas sa kanya. Malay ko ba na hindi yun sumunod sa akin agad. Tatawagan ko nalang.
Tatawagan ko na sana siya pero nakita ko na siya papasok sa cafeteria.
"Bf!!" Lakas naman makasigaw nito at ang lakas pa ng pang amoy at alam na nandito ako.
"Paano nalaman na nandito ako?"
"Sinundan ko lang kaya kayo, kaya lang ang bilis niyo. Hinihingal pa nga ako eh." Pag eexplain na habang lumalaki ang butas ng ilong dahil sa hingal.
" eto na yung food." Biglang sulpot ni Franc.
"Wow! Dami naman nito. Kakain ako ha."
"Kapal mo bf ah!" Puna ko sa kanya
" Hayaan mo na. Hindi mo naman siguro mauubos yan." Sabi pa ni Franc
Kaya naman kumain na lang kami. Busog talaga ako. Masarap pala ang pagkain nila dito. Pagkatapos namin kumain naghintay nalang kami para sa next subject namin.
BINABASA MO ANG
Ipagpatawad Mo
RomanceBuong akala ni Andrei ay minahal din siya ni Hannah katulad ng pagmamahal niya para dito pero akala niya lang pala yun dahil ginamit lang siya nito para sa pansariling interes lamang. Mas ikinagalit pa niya ang ipamukha sa kanya ni Hannah na mahirap...