Chapter 30

138 10 1
                                    


Hannah's POV

"Ito po yung pera mamita. "Binigay ko sa amo namin ang 10 thousand pesos cash .

Malaki na naman ang ngisi ng boss ko na tinanggap yung pera. Mamita ang tawag namin sa kanya. Yun ang gusto niya eh.

"Ikaw lang talaga ang walang palya na nagbibigay sa akin gabi2x Han."ngumisi pa ang boss ko.

Sa bawat oras na inilabas kami, 5,000 pesos ang bayad dun. Yun ay kung walang mangyayari between me and the guy. Pero kung meron man, extra na namin yun. Yung 5 thousand per hour lang ang kukunin ni mamita at may 40% share kami diyan. Hindi na rin naman masama.

Maliban sa 40% na yun. Iba pa yung sweldo namin buwan2x na thirty thousand pesos. Saan ka pa? Eh sa mamahalin talaga yung bar nila. Marami ring mayayaman ang pumupunta dun.

Almost two hours kaming nawala ni Andrei. Fifteen thousand ang binigay niya. Syempre nasa bulsa ko ang sobra. Sapat na ang kita ko para sa araw2x na gastusin namin at sa gamot ng mommy.

Nakasanayan ko na ang ganito. Natanggap ko na na talagang ganito na kami. Pero ng makita ko si Drei biglang bumalik ang lahat sa akin.

Nung makita ko siya, bigla akong nandiri sa aking sarili. Hindi na ako yung malinis na babae. Isa na akong bayaran. Habang buhay na akong magiging ganito. Wala namang makakatanggap sa katulad namin diba?

Akala ko hindi na kami magkikita pa. Pero napakaliit lang talaga ng mundo. Hindi ko naman siya sinisisi kung bakit ganito ako ngayon.

Sana lang huling pagkikita na namin yun. Hindi ko naman tinatanggi na may nararamdaman pa ako sa kanya. Kung noon mailap sa amin ang tadhana, mas lalo na ngayon na ganito na ako.

Huminga nalang ako ng malalim at pumikit. Ayoko ng umiyak. Napapagod na ang luha ko sa kakalabas.

Andrei's POV

"Ano ba naman yan bro, kanina pa kita napapansin diyan na hindi ka mapalagay ah. Ano? May problema ba sa hotel ngayon?" Puna sa akin ni Franc.

Nandito kasi ako sa bahay ngayon . Mayroon naman akong sariling room sa hotel na pinapatakbo ko ngayon kaya lang kagabi pagkatapos namin mag-usap ni Hannah parang mas gusto kong umuwi sa bahay.

Napalingon ako kay Franc na umupo sa sofa. Umupo naman ako. "Wala naman."

"Imposible namang wala, masyado ka kasing aligaga." Sabi pa niya habang pumipindot ng power on sa TV.

"Iniisip ko lang kasi kung paano nanalo si Mayweather kay Manny." kalahating tama at kalahating pagsisinungaling na sagot ko. Iniisip ko talaga kasi yung pagkikita namin ni Hannah kagabi. Pero pumasok rin talaga sa isip ko yung laban kanina ni Manny. Explain nyo nga kung bakit natalo si Manny?

"Ah. Hahaha. Akala ko naman kung ano na yang iniisip mo bro."natatawa na sagot niya. Yung totoo kasi, ayaw ko pa na sabihin sa kanya na nagkita kami ni Hannah. "Hindi nga ako makapaniwala na natalo siya eh."dagdag pa niya.

"Minsan, ang buhay ay parang boxing lang. Ang inaakala mong mananalo siya pala ang talo. " bigla ko nalang nasabi.

"Boom! Ang lalim ng pinaghugutan mo bro!"pumapalakpak pa na sigaw ni Franc. Kung ako nga hindi ineexpect na nasabi ko yun eh. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Tch.baliw! Saan na ba si Marga? Bakit hindi mo kasama?"pag-iiba ko ng usapan.

"Busy para sa wedding. Masyadong excited."

"Ikaw ba hindi? Para ka ngang namatayan nung nagkahiwalay kayo minsan eh."

"Oo na. Dami pang sinabi. Palibhasa walang love life eh."

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon