THE WEDDING

5.5K 124 4
                                    

HOPE'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HOPE'S POV

EVERYTHING was perfect.

. . . So magical. It feels like we are all in a total wonderland. Kabababa lang namin ni Carl sa helicopter na sinakyan namin galing sa syudad papunta rito.

Hindi na ako magtataka kung bakit pinangalanan ni Engr. Primotivo Alarcon ang lugar na ito ng La Isla Paraiso. Because we are really in a total fairytale-like paradise. Sobrang nakakamangha ang kakaibang ganda ng islang pag-aari niya mismo.

Nakita ko ang isang may kalakihang Mansion malapit sa front beach. Tutungo na sana ako roon dahil gusto ko sanang puntahan si Avi, sigurado akong nasa loob siya at inaayusan ngunit hindi kami pinayagan kahit sinabi kong best friend niya ako. Ang sungit ng wedding coordinator nila. Anyway, hintayin na lang daw namin itong lumabas mamaya kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Inikot ko na lang ang paningin ko sa buong paligid. At napamangha ako sa pagkakadisenyo ng front beach kung saan gaganapin ang wedding ceremony nina Avi at Engr.

The aisle was pure natural white sand, hindi na nilagyan ng red carpet or such. While there are arrangements of green leaves, ferns and white roses lined the aisle, na nilagyan ng cute vintage lanterns ang bawat pagitan nito na paniguradong magsisilbing ilaw mamaya. Dahil ang wedding ceremony nila ay papatak sa oras na palubog ang araw at palabas ang buwan at bituin. While the altar kung saan siya hihintayin ni Engr. at magpapalitan sila ng wedding vows ay wala rin akong ibang masabi kundi just wow, para talaga kaming nasa isang fairytale world. May elevated na square shaped rustic white wood stage ito dahil nasa may dagat na ito naka-pwesto which is may pahampas effect ng alon ang background. And the wedding arch was superb, puno ito ng white roses and green leaves katulad ng disenyo sa aisle. And the chairs na upuan naming mga witnesses sa pag-iisang dibdib nila ay made of rustic white wood din na nilagyan ng fresh green garland ang linings nito.

"So perfect!" naibulalas ko na lamang. Naramdaman ko naman ang biglang pagpatong ng braso ni Carl sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya na nakataas ang kilay. Tumingin din siya sa akin at ngumiti. Hmp! Akala ko umalis itong hunyango na ito upang mag-ikot sa paligid. Kung bakit kasi sa lahat ng poging kaibigan ni Engr. kay Carl pa rin nila ako ipinareha for the entourage eh.

"Don't worry, ganito rin ang magiging kasal natin, Hope." Inismiran ko siya sa sinabi niyang iyon.

"Tumigil-tigil ka nga, Carl, sa mga pinagsasabi mo. As if namang ako ang iniisip mong kasama sa pangarap mong kasal na iyan. Hindi tayo talo, sis!" sagot ko sa kaniya sabay alis ng braso niya sa balikat ko. "Di ka sure, sis! Baka isang araw magulat ka na lang inuungol mo na ang pangalan ko habang sarap na sarap—" Tinakpan ko na ang bunganga nito bago pa kung anong nakakadiring bagay ang masabi niya.

"Pwede ba, Carl, huwag mo nga akong denedemonyo. Bakla ka 'di ba, remember?" paalala ko sa kaniya. Baka kasi nakakalimutan niya na ang totoong pagkatao niya. Tinanggal niya naman ang pagkakatakip ko sa bibig niya.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon