NINETEEN

7.2K 218 18
                                    

PRIMOTIVO'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PRIMOTIVO'S POV

"ENGR. PRIMOTIVO ALARCON!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. She sounds very familiar to me, that's why I dared to turn my back on her.

Nakangiti ito habang may buhat-buhat na isang batang babae. "P-Papa..." marahang pagsambit ng batang babae habang nakatingin sa akin. I am about to smile and take a step forward to their direction nang unti-unting naglalaho ang imahe nilang dalawa sa aking paningin.

Damn! Kaya binilisan ko ang aking paghakbang na halos patakbo na akong tumungo sa kanilang kinaroroonan, pero bakit ganito? I am about to reach them, to hold them...

"AVIANNA!"

Fuck!

Another nightmare.

•••

"Engr!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. At binalik ko rin ang aking focus sa ginagawa ko.

"Dude! Ang seryoso mo ah." Hindi pa talaga ito nakontento at tinapik niya pa ako sa balikat kaya tinignan ko siya ng masama.

"Anong ginagawa mo rito, Philip?" tanong ko sa kaniya. Nandito kasi ako sa bagong tayong branch ng mall ni Don Victoriano Benidez, next week na ang grand opening kaya dapat i-check at ma-monitor ang lahat.

May inabot naman itong isang folder, kaya tinignan ko siyang muli. "Pirmahan mo na kasi, dude, para matapos na."

"I will sign that fuckin' annulment paper, kapag siya mismo ang nagpakita sa harapan ko at nagbigay niyan," saad ko at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway ng second floor ng mall kung saan naroroon ang toy kingdom na bilihan ng mga laruan.

"Ay ewan ko sa inyo, bakit kasi 'di mo na lang to pirmahan? Patay na ang anak niyo, Primo—"

"Shut up, Philip!" Fuck! Para na namang nawawasak ang aking puso sa kaisipang hindi man lang nabuhay ang anak namin dahil sa kapabayaan ni Avianna. She killed my child, kung sa akin siya galit hindi niya dapat idamay ang anak namin. Damn her.

Two years ago...

Dahil sa isang sulat, nagbago ang lahat ng nararamdaman ko para kay Avianna Alejandro. Ang pagmamahal ko sa kaniya ay biglang napalitan ng masidhing poot at galit.

Dear Primo,

I am really sorry, wala akong planong ilihim sa iyo ito but I need to do it. I have to do it for my sake and for my career. It leaves me no choice but to give up this life in my tummy for my life to go on without you. Sobrang nasaktan ako sa ginawa mong pagsira ng buong pagkatao ko. And bearing this child will just prolong the pain that you have caused to my life. I've tried reaching you but seeing you kissing another woman broke my heart for the second time. Please don't look for me, be happy. And please sign the annulment paper attached here for you to be free to marry the one you truly love.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon