AVIANNA'S POV
"TAMA na, Avi," pagpapatahang sambit ni Hope sa akin.
"Everyone thinks that I am a slut for selling my purity for money," hagulgol ko. I can't stop crying! Goodness! Ano bang nagawang kasalanan ko at nangyayari sa akin ito.
Actually, I am not affected about the scandal! So what? The important thing is pinanagutan ako ni Primo at alam kong hindi totoo ang mga pasarang nila na pumatol ako sa matatandang mayaman kaya ako biglang nawala sa showbiz. Damn them all. If they just know the real story!
Ang hindi ko lang matanggap ay kung bakit mayroon kaming sex video ni Primo. Paanong nangyari iyon, unless he was part of this!
Kaya ako umiiyak at nasasaktan dahil sa posibleng katotohanang magsasampal sa akin na plano na talaga akong saktan at sirain ni Primo simula't sapol palang. His intention is to ruin me, my reputation, and my whole life.
"Tell me, Avi. It was Engr. Primotivo Alarcon, right?" Napatingin ako kay Hope. Hindi ko pa rin sa kaniya sinasabi kung sino ang kasama ko sa video.
I don't think that I should tell it to her, pero kahit hindi ko man sabihin ay alam kong alam niya ng si Primo ito. Sino pa nga ba? Dra. Hope knows everything about me. At alam niyang virgin pa ako not until I got pregnant.
"What are you talking about?" tanong ko.
"It's Engr. Primotivo Alarcon, the man in the video together with you. Ang sexy pala ng likuran niya, Avi! Kaso sensored ang puwetan. Ano ba 'yan!" pabirong komento pa nito at doon ko lang din napansing pinapanood nito ang sex video ko. Kaya mabilis kong inagaw ang hawak niyang cellphone.
And I started crying again...
"Stop watching it, Hope! You could even see my boobs. It's so embarrassing! Nakakahiya," saad ko pa sa kaniya.
Sa totoo lang ay hindi ko alam ang mararamdaman ko, trending ako ngayon sa twitter, youtube, at facebook. Kasi kahit anong sabihin ko sa sarili ko na ayos lang, okay lang, still, I am hurting deep inside. Kalat na rin ang sex video ko, marami nang nakakita ng katawan ko. Everyone is also throwing bad names and words at me, like what a slut, whore, pornstar! Ang isa sa hindi ko lang matanggap ay ang isyung lumabas na isa akong kabit ng isang kilalang matandang negosyante at kaya ako nawala sa showbiz ay dahil buntis ako, which is half truth and half lie.
Curse them! Hindi ako pota para pumatol kung kani-kanino. At kaya kong buhayin ang sarili ko na hindi kumakabit sa mayaman. Pero 'yon ang lumalabas. At anong kabit? Baka ipalunok ko pa sa kanila ang suut-suot kong wedding ring namin ni Primo!
"Avianna Alejandro! Anong nakakahiya? You have a great sexy body, girl! Ang bilugan nga ng boobs mo eh. And your nipples, nakakainggit, it's so pinkish! Ang swerte naman ni Engr. Alarcon to taste those!" saad nito na tinapunan ko lang ng masamang tingin at hinagisan ng unang nadampot kong bagay.
Kung anu-ano na kasi ang lumalabas na kabastusan sa bibig niya. "Fuck you!" I mumbled at her, na tinawanan niya lang. I know nasasaktan din siya sa nangyayari sa buhay ko.
Number 1 supporter ko sa lahat ng bagay si Hope, kaya alam kong sinasakyan niya lang nang patawa-tawa niya ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ko dahil ayaw niyang maramdaman ko ang bigat ng problemang kinakaharap ko ngayon.
"What's your plan? Sirang-sira ka na sa industriyang kinalakihan mo, Avi. Hindi na rin ikaw ang ambassador ng mga kababaihan at kabataan. Nakuha na ni Ciara ang lahat ng titulong mayroon ka bilang tanyag na actress." Inirapan ko lamang si Hope at tinignan ang tinitignan niyang mga artikulo sa isang news website.
"I need to talk to Primo," bulalas ko.
"You should talk to him, that's the first thing you need to do. Tama, pero handa ka na bang malamang sa kaniya mismo galing ang video niyo?" tanong ni Hope na ikinatingin ko sa gawi niya.
"I don't know. I want to be open minded about this issue. But then, I just can't help it, to think that it really came from him. Kanino pa ba manggagaling ang pinakasensitibong bagay na iyon kundi sa kaniya lamang! Kaya ako nasasaktan, I trusted him so much that it hurts me this much," saad ko at bigla na namang tumulo ang aking mga luha.
"I think, kailangan mo munang lumayo kay Engr. Alarcon, Avi." Napatingin naman ako kay Hope nang sambitin niya 'yon. Akala ko ba ang kausapin siya ang mas magandang gawing unang hakbang?
"What do you mean?" kunot-noo kong tanong sa kaniya nang may biglang nag-doorbell na kaagad namang pinagbuksan ng pinto ni Hope.
"Avi, anak," malumanay na naging sambit ng isang taong hindi ko inaasahang makakaharap ko sa araw na ito.
It's my mom, Avalon Alejandro.
Napatayo ako at napatingin ng masama kay Hope! I am sure siya ang nagpapunta sa nanay ko rito sa condo niya.
"What is this all about, Hope?" tanong ko habang palipat-lipat ang tingin sa nanay ko at kay Hope.
"I called your mom to fetch you here. At mag-lay low muna from all the stress in your surrounding, para sa health niyo ni baby," may himig ng pag-aalala sa boses ni Hope. Pero hindi ko siya maintindihan, alam niyang isa sa stress ko ay ang presensya ng nanay ko! And then what is this? Sa kaniya ako tatakbo at umiyak, maghinagpis sa mga kagagahang ginawa ko sa buhay ko nang piliin kong talikuran din siya?
"Avi, anak, sumama ka na sa akin. Let's go home in my province." Napadako ang atensyon ko sa nanay ko na dahan-dahang humahakbang palapit sa akin. Nagbago na ang paraan nang pagkakatingin nito, nanumbalik na ang maamo at napakagandang aura niya sa tuwing inaalo ako kapag nadadapa ako noong bata pa ako. Hindi na ang striktang Avalon Alejandro na manager ko ang kaharap ko ngayon. She's more like my mom, again. Pero ayoko pa ring sumama sa kaniya! Baka, baka kasi pilitin niya akong ipalaglag ang anak ko. Kaya iling lang ang tanging naitugon ko rito, hindi, ayokong sumama sa kaniya. Para ko na ring inaming isa akong talunan, at mahahalintulad lang ako sa kaniya —a fallen star, a fallen actress na nawalan ng kinang.
"Ayokong sumama sa 'yo!" bulyaw ko rito, at muling tumulo ang aking mga luha.
"But you have to, Avi! Kailangan mong sumama sa akin, anak. Hayaan mong this time maitama ko ang mga pagkakamali ko sa 'yo. Pinasok kita sa mundong magulo at puno ng pagkukunwari—"
"Ha! Sana noon mo pa 'yan naisip! Wala na, sirang-sira na ang mundong mayroon ako! Ano pa ang saysay nang paglayo at pagtakas sa mapanghusgang mundong ito? At saka," saad ko at ipinakita, ipinagmalaki sa kaniya ang suut-suot kong singsing. Pero mukhang ako pa ang nagulat sa kawalan ng reaksyon nito dahil hindi man lang ito nagulat, hindi rin nagtanong. It looks like she already knew all the things that's happening in my life these past days and months.
"Alam mo?" tanging naitanong ko na lamang sa kaniya, and this time mabilis niya akong hinagkan at niyakap ng mahigpit, like how a mother should comfort her broken hearted daughter.
"I know everything you've been doing, Avi. Alam ko ring sa South Ridge Village ka binahay ni Primotivo Alarcon." Napahagulgol ako habang yakap niya ako. She's caressing my back while whispering simple words like...
"It's okay,"
"Iiyak mo lang..."
"I am here, Avi..."
"I will always be here for you, anak."
"Everything's gonna be okay..."
At that moment, I realized something, a mother will do everything for her child's sake. Kahit maging masama man siya sa paningin ng kaniyang anak. Dahil 'yon ang akala niyang tama, ang nararapat gawin.
That's why, kahit mahirap, kahit masakit, kailangan ko munang lumayo rito, lalong lalo na kay Primo. I want a complete and happy family for my baby, pero kailangan ko munang makapag-isip ng maayos at hindi magpadalos-dalos.
Para sa mas ikabubuti ko at ng magiging anak ko.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...