EPILOGUE

14.4K 394 63
                                        

THIRD PERSON'S POV

"TAKE another pose, Ms. Avi."

"Hold your baby bump."

"Yes, ganyan nga. Ang pretty mo talaga, Miss. How to be you po?" Tanging ngiti lang ang tinugon ni Avianna sa mga papuring natatanggap sa mga photographer na kumukuha sa kaniyang mga litrato for a magazine cover.

Five months have passed, and everything seems going fine, for her career, love life, and family.

A month after the encounter she had with Leyla Benidez, ikinasal silang muli ni Engr. Primotivo Alarcon sa isang pribadong islang pag-aari nito mismo. Kung saan dinaluhan ng mga sikat na personalidad sa larangan ng showbiz at negosyo. Naging malaking usap-usapan ito sa telebisyon, radyo, at social media.

Naging daan din iyon upang malaman ng publiko ang tunay na nangyari sa mga eskandalong kinasangkutan ni Avianna noon. Nalaman ng lahat na si Engr. Primotivo ang kasama niya sa sex scandal niya na kumalat, at naisiwalat din sa publiko ang naging unang kasal nila dahil sa nabuntis nito ang aktres. Nakilala na rin ng lahat ang kanilang anak na si Primaxia Alarcon, marami na kaagad ang nakapansin na direktor at entertainment industries sa angking ganda at talento ng anak nina Avianna at Primo kaya hindi mawawaring susunod din ito sa yapak ng kaniyang ina.


Nag-aayos na si Avianna dahil kakatapos lang nito sa kaniyang photoshoot, at parang hindi naman mapakali sa kanilang mga pwesto ang mga babaeng staff at beki na nakatuon ang atensyon sa may entrance ng studio.

Kaya pati si Avianna ay napalingon na rin, at malapad itong napangiti at tumayo sa kaniyang pagkakaupo sa harap ng isang vanity table.

"Mama!" sigaw ng isang tatlong taong gulang na batang babae, sabay takbo sa gawi ni Avianna.

It's her dearest daughter, Primaxia Alarcon, habang kasunod naman nito ang kaniyang napakagwapong asawa na si Engr. Primotivo Alarcon na nakangiting bumabati sa mga staff.

Niyapos naman ng yakap ni Primo si Avianna at hinagkan sa kaniyang noo, pisngi at syempre sa kaniyang labi na ikinakilig ng mga nakakita sa ginawang gesture na iyon ng lalaki sa kaniyang pinakamamahal na asawa. Habang hindi lang basta kilig ang naramdaman ni Avi dahil halos mag-palpitate na siya sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya dahil sa ginawa ni Primo. Lalo na sa paghaplos din nito sa kaniyang tiyan na ilang buwan na lamang ay may bago na naman silang "fruit of their planted love". Hindi pa nagpapa-ultrasound si Avianna kaya hindi pa nila alam ang magiging gender ng anak nila o kung ilan ito. Pero sobrang laki na ng tiyan nito kaya hindi maiwasang maisip din nila na kambal ang kanilang second baby.

"Let's go," sambit ni Primo rito at kinuha na ang bag na kinalalagyan ng mga gamit ni Avi at isinukbit sa kaniyang balikat. Nagpaalam naman si Avianna sa kaniyang mga kasamahan at sa mga staff. At inakay na ito ni Primo palabas ng studio habang hawak naman ni Avianna ang kanilang baby Prima sa kabilang kamay.

"Ang gandang pamilya,"

"Sinabi mo pa, girl! Pamilya ng magaganda at gwapo."

"Mapapa-sana all ka na lang talaga."

Ilan lamang 'yan sa mga naririnig nina Avi na komento ng mga nadadaanan nilang tao. Kaya hindi maiwasang mapangiti ang mga ito sa mga nakakasalubong nila.

Wala na tuloy mahihiling pa si Avianna, she was already contented and happy with the path she chosen to take, it's risky because you weren't sure kung tama ba ang tinatahak mong daan para sa iyong kasiyahan o hindi. Kung sabagay it will always be your choice to be happy, nasa sa 'yo pa rin talaga kung ano ang magiging wakas ng iyong kwento.

"Hubby," tawag-pansin ni Avianna sa asawa habang nakadungaw sa may pintuan ng kanilang banyo.

"Yes, wifey? Need something?"

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon