"NO! I'M OUT OF THIS, Dad," madiing tugon ko sa sinabi ng tatay ko. At tumayo na ako, hindi na sila nakaapila sa paglisan ko dahil lahat sila ay nagulat sa pagtaas ng boses ko nang tumanggi akong magpakasal sa Leyla Benidez na iyon.
Fuck them! Kung gusto nila ay kay Prime nila ipakasal, tangina lang, bwiset.
Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko sa kahabaan ng coastal road pabalik ng Maynila nang may matanaw akong nakatigil na sasakyan sa may parteng wala masyadong kabahayan at dumadaang sasakyan. At mukhang nasiraan ito ng makina kaya nagdesisyon akong tumigil sandali sa gawi nito, to offer some help.
Bumaba ako ng sasakyan ko at sinilip ang loob ng kotse dahil wala akong matanaw na taong nag-aayos nito sa labas ngunit wala rin itong tao sa loob. Damn it, baka haunted car pa ito.
Nang makaramdam ako nang pag-aalinlangan ay babalik na sana ako sa sasakyan ko nang may marinig akong babaeng umiiyak, at imbis matakot na baka kung anong maligno ito ay hinanap ko kung saan nanggagaling ang pag-iyak. And there I saw her, nakayuko ito kaya lumapit ako, she looks familiar.
"Miss, are you alright?" tanong ko at napatingala ito sa akin, at gano'n na lang ang pagkagulat ko. Hindi nga ito isang maligno because it's a goddess—a fallen angel, I mean dahil sa postura nitong parang kinawawa siya.
"A-Avianna Alejandro?" gulat na sambit ko. At nang medyo namukhaan na niya yata ako ay masama itong tumingin sa akin at tumayo, hinampas-hampas niya ako sa aking dibdib. Kaya hinawakan ko siya sa kaniyang mga braso, to stop her. Problema ng babaeng ito! But damn, how I miss her, I miss her soft skin touching my own skin.
"You!" galit na sambit nito at sabay duro sa akin.
"Anong ako?" tugong tanong ko rin sa kaniya.
"Ikaw ang bumaboy sa akina month ago! I remember you, that— that handsome face of yours! Shit, pinagsamantalahan mo ako!" saad nito na imbis ikainis ko ay mas ikinatuwa ko pa. She's really something.
"Handsome, what? And for your information, hindi kita binaboy, or even took advantage of you. Ikaw, ikaw ang bumaboy sa akin... I could still remember how you just tame my wild monstrous huge pet. You even kissed it and—"
"Ahh! Enough! I don't want to hear it, wala akong maalala sa mga nangyari between us! I can't even recall any of it," sabi pa nito nang putulin niya ang pagsasalita ko kanina, she even covered her ears like a child scolded by her mom. Kaya mas lalo pa akong napangisi at gustong asarin siya. "Halika at ipapaalala ko sa 'yo, how you took advantage of my innocence, Ms. Celebrity." Inismiran niya lang ako at binigyan ng napakasamang tingin.
AVIANNA'S POV
Sa lahat nang pwede kong makaharap sa gabing ito ay bakit siya pa talaga! Grabe, anong klaseng mundo ba ang mayroon kami at lagi kaming pinagtatagpo.
"Ayaw mo pa niyan? Hindi mo na siya kailangang hanapin dahil siya na mismo ang lumapit sa iyo! Ang tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para hindi ka na mahirapan!" bulong naman ng aking isipan, which is true.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...