PRIMOTIVO'S POV
"HELLO, fuckers! I'm still here, wag n'yo namang ipahalata na na-miss n'yo ang isa't-isa. I feel I'm an outcast here!" singit ko sa usapan nina Damon at kararating lang na si Hale. Nandito kasi ako ngayon sa bagong gawang bahay ni Damon, na syempre ay isa na naman sa successful na proyekto ng Alarcon Constructions na pinamumunuan ko.
"Shut up, Primo! Wala kang karapatang magtampo, okay! Baka nakakalimutan mong nagpakasal ka ng hindi namin nalalaman!" saad naman ni Hale na ikinakunot-noo ko. I'm sure he is talking about the wedding I have with Avianna, not the arranged marriage my parents and the Benidez are planning to.
Fuck! Atty. Philip Aragon, ang tsismoso talaga ng hunghang na iyon! Humanda siya sa akin kapag nagkita kami.
Tutugon na sana ako nang maunahan akong magsalita ni Damon. "Oo nga pala, Primo. We still haven't met that unfortunate woman you have married. Kailan mo balak ipakilala sa amin 'yan? Tao ba 'yan?" saad nito, at doon ko lang talaga nakumpirmang hindi si Leyla Benidez ang tinutukoy nila. Lalo na at kalat na kalat na ang mga litrato ni Leyla sa lahat ng social media platforms at tabloids as the soon "Mrs. Alarcon". And about it, kailangan ko na palang sabihin sa magulang ko ang pagpapakasal ko. Kaya ayos na rin na alam na ng mga gunggong na ito ang tungkol doon. Para may resbak ako, kapag nagkataon!
"She's a Goddess, dude! And she's not unfortunate because I can give her the world," saad ko na lamang at ngumisi ako sa dalawang kaibigan ko na isang sawi sa pag-ibig at patuloy na umaasang mapapasakaniya pa ang babaeng mahal, at isa namang wala pa yatang planong pumasok sa isang relasyon. Hinagisan naman ako ng unan na nadampot sa kung saan ni Hale, kaya tinignan ko siya ng masama.
"Pero gusto kong malaman kung bakit ka nagmadaling magpakasal, Primo?" kunot-noong tanong ni Damon na ikinibit-balikat ko na lamang. "Akala ko ba, alam n'yo na?" tanong ko at sumandal sa sofa na kinauupuan ko, I feel so tired.
"Nabanggit lang ni Philip sa amin na nagpakasal ka na raw pero hindi niya sinabi kung kanino at bakit. Akala ko nga sa Leyla Benidez na napapabalitang soon to be Mrs. Alarcon ka sekretong nagpakasal. Pero naisip kong hindi na sekreto iyon kasi kalat na," mahabang sagot ni Hale na ikinatingin ko sa kanila.
"Kaya siguradong iba ang babaeng tinutukoy ni Philip, so who's the girl, dude? And why?" I can see curiosity in their faces. "...Secret!" nakangising tugon ko sabay tayo at takbo palabas ng bahay ni Damon.
"Primotivo Alarcon! Tangina mo talagang gago ka." Huling narinig ko na lamang na sigaw ni Hale bago ko pinaharurot ang sasakyan ko paalis doon. Makauwi na nga lang at makapag-babe time sa wifey ko.
"Shit, Primo, nakakabakla ng pinagsasabi mo!"
AVIANNA'S POV
"Kaloka! Paano ba ito, Hope?" I said irritatedly kay Hope sa telepono. Nakakainis na, nasunog na naman kasi ang ginigisa kong sibuyas at bawang bago ko pa man mailagay ang kanin.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomansaA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...