TWENTY SIX

8.2K 263 37
                                    


PRIMOTIVO'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PRIMOTIVO'S POV

"DON VICTORIANO BENIDEZ," sambit ko nang lumapit sa kinauupuan ko ito, wala man lang itong kangiti-ngiti pero tumango ito na parang binabati niya ako pabalik. Mukhang may galit siya sa akin o inis kaya ganyan ang aura na pinaparamdam niya sa akin, but who cares?

Ang yabang, Primotivo? Baka nakakalimutan mo, malaki ang kailangan mo sa Don na kaharap mo ngayon. Hindi lang ito tungkol sa negosyo o proyekto, it's more important than anything else in the world.

Umupo naman ito sa harapang upuan ko, at sumenyas sa mga bodyguards nito na umalis muna at iwan na kaming dalawa rito. Nandito kami sa isang exclusive restaurant, I called him last night, kung maaari ko ba siyang makausap. At pumayag naman ito nang hindi man lang nagtatanong kung bakit. Maaaring alam niya na ang dahilan nang paghingi ko ng oras niya.

"I don't like you for my daughter." Fuck? Ang straight forward naman nito! Pero hindi pwede, kailangan ko ang pahintulot niya, about abducting his only precious daughter, Avianna, my wife. And bring her in an island that I owned.

"But we are still married. I have the full authority to have her just for me, Sir," matapang kong sagot din sa kaniya.

Why should I be scared? We are still married, and I have the right to own her just for me.

Nakita ko ang pagngisi nito, hindi ko alam kung iniinsulto niya ako o pinagtatawanan sa mga pinagsasabi ko, pero wala akong pakialam.

Iba ang trabaho sa pag-ibig, kung trabaho lang sana ang pag-uusapan namin ay paniguradong igagalang ko siya bilang kliyente ko. Pero kapag si Avi na ang usapan? I can't just calm down kahit tatay niya pa ang kaharap ko ngayon, I am still her husband, and I want her back, together with our daughter!

"I have riches, young man. I can bend the legality of your marriage with my daughter, and burn it to ashes. So don't show off your marriage contract to me. Because it will not changed the fact that you ruined her reputation, three years ago. Sinira mo ang buong pagkatao ng anak ko, Alarcon. At sa tingin mo, hahayaan kitang makasama ang anak ko at bigyan ka ulit ng pahintulot na saktan siyang muli?" seryosong litanya nito na ikinatahimik ko.

Gano'n ko ba talagang nasaktan si Avianna? But I-I love her, I do really love her!

"P-pero Sir, nagawa ko lang naman ang dare na iyon ng kaibigan ko dahil nakuha ni Avianna ang atensyon ko nang gabing iyon. And with Gonzalo giving that dare, I had the courage to approach her and do the thing I should not have done, pero hindi ko po iyon pinagsisihan. Ngunit about the video? Oo, inaamin ko, ako ang kumuha no'n pero hindi ko na dapat iyon ilalabas, at nagsabi na rin ako sa kaibigan ko na ayoko na. Dahil nang mga panahong iyon ay kasal na kami ni Avi, at handa ng bumuo ng pamilya. But everything just turned upside down. Nagising na lamang ako na lumabas na 'yon at wala na rin sa tabi ko si Avi. She just left me," mahabang pahayag ko kay Don Victoriano, na sana ay paniwalaan niya. Dahil 'yon ang totoo, mahal ko siya. Hindi ko sigurado kung kailan nagsimula pero mahal ko siya. At handa kong gawin ang lahat, makasama lang siyang muli, kasama ang anak namin.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon