"DO I have any choice but to say yes?" balik-tanong ko sa kaniya, na ikinatango lang niya sabay ngisi. May kinuha ito— it's a ring pendant on his necklace. He reached for my hand and put it on my index finger.
"Hindi ka naman prepared, ano?" I said and looked at him that also made him stare at me.
"Ingatan mo ito, this is my grandmother's wedding ring. And this will serve as our engagement ring for now," seryosong saad niya. Tinignan ko naman ang singsing, simple lang ito, an ancient style. But it looks expensive and really precious for this man.
"Pero... bakit ito ang ibinibigay mo sa akin? Is this necessary? It looks important to you, tapos ibibigay mo lang sa akin? You don't even know me and vice versa." Nakatingin lang ito sa akin at ngumiti.
"Because you are soon to be my wife, you deserve this ring. And you will also be the mother of my child. Anyway, I haven't introduced myself to you, I am Primotivo Alarcon," saad niya na ikinagulat ko. Alarcon, so isa siya sa anak ng isang mayamang angkan sa bansa.
Ano itong napasukan ko?
"Alarcon ka pala? I- I can't accept this ring... and your proposal." Napakunot-noo ito at pinigilan ang kanang kamay ko na tanggalin ang singsing na isinuot niya sa aking palasingsingan.
"And why is that, ano naman ngayon kung isa akong Alarcon? It doesn't change the fact that I got you pregnant and I have a responsibility to you and our baby." Tinignan ko siya, he is really serious about taking responsibility for me and my baby, our baby.
Sige na nga, ako pa ba ang choosy? Pinapanagutan na ako ng nakabuntis sa akin. And I should consider myself lucky enough, right? Kasi hindi ako matutulad sa nanay ko, na hindi pinanagutan ng tatay ko.
Kahit ayaw ko man sanang ma-involve sa isang mayamang angkan ay wala na akong ibang choice but to accept his proposal. Kahit para na lang sa magiging anak namin na hindi matulad sa akin na walang kinilalang ama. At least siya mabibigyan ko siya ng buong pamilya kahit ang kapalit ay ang pagtalikod ko sa kasikatang mayroon ako ngayon.
'Cause I am willing to sacrifice everything I have for my baby.
•••
Parang ang bilis naman ng mga kaganapan sa buhay ko these past days. Just thinking of what happened last week, the "walang kakilig-kilig" proposal of Primotivo Alarcon to me at sa kalagitnaan pa ng madilim at nakakatakot na coastal road.
I never imagined myself to get engaged that way, hello! I am Avianna Alejandro, the famous actress in Asia! Well, speaking about my career, nagpalabas ng statement ang nanay ko about sa hindi ko pagsulpot sa contract signing ng isang big project ko noong weekend.
Ang sabi niya ay nasa States daw ako, may kailangan lang ayusin, like duh? Sinabi ko naman sa kaniya na i-take down niya na ang proyektong iyon at lahat ng upcoming shows ko dahil hindi ko nga ipapalaglag ang baby ko, lalo na ngayong engage na kami ng tatay nito.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...