TWENTY EIGHT

8.1K 236 20
                                    


"A-AVI," marahang sambit ni Primo habang tinatapik ang pisngi ng kaniyang walang malay pa rin na asawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-AVI," marahang sambit ni Primo habang tinatapik ang pisngi ng kaniyang walang malay pa rin na asawa. Nasa dalampasigan na sila ng isang isla kung saan sila inanod ng dagat nang mag-crash ang kanilang sinasakyang helicopter kanina. Naunang nagkamalay si Primotivo habang kanina niya pa ginigising at binibigyan ng hangin si Avianna na magpahanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

"W-Wifey, please wake up!" muling saad pa nito ngunit wala pa ring pagrespondi ang katawan ni Avianna. Pero isa lang ang sigurado nito na buhay pa ito, she is still breathing.

"Com'on, Avi! Gumising ka na." Walang tigil na pag-CPR at paggising ni Primo rito.

Paulit-ulit, he is giving everything he could para maggising lang ang kaniyang asawa. Ngunit hindi pa rin ito nagmumulat, sinubukan niya muling i-pump ang bandang dibdib at i-cpr si Avianna nang bigla itong mapa-ubo at nilalabas na nito ang lahat ng tubig-alat sa kaniyang katawan.

Napaupo naman ng matiwasay si Primo sabay hilamos ng kaniyang mukha, dahil napanatag ang kalooban nito nang makita ang pagmulat ni Avianna.

Napaupo na rin si Avianna nang medyo umayos na ang pakiramdam nito. Ngunit bigla itong napahawak sa kaniyang bandang batok at napadako ang kaniyang pansin sa nakayuko pa ring si Primo.

"S-sino ka?" Nagulat at napatingala si Primo kay Avianna nang sambitin nito iyon.

"A-Avi," tanging naitugon lang nito sa kaniyang asawa.

He is about to reached for her nang bigla itong tumayo, saka namang pagbagsak muli ng napakalakas na ulan at pagbayo ng malalaking alon sa dalampasigang kinaroroonan ng dalawa.

"Avianna, saan ka pupunta?" tanong nito sabay habol sa asawang bigla nalamang tinalikuran siya at mabilis na tumakbo papasok sa masukal na kagubatan. Mabilis din ang ginawang paghabol nito kay Avi, hanggang biglang napatigil sa pagtakbo ang babae, kaya naabutan niya ito at mabilis na yinapos ng mahigpit na yakap ang kaniyang bewang.

AVIANNA'S POV

"Let me go!" bulyaw ko kay Primo, sabay pilit kumakawala sa kaniyang pagkakayapos sa akin. Damn him! Muntik na kaming mamatay dahil sa kagaguhan niya.

"Avianna! Stop moving. And just stay still, baby." Ewan ko pero napatigil na lamang ako sa aking paggalaw at hinayaan siyang yakapin ako ng mahigpit habang patuloy ang pagpatak ng ulan sa aming ulo at katawan.

"S-sino ka ba? B-bitawan mo ako hindi kita kilala," maang na saad ko rito.

Kaya mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng kaniyang yakap sa akin. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking hubad na balikat.

"Avi, ako ito, ang asawa mo. May masakit ba sa 'yo?" tanong nito sabay paharap sa akin sa kaniya.

Tinignan ko lang siya ng mataimtim na parang hindi ko siya kilala. Ngunit inabot niya ang aking mga pisngi, at inilapit ang kaniyang mukha sa akin.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon