AVIANNA'S POV
"MA, nasaan na sina Hope at Prima?" tanong ko sa aking ina, hindi talaga ako mapakali kapag hindi ko nakikita ang anak ko sa paligid. Nandito kasi kami ngayon sa A.Mall kung saan ay grand opening na, ito ang branch ng mall ng tatay ko, Victoriano Benidez na pinagawa niya under my name. In short, akin ang mall na ito, na ginawa ni Engr. Alarcon. Pero syempre pinasigurado ko sa tatay ko na hindi malalaman ni Primo ang tungkol dito, not until today.
Dahil ngayon din ang araw na pinag-usapan namin ni Papa, ngayon ang nakatakdang panahon para ipakilala niya na ako bilang Avianna Benidez, ang kaniyang nag-iisang anak at tagapagmana ng lahat ng kaniyang ari-arian.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Leyla Benidez kapag nalaman niyang magpinsan pala kami? Anyway, hindi ko pinaalam sa tatay ko ang tungkol sa usapan namin ni Leyla almost three years ago. Dahil ang nangyari between me and Leyla happened bago pa man kami magkakilala ng tatay ko na tito niya. At wala akong planong mandamay ng iba sa naging pag-uusap namin ng pinsan ko noon. Sapat na sa aking simula ngayon ay lulubayan niya na kami ng anak ko dahil sinabi ko na sa kaniya na pinirmahan na ni Primo ang annulment namin, at ang gaga, tuwang-tuwa nang sinabi ko iyon.
"Nagpaalam sila kanina na mag-iikot lang sa loob ng mall," parang wala lang na tugon naman ng aking ina, na sinimangutan ko.
Nandito kasi kami ngayon sa van na naka-park lang sa parking area, kasi hindi pa ako pwedeng pumasok sa loob lalo na at baka hindi pa mag-umpisa ang programa na gaganapin eh dumugin na ako ng mga tao at media people.
Dahil paniguradong sa paglabas ng tunay kong pagkatao ay siya ring pagbubukas muli ng pinto para sa naiwan kong issues noong nagtago at tumakas ako sa mundo ng showbiz. "Ma, naman! Bakit mo pinayagan? Alam mo namang—"
"Nandito si Engr. Alarcon na asawa mo at ama ni Primaxia?" Pagputol niya sa aking sasabihin pa sana.
"Hindi ko na siya asawa. Remember, on process na ang annulment namin. So by Monday, he will not be my husband, anymore." Napataas naman ang kilay ng nanay ko at napailing.
Bakit nga ba ako pumayag sa tatay at nanay ko! Mas lalo lang nitong ikukomplikado ang sitwasyon lalo na at kapag nagpakita na akong muli ay siya ring magiging existence ng aking baby Prima sa mundong ito, at sa mundo ni Primo.
"Sana hindi na lamang ako pumayag sa kagustuhan ni Papa! Masaya naman na kami at kuntento ni Prima sa simpleng buhay sa isla sa Cagayan eh!" Parang bata kong tantrums sa aking ina na ikinatingin niya lamang sa akin.
"It's time, Avianna. Hindi pwedeng magtago ka na lamang habang buhay, at kailangan mo na ring harapin ang management, para maayos na ang kaso natin sa infringement of contract, at saka, bigyan mo naman ng pagkakataong maging malaya ang isang Primaxia Alarcon sa mundong nararapat para sa kaniya," seryosong tugon naman ni mama na ikinabuntonghininga ko na lamang.
Matagal na akong inaawitan ng nanay ko na ipasok kahit sa commercials ang anak ko, which is kahibangan lamang, dahil ayaw ko naman siyang lumaking katulad ko, na kinalakihan ang mundo na ang bawat galaw mo ay scripted.
At nagpalinga-lingang muli ako sa labas ng sasakyan, nasaan na kaya sina Hope at ang anak ko. Bakit ganito parang may hindi magandang mangyayari. Goodness!
PRIMOTIVO'S POV
"Dra. Javier, nice seeing you here." At tinignan ko ito ng walang emosyon. Mapapansin naman ang pagkabalisa sa mukha nito, lalo na kapag napapadako ang tingin ko sa magandang batang nakahawak na sa kaniyang kamay.
"A-ah... yeah, n-nice seeing you again, Engr.," pautal-utal na saad naman nito sa akin, kaya napangisi ako at tuminging muli sa bata na ngayon ay mataman na ring nakamasid lang sa amin.
"Anak mo?" tanong ko.
"H-huh?" parang wala sa huwisyo nitong pagtugon.
"Sabi ko, ang ganda ng anak mo. What a sweet girl you have." Halata ang pagkagulat nito sa mga salitang binanggit ko.
They want a show, I'll give them one.
Sumulyap akong muli sa batang babae, at ngumiti rito kaya ngumiti rin siya pabalik, what a sweet baby, sisiguraduhin kong kukunin ko siya kay Avianna.
Hindi pa ako sigurado, pero gagawin ko ang lahat upang malaman ang dapat kong malaman.
Magsasalita pa sana ito nang mapalingon na ako sa maganda at sopistikadang babae na papalapit sa gawi namin. I smiled at her, at gano'n din ito.
"Babe! Kanina pa kita hinahanap," saad nito sabay kapit sa braso ko. At napatingin din siya sa gawi ng doktora pero wala na ang mga ito, damn! Nagpalinga-linga pa ako pero hindi ko na makita ang bulto nila.
Kaya hindi ko mapigilang mapakuyom ang mga palad ko. At sinulyapan si Philip na may kausap naman sa cellphone nito kaya hindi niya rin napansin kung saan napunta ang doktora at ang bata. F*ck!
"Tara na, babe. Magsisimula na yata ang programa nandiyan na si Tito Victoriano kasama ang daddy ko." Tumango lang ako kay Leyla at nagpatianod na lamang sa kaniyang paghakbang patungong center hall na pagdadausan ng press conference at palabas para sa pagbubukas ng A.Mall.
•••
Umupo kami sa pinakaharap na upuang naka-reserba para sa akin at sa pamilya ko, at para kina Leyla at sa mga magulang nito. Habang ang ibang kaibigan ko ay nandito na rin at nakapwesto sa bandang likuran lang namin.
Ang daming tao, at ang daming media. Mukhang may inaabangan ang mga ito na pangyayari na maaaring maging headline kinabukasan.
Pero wala akong pakialam dahil hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang magandang mukha ng batang nakabangga ko kanina. She really looked like me when I was her age. At parang nagngingitngit ang kalooban ko sa kaisipang baka, baka buhay nga ang aking anak kay Avianna. Shit.
Nabalik lang ako sa aking huwisyo nang tinawag ako ni Don Victoriano Benidez for a speech, kaya umakyat ako sa stage at sinabi ang mga pinaghandaan kong sasabihin. Nagkamayan lang kami ni Don Victoriano at inakbayan niya ako pero parang nay mali dahil pinisil niya ang balikat ko na tila may galit sa akin dahil sa bigat ng kamay nito.
Problema niya? Iwinaglit ko na lang ito dahil mukhang natutuwa lamang siya sa finish product ng kaniyang mall. Bumaba na ako at muling umupo sa aking pwesto pero bago iyon kinuha ko ang aking cellphone at nag-type ng mensahe para kay Philip.
Sinenyasan ko ito na tignan ang kaniyang cellphone. At nakita ko ang pagngisi nito nang mabasa niya na yata ang aking naging mensahe.
Don't process our annulment. Burn the documents with my signature on them.
At muli na akong umupo sa aking upuan nang biglang tumigil at tumahimik ang buong paligid nang bitawan ni Don Victoriano ang mga katagang...
"Meet my long lost daughter, Avianna Alejandro Benidez, the owner of this A.Mall," seryosong saad nito.
At dahan-dahang napatingin ako sa stage nang may umakyat na isang napakagandang babae na mapapaluwa ang mga mata ng mga tao dahil sa napaka-sexy na hubog ng katawan nito na hulmang-hulma sa kaniyang fitted red long gown.
The fuck?!
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...