PRIMOTIVO'S POV
MAINGAY na musika, nagsasayawang mga tao at nag-iinom ang mga sumalubong sa akin pagkapasok ko ng Starry hub. Kaagad naman akong umakyat sa 2nd floor ng bar kung saan naroroon ang mga gago.
"Hey, Engr!" Dinig kong pagtawag ni Gonzalo sa akin na tinanguan ko lang. At humakbang na papalapit sa kanila at umupo naman ako sa pwestong tanaw na tanaw ang dance floor sa baba.
"Akala ko hindi ka na naman sisipot, Engr.," saad ni Atty. Philip Aragon na nakangisi sabay abot ng baso na may lamang alak. Inabot ko naman iyon at inisang lagok.
"Alam niyo naman, busy ako. Maraming proyekto ang ACC, in and out of the country ngayon."
"Sus, Primo! Eh buti naman at naligaw ka yata ngayon dito," pabiro namang tugon ni Damon na ikinibit-balikat ko lang. "Siguro may problema itong gagong ito kaya nag-make time sa barkada!" komento naman ni Apollo sabay tawa.
"Huwag mo akong igaya sa 'yo, dude!" At napasandal na lang ako sa couch na kinauupuan ko at nanahimik sandali, pinapakinggan ko na lang ang mga kwento ng bawat isa sa kanila.
"Ano, Gonzalo? Masaya ba ang may kabit?" out of nowhere na tanong ni Apollo na ikinakunot ng noo ko pero mas pinili ko pa ring manahimik at pakinggan na lang sila.
Dahil malalaki na ang mga 'yan, alam na nila ang mga pinanggagawa nila sa mga buhay nila. Narinig ko naman ang paghagalpak ng tawa ni Gonzalo, "Masaya, dude. She's perfect at magaling..." pabitin namang turan ng isa.
"Sa kama?" dugtong naman ni Apollo at sabay silang tumawa, mga gago talaga. Napatingin naman ako sa gawi ni Damon nang bigla itong tumayo.
"Saan ka na naman pupunta?" tanong ko. Napansin ko namang hindi sa akin ang pokus ng mga mata niya. Kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin, and there!
I saw a woman, sophisticated woman, naka-sunglasses ito. Like what the— sa ganitong madilim na lugar?
Hindi na nawaglit ang pokus ko sa babae at sinundan ko ito ng tingin kung saan siya pupwesto. She looks familiar, kaso hindi ko maisip kung saan ko siya nakita o kung nakilala ko na ba ito. Busy ako kakamasid sa magandang babae nang marinig ko na lang na nagpaalam si Damon.
"I need to go." Kaya nabalik ang pansin ko sa kaniya pero nasa pababa na ito ng hagdan.Tinignan ko naman ang iba, "Nakita yata ang first love ng gago." Sabay tawa nina Apollo at Philip. Nagkibit-balikat na lamang ako at napadako ang tingin kay Zanjo na tahimik. "Pst, problema mo, Santillan?" tanong ko. Tumingin lang ito sa akin at umiling. Tangina rin itong isang 'to, eh.
"Si Pepper ba ang iniisip mo?" tanong naman ni Philip kay Zanjo. Napayuko lang ang isa bago sumagot.
"Nalilito kasi ako, parang mahal ko pa si Betina, the feeling is still there," tugon nito.
"Gago, Zanjo! Sigurado ka ba diyan? Isipin mo munang mabuti," saad ko.
"Hays, teka nga, 'wag nga sa akin ang topic, bakit 'yang si Atty. Aragon?"
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...