Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

TWENTY TWO

8.4K 219 20
                                        

TWO AND A HALF YEARS AGO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TWO AND A HALF YEARS AGO...

I decided to move on and forget about Primotivo Alarcon. Start a new life away from everything that I am born with. And be contented with the simple life I choose to have.

A future that only me and my baby are in it.

I still have two months before my childbirth.

Two months, 'yong tiyan ko ay eksaktong pitong buwan nang mapagdesisyunan kong lumuwas sa bayan para magpatingin sa kaibigang Ob-gyne ni Dr. Carl na nakabase sa Cagayan. Mabuti na nga lang at mabait din ito at mapagkakatiwalaan kaya safe ang sikreto ng pagkatao ko at ang existence ng magiging baby ko. At mabuti na lang din at wala masyadong nakakikilala sa akin dito, gawa na rin nang pagbabago ng hairstyle ko at ng paraan ng pananamit ko.

Patawid na ako sa isang pedestrian lane nang biglang may sumulpot na lamang na sasakyan, hindi ko alam ang gagawin ko kung tatakbo ba ako o iiwas dahil mukhang ako talaga ang target nitong sagasaan.

Ngunit para akong natameme sa aking kinatatayuan, kahit halos rinig ko na ang sigawan ng lahat ng nakapaligid sa akin, nang mabalik ako sa aking huwisyo ay huli na ang lahat. At naramdaman ko na lamang ang mahinang pagbangga nito sa akin pero sapat para bumagsak ako sa kalsada at maramdaman ang pagdaloy ng dugo sa aking binti.

"A-ang anak ko, ang anak ko! T-tulong..."

And everything went black.

Nagising na lamang ako na nasa isang puting kuwarto na ako, a hospital room. Hindi ko alam, hindi ko maalala kung paano ako napunta rito. Pero isa lang ang tanging pumasok sa aking isipan, at 'yon ay ang baby ko. Kaya napahawak ako sa aking tiyan at doon na lamang ako nataranta.

I can't feel her anymore!

Damn it... anong nangyari?

Nasaan na ang baby sa sinapupunan ko?

Dyusko! Huwag naman sana...

THIRD PERSON'S POV

Mabilis na tumayo si Avianna sa kaniyang pagkakahiga at walang kung anong tinanggal niya ang mga swerong nakaturok sa kaniyang mga kamay. At parang wala sa sariling lumabas ng kwartong iyon at mukhang baliw na hinanap ang kaniyang anak.

Lahat ng kaniyang makasalubong o taong makikita ay pinagtatanungan nito. Ngunit puro pag-iling lang ang kaniyang natanggap na kasagutan. Hanggang makasalubong niya ang isang doktor na sa tingin niya ay makakasagot ng kaniyang mga katanungan.

"Nakita niyo ba ang anak ko?"

"Doc, nasaan ang anak ko?"

"Doc, anong nangyari sa akin?"

"Kilala mo ba ang nagdala sa akin dito?"

"Buhay pa ba ang aking anak?"

Pero iling lang din ang isinagot ng doktor dahil wala naman talaga itong kaidi-ideya sa mga pinagsasabi ni Avianna. Kaya sa masidhing damdaming nararamdaman ng babae ngayon dahil sa pagkawala ng kaniyang anak sa kaniyang sinapupunan ay mas humigpit ang pagkakahawak niya sa mga braso ng doktor kung kaya't kaagad itong tumawag ng staffs ng hospital para tulungang mapahinahon ang pasyente.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon