TWENTY FIVE

8.7K 268 25
                                        


THIRD PERSON'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THIRD PERSON'S POV

HALOS magulantang ang lahat ng nasa event area nang ipinakilala na ni Don Victoriano ang kaniyang nag-iisang anak na si Avianna Alejandro Benidez, na kilala bilang isang tanyag na aktres na bigla na lamang nawala sa showbiz.

Maririnig ang iba't ibang komento, mas biglang umingay pa ang paligid nang magsalita lang ito ng pasasalamat sa pagdalo sa grand opening ng kaniyang A.Mall at mabilis na nagpaalam. Biglang nagkagulo naman ang mga reporters at nag-uunahang makalapit sa harapan ng stage kung nasaan naroroon si Avianna Alejandro at ang tanyag na bilyonaryong si Don Victoriano Benidez. Ngunit mas mabilis rin ang pagtalikod ni Avianna kasama ang kaniyang ama, habang pinipigilan pa ng mga bodyguards nila ang mga taong makalapit sa mga ito.

AVIANNA'S POV

"I told you, Pa! This is not a good idea. I am not ready to face them!" saad ko sa tatay ko nang makapasok kami sa kaniyang sasakyan.

"At kailan ka magiging handa, anak? Kapag ikinasal na si Engr. Alarcon at Leyla?"

Napakunot-noo na lamang ako sa itinugon nito, what can I expect? He is Don Victoriano Benidez, a famous multi-billionaire business tycoon. And like Leyla Benidez, he can manipulate everything using his money.

At mukhang alam niya na ang lahat nang naganap sa nakalipas na tatlong taon sa buhay ko. Hindi na ako magtataka kung alam niya na rin ang ginawa ni Leyla noon para hawakan lang ako sa leeg. Kaya pala hindi nito ina-acknowledge ang presensya ni Leyla kanina, he knows something na ikinimkim niya lamang hanggang maging tama na ang panahon para isiwalat ito.

"Hindi ako nangialam, Avianna, sa lumipas na mga buwan, araw, pero anak, annulment is not the best solution, kung gusto mo lang naman din makaalis sa pagkakaipit sa 'yo ng pinsan mo. Then used your surname, Leyla is underestimating you dahil akala niya ay isang simpleng diva ka lang na nawalan ng kinang. Hindi ako mangingialam pero isang maling desisyon pa, Avianna, asahan mong sisirain ko ang reputasyon ni Engr. Alarcon," seryosong litanya ng tatay ko na mukhang tinatakot niya ako, sabay senyas sa driver na paandarin na ang sasakyan dahil nandiyan na ang mga reporters papalapit sa kinaroroonan namin.

Pero hindi ko napigilang mapatingin sa kaniya ng taimtim. He knows something na hindi ko alam, and I need to know it! At ano raw? Sisirain niya ang reputasyon ni Primo, at bakit naman? So mukhang nakasalalay pa sa akin ang buhay niya ngayon.

"Ano ang ibig sabihin mong sisirain mo ang reputasyon ni Primo?" hindi ko napigilang tanungin.

"The scandal you have, sa kaniya galing at kasabwat nito ang anak ng mortal kong kalaban sa real estate world,"

At parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa isiniwalat ng aking ama. So tama nga ang hinala namin ni Hope, this is all his doing! Pero bakit? anong nagawa kong kasalanan sa kaniya at nagawa niyang hamakin ang pagkatao ko? Ang pagkababae ko? At nagawa niya pa talaga akong pakasalan.

Tanga ka ba, Avi? Malamang nabuntis ka niya, at kaya ka lang naman niya pinakasalan ay para sa bata!

He married me because of obligation, not because he really loves me. Kaya tama nga, tama nga na maghiwalay na lamang kami.

Tinignan kong muli ang tatay ko na busy sa kaniyang cellphone at nakangiti. Shit? Mukha itong kinikilig na ewan, I think kausap niya ang aking ina na nasa kasunod na van lang naman namin kasama ang anak ko at si Hope.

"Pa, I will push our annulment." Iyon lang ang sinabi ko at tumingin na lamang sa labas ng bintana ng sasakyan, tinitignan ang mga billboards na puro mukha ni Ciara ang nakalagay. Napakuyom ang aking mga palad.

I want my career back to me.

Kukunin ko ang talagang akin simula't sapol. Ngayon, naintindihan ko na, napagtagpi-tagpi ko na ang lahat, just by looking sa kasikatan na ngayon ni Ciara. She is the sister of Primo's friend, Gonzalo. At iyon ang binabanggit na anak ng mortal na kalaban ni Papa sa negosyo.

They planned all of this, sirain ako gamit ang scandal namin ni Primo, para mapuno ako ng kahihiyan at kusang lumayo at magtago sa mundong ako naman talaga ang bida. Hindi lang inaasahan ni Primo na mabubuntis niya ako, at mas lalong nagkanda-leche leche ang buhay namin.

"Sigurado ka na ba? How about Primaxia?" tanong nito na ikinatingin ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang tatay ko, he was mad at Primo dahil sa ginawa nito sa akin pero halatang ayaw nitong maghiwalay kami, legally.

"What do you want, Pa?" kunot-noong tanong ko. I want to understand him, to get his point about these situations.

Galit siya kay Primo, it's visible to his reactions but then ayaw niya ring magkasira kami at basta na lang maghiwalay, thinking na paniguradong maaapektuhan ang anak ko, lalo na kapag nalaman ni Primo ang existence niya.

"I just want you to be happy."

PRIMOTIVO'S POV

"Fuck, dude! Malaking rebelasyon talaga ang nangyari kanina," paunang salita ni Philip sabay abot niya ng alak sa akin na kinuha ko naman at inisang lagok.

"Avianna Alejandro is not a joke, after all." Dinig ko namang komento rin ni Apollo na nandoon din kanina sa grand opening ng A.Mall, kung saan nalaman naming isang Benidez si Avi.

Fuck talaga!

Hindi ko maiwasang hindi mapakuyom sa inis at galit dahil sa kaalamang posibleng anak ko ang batang akay-akay ni Dra. Hope kanina. Ano bang gustong mangyari ni Avianna!

Napatingin ako kay Philip...

"Nasunog mo na ba?" tanong ko na tinanguan niya lang din. Mabuti naman, mas mabuti nang hindi matuloy ang proseso ng annulment namin para mas madali kong mahawakan sa leeg si Avianna.

Because being still married, and having that marriage contract, means she will never get off me.

Akin lang siya at sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa kaniya na sa akin lang siya nararapat, ako lang ang lalaking para sa kaniya.

"Anong plano mo, Primo?" muling tanong ni Philip sa akin, kaya tinignan ko sila ni Apollo. Oo, tatlo lang kaming magkakasama ngayon dahil busy ang ibang kaibigan namin. Busy sa kakaayos ng marriage life nila.

"Wala." Simpleng pagkibit-balikat ko lang.

"Anong wala? Sigurado akong ikaw talaga ang tatay no'ng bata!"

"Oh? Ramdam ko rin naman. Pero mukhang hindi pa alam ni Avianna na alam ko nang buhay talaga ang anak namin. Kaya aalamin ko muna kung bakit siya nagsinungaling at kung bakit niya ako tinutulak palayo."

Tama, paniguradong may dahilan ito. Dahil ramdam ko namang may pag-ibig pa siya sa akin. At babawiin ko siya sa lahat ng pumipigil sa kaniya para bumalik sa akin.

"Gusto kong dalhin si Avianna sa isang lugar na malayo rito, 'yong kaming dalawa lang," saad ko pa na ikinangisi ng dalawa.

"Like abduct her and bring in a secluded island, Primo?" tanong ni Philip na tinanguan ko bago nagsalita.

"Right! I know a place."

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon