TWENTY SEVEN

8.1K 246 33
                                    

AVIANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AVIANNA'S POV

PAGKARINIG ko ng click na nagpapahiwatig nang pagkaka-unlock ng pintuan ng sasakyan niya ay mabilis ko itong binuksan at tumakbo palabas ng runway ng airport, pero napatigil ako nang biglang may humarang na mga lalaki sa aking daraanan.

Tinignan ko sila isa-isa, at aba nandoon din itong si Atty. Philip! Minasamaan ko siya ng tingin, pero ngumiti lang siya sa akin.

"Get off my way," iritang saad ko sa kaniya, sa kanila. Pero ngumisi lang sila, at umiling pa sabay nguso na parang may tinuturo sa aking likuran kaya napalingon ako.

Damn it, si Primo!

Patakbo itong papunta sa aking gawi kaya nagpapatintero na ako sa mga lalaking ito na hinaharangan ang daraanan ko. Para tuloy kaming nasa isang action movie na pinagkakaisahan nila akong mahuli.

"Pwede ba! Atty., tell your friends to get off my way! Hindi niyo ba naiintindihan? Ayaw kong makita at makasama si Primo! I hate him to spend a day with him!" bulalas ko sabay pagdadabog ko.

At bigla naman silang nagsihawi sa harapan ko, kaya tatakbo na sana ako patakas nang biglang may yumakap sa aking bewang.

At nang tingnan ko ito,

"Huli ka!" nakangising sambit ni Primo na ikinakunot-noo ko.

"Damn it! Primo, let me go! This is really abduction!" Pagwawala ko at pilit inaalis ang kaniyang mga braso na mahigpit na nakayakap sa aking bewang.

Naramdaman ko naman ang aking pag-angat sabay pagbaliktad ng aking paningin.

Tangina! Binuhat niya na naman ako na parang sako ng bigas. Kaya walang tigil ang paggalaw ko sa kaniyang balikat, I even pulled his curly brown hair na namana pa ni Prima!

Napa-aww ito sa sakit, oo, as in hinawakan ko ito sabay hila, kaya narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya pero akala ba nila, natutuwa ako? Pwes, hindi! Lalo na ng pinalo ni Primo ang puwet ko, kaya hinampas ko rin ang puwet niya.

Sinilip ko naman ang mga kaibigan niya na nakabaliktad sa aking paningin, minasamaan ko sila ng tingin.

"Hindi ako natutuwa sa inyo! Bunch of jerks!" sigaw ko na ikinailing lang nila.

PRIMOTIVO'S POV

Ang likot naman nitong si Avianna, kaya mahigpit ko siyang hinawakan sa kaniyang bewang at paa na kanina pa ako sinisipa.

"Nako, dude, mukhang mahihirapan kang paamuhin 'yang tigre mo ah," komento ni Zanjo, na ikinangisi ko lang.

"A-anong tigre! Hoy, Primo, ibaba mo nga ako," singit naman ni Avianna at naramdaman ko na naman ang pagpalo niya sa puwet ko.

"Avi, nakaka-arouse na 'yang ginagawa mong pagpalo sa akin ah!" saad ko at naramdaman ko na naman ang pagkurot niya sa aking likuran. Damn this woman!

"Avianna!"

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon