SEVENTEEN

7.1K 194 13
                                    

PRIMOTIVO'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PRIMOTIVO'S POV

"IT'S Avianna Alejandro!"

Napabitiw ako sa pagkadadampi ng aming labi ni Leyla Benidez nang marinig ko ang pangalang 'yon. Napansin ko rin ang paglingon at pag-alis ng ibang media men sa paligid namin. They are all looking and walking towards sa direksyon nang pinanggalingan ng boses na sumigaw ng pangalan niya kanina.

I am about to go there nang hawakan ni Leyla ang aking braso. "Don't leave me here, babe." Napatingin ako sa kaniya. At pasimpleng iwinaksi ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Mabilis akong tumakbo sa parteng maraming medyang nagkukumpulan.

Hinawi ko sila isa-isa, hanggang marating ko ang spot kung saan may sumigaw ng pangalan niya kanina. Pero walang Avianna Alejandro akong nakita.

Fuck!

Napahilamos na lang ako sa aking mukha.

"Bakit ko nga ba maiisip din na magagawi siya sa lugar na ganito? Damn."

I was about to make a move away from the crowd when I heard someone say, "I am sure it was Avianna Alejandro. But she looks fat pero maganda pa rin ito."

Kinabahan ako bigla, kaya lumingon akong muli sa posibleng daanan niya at may isang pasilyo roon na may nahagip ang aking paningin pero naka-balabal ito at mabilis na naglalakad palayo kaya mabilis akong tumakbo sa bandang iyon. Hindi ko inaalis ang aking pokus sa taong 'yon, not until someone approached me.

"Dude!" tawag sa akin ni Apollo sabay pigil sa aking braso. Tinignan ko naman ito ng masama dahil sa ginawa niyang 'yon nawala na tuloy ang bulto ng imahe ng taong sinusundan ko.

"What?" iritableng tanong ko. Ngumisi lang ito, napakagago talaga. "Saan ka pupunta? Magsisimula na ang press conference mo," saad nito na ikinakunot-noo ko.

"Wala pa si Mr. Victoriano Benidez, hindi magsisimula hangga't wala siya. Actually, siya naman talaga ang pinunta ng media rito. Hindi ako o si Leyla kundi siya lang," walang gatol kong tugon.

"Huwag ako, Engr. Alarcon! Everyone is eyeing on you too! Lalo na siguro kapag nalaman nilang kasal ka na," saad nito kaya tinulak ko siya paalis sa daanan ko. Wala na ang taong sinusundan ko kanina kaya napagdesisyunan ko na lang na bumalik sa mini stage sa sentro ng ground floor ng mall.

Ano nga ba ang mayroon dito? A contract signing between Alarcon Constructions Corp. and Benidez Real Estate. This mall is owned by Mr. Victoriano Benidez, at hindi pa ito tapos kaya kinuha niya ang serbisyo ng kompanya ko dahil sa tulong na rin ni Leyla Benidez.

First time mangyayaring makipag-contract signing si Mr. Victoriano publicly. Kaya nagpa-held na rin ng isang press conference para bigyang pagkakataon ang media people na magtanong sa isang kilala, pribado at respetadong bilyonaryo sa Asya at Amerika.

Pero anong oras na ay wala pa rin siya, sisipot din naman siguro ito eh no. Dahil malaking proyekto ito para sa akin. Nakabalik na kami ni Apollo sa area na pagdadausan at sinalubong kaagad ako ni Leyla ng isang mahigpit na yakap.

Nakita ko ang masayang reaksyon sa mukha ng aming pamilya. Tinapik naman ako ni Apollo at umupo na ito kasama ng iba naming kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ang mga 'yan, kung susuporta ba o mang-iinsulto lang.

"Babe, excited na ako sa kasal natin next year! Ikaw?" biglang tanong naman ni Leyla sa akin pero inismiran ko lang ito at bumulong.

"Enough of this shit, Leyla." Nakita ko ang pagngisi nito.

"Shut up, Primo. Alalahanin mo 'yong pinag-usapan natin last month," pasimpleng bulong din nito sa akin.

Punyeta talaga.

•••

Naalimpungatan ako sa magkasunod na pag-doorbell sa labas ng bahay ko. At biglang kumabog ang aking dibdib nang maisipang baka si Avi ito, kaya mabilis akong tumayo at isinuot ang aking sando.

Pero gano'n na lamang ang panlulumo ko nang hindi si Avi ang nasa labas ng gate kundi si Leyla Benidez. I am about to turn around and get inside nang magsalita ito.

"Hey! Open the gate, let me in, Engr. Alarcon! I have something to talk about." Nilingon ko lang ito at hinintay na may idugtong pa siya.

"Can we just talk inside?" Hindi ako sumagot pero pinagbuksan ko na ito ng gate.

Pumasok naman ito kaagad sa loob ng bahay ko, kaya napailing na lamang ako at sumunod na rin sa kaniya.

"What do you want?" iritableng tanong ko. Istorbo talaga 'tong babaeng ito sa pagpapahinga ko.

I am so stressed these past few days dahil hindi ko pa rin nakikita si Avianna kahit anong pahanap ko sa kaniya.

"Wala man lang pa-juice o tubig diyan?" tanong pa nito na sinimangutan ko lang.

"Ayaw mo talaga sa presensya ko eh no? Oh well, okay lang." At parang reyna itong umupo sa sofa na naroroon. Hindi pa rin ako umiimik dahil ayaw ko siyang kausapin.

"Kailangang matuloy ang kasal natin," saad nitong muli na tinaasan ko ng kilay. As if.

"At bakit?"

"Primo! Please help me. I need to get my inheritance," seryosong saad nito.

"Pakialam ko sa mana mo? Wala akong pakialam kung maghirap ka." Biglang lumuhod ito sa harapan ko.

"Please, Primo, marrying you will help me to get it!"

"Lumabas ka na," saad ko. At tatalikuran na sana siya.

"Ipagkakalat ko ang tungkol sa inyo ng actress na si Avianna Alejandro!" Napatigil ako sa paghakbang.

"Anong alam mo?" tanong ko. Fuck! Nakita ko ang pagngisi nito.

"About the scandal she had? Na ikaw ang lalaking 'yon." Ngumisi rin ako.

"Go ahead! Ipagkalat mo. Wala akong pakialam,"

"But I can manipulate the media people, I can make stories na mapapasama ang Avianna Alejandro na 'yon... okay lang?" saad nito na ikinagigil ko sa inis. Dahil ayaw ko na sanang magkaroon pa ng kung anong masamang balita tungkol kay Avi. She means a lot to me, kaya poprotektahan ko siya kahit anong mangyari.

"Potangina ka, huwag mong idadamay rito si Avi."

"Then marry me." Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito.

"Dream on!"

"How about this, Avianna Alejandro, isang pota na pumatol sa isang mayamang negosyante para yumaman." Hinagis ko ang vase na nadampot ko sa may side table sa harapan niya kaya napaigtad ito.

"Anong problema mo!" galit na sambit ko.

"Men and their weaknesses nga naman, sa tingin ko, hindi lang basta ex-lover mo si Avianna Alejandro."

Wala siyang alam na kasal kami ni Avi.

"Pakialam mo. Umalis ka na rito!" Inuubos niya talaga ang pasensya ko.

"But you need to say yes, Primo! Kung hindi sisirain ko ang buhay ng actress na 'yon at ipapalabas ko na ikaw ang may kagagawan."

What a fucker!

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon