THIRTY

8.4K 315 33
                                    

AVIANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AVIANNA'S POV

"KANINONG bahay ito? At nasa isla pa ba tayo?" bungad ko kaagad na tanong kay Primo nang makalabas ito sa banyo.

"Pwedeng magbihis muna ako, wifey?" Pag-iling kaagad ang naging tugon ko sa kaniya. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya dahil kakatapos niya lamang maligo. Kaya malaya kong natititigan ang mala-adonis niyang pangangatawan. Ang sarap niya talaga, ay shit! Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking pisngi nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. "S-sagutin mo muna ako," saad ko pa. Nakita ko naman ang pagngisi nito at pagkislap ng kaniyang asul na mga mata habang papalapit sa gawi ko. "Gusto mo lang yatang pagmasdan ang katawan ko, wifey! Ikaw ha," pang-aasar na tugon nito.

"H-hindi ah! Ang kapal mo, hindi ka naman masarap!" saad ko sabay irap sa kaniya na ikinatawa niya ng malakas. Ayts! What a devil, he's just making fun of me. "Kaya pala, halos mapaos ka na kakaungol at sambit ng pangalan ko kagabi, Avi."

"My gosh, Primo! Just answer me," inis kong bulyaw sa kaniya. Kasi nakakaramdam na rin ako ng hiya dahil sa mga nangyari sa amin kagabi. Dahil totoo naman, ang sarap niya talaga! At excited na ako sa kaisipang araw-araw namin itong gagawin simula ngayon.

My goodness, Avianna!

"Oo, nasa isla ko pa rin tayo."

"I-isla mo?"

"Hmm, mabuti na lamang at dito tayo dinala ng alon, dahil may mga karatig isla rin dito na pwedeng napuntahan sana natin."

"Eh paano ako napunta at nagising na lang kagabi na nandito na tayo sa kuwartong ito?"

"Inapoy ka ng lagnat kaya ka nahimatay at syempre dahil gwapo ang asawa mo, kaya binuhat kita mula sa dulong bahagi ng kagubatan kung saan tayo inanod ng alon papunta rito, and take note, wifey, halos magkanda-ligaw ligaw na ako kakahanap ng daan dahil sa malakas na ulan na mas nakasasanhi ng mas pagdilim ng paligid," paliwanag nito na tinangu-tanguan ko lang.

"Okay." At tinalikuran ko lang siya, palabas na ako ng kuwarto nang magsalita ito.

"That's it?"

"Yes, magbihis ka na. We still need to talk about everything, and looking like that, baka mas lalong hindi pa tayo matapos makapag-usap." I am about to turn around nang parang batang napasalampak ito sa kama. At nakakunot-noong nakatingin sa akin. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala man lang bang round 2?"

"What? Anong round 2?"

Pinagsasabi nitong gunggong na 'to?

"Alam mo na, nabitin ako kagabi, wifey. Can we do it again? Bago tayo mag-usap ng masinsinan," hirit niya pa na sinamangutan ko lang.

"No. We need to seriously talk about everything, Primo." Pagmamatigas ko kahit gustong-gusto ko rin ang pangyayaya nito. Narinig ko na lamang ang pagbuntonghininga niya at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon