AVIANNA'S POV
["HELLO, Avi?"] Kaagad na pagbungad sa akin ni Hope na nasa kabilang linya, pagkasagot na pagkasagot ko ng tawag nito.
"Yes, Hope?"
["May dumating na mail."]
Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabing iyon ni Hope, dahil sigurado akong ang dokumento itong iniwan ko sa condo ng kapatid ni Primo nang magkaharap kaming muli tatlong araw na ang nakakalipas. Kung saan umalis na lamang akong walang imik nang maiayos ko ang aking sarili, dahil kahit ano pang sambitin ko ay sarado na ang pag-iisip ni Primo para sa mga paliwanag ko. Kumbaga it's too late na para sa mga ito, huli na para sabihin ko ang totoo dahil hindi na siya maniniwala pa sa akin.
"Open it." Napahawak ako sa aking dibdib, hoping na sana wala pa itong pirma... sana, sana katulad din ito ng mga nakaraan na binabalik sa akin ni Primo ng wala pang pirma niya.
["Are you sure, Avi? Ako na ang magbubukas nito?"] Paninigurado ni Hope sa inuuutos ko sa kaniya.
"Yes, open it. Sayang naman kasi kapag pumunta ako diyan at wala—" Naputol ang sasabihin ko pa nang kaagad magsalita si Hope na nagpahina ng aking mga tuhod kaya napaupo na lamang ako.
["Pirmado na Avi, malaya ka na."]
Hindi ko ma-explain ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako dahil sa ilang beses ko itong pinapirmahan sa kaniya ay finally pirmado na niya, o malulungkot dahil kapag pinroseso ko na ito ay paniguradong hindi na ako matatawag na Mrs. Alacon.
Pero isa lang ang sigurado...
I am now hurting!
Bakit ang sakit-sakit, parang nahahati sa dalawa ang noon ay buong puso ko. Ang hirap huminga, para akong nauubusan ng buhay sa kaisipang sumuko na si Primo sa pagmamahal sa akin dahil sa mismong kagagawan ko. I pushed him away, pero bakit sumuko siya kaagad? Bakit Primo, bakit ang bilis.
"Ngunit ano bang panghahawakan ko para manatili pa siya kung ako na mismo ang gumawa ng paraan para bumitaw na siya sa pagkakakapit sa natitirang pag-asang magkakaroon pa kami ng pangalawang pagkakataong magkasama."
Hindi na ako sumagot kay Hope at ibinaba ko na ang tawag. At para akong basahang nakalugmok sa isang tabi at walang humpay na tumutulo ang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon na ginawa ko mismo sa aking sarili.
Nakayuko lang ako at patuloy na umiiyak nang may maramdaman akong isang maliit na palad na marahang humahaplos sa aking balikat. Kaya napatingala ako rito at pinilit na ngumiti pero 'di ko kaya, I am losing it, my will to move forward for a new beginning with a thought that he will never be called mine.
"M-Mama," mumunting sambit ng aking napaka-cute at bibong anak, Primaxia Alarcon. Without saying any words, I hugged her so tight, na naramdaman ko rin ang pagyakap ng maliliit nitong braso sa aking leeg.
"S-stop crying, mama. I will always be here for y-you," marahang saad pa nito na imbis magpatahan sa akin ay mas lalo pang nagpahagulgol sa akin. Dahil hindi ko na mabibigyan ng masaya at buong pamilya ang baby ko. Ni hindi niya man lang nakilala o nakita ang kaniyang ama, na halos kamukhang-kamukha niya, lalo na ang kulay at kislap ng mga mata nito.
"Sorry, baby, your mama is so weak to fight my love for your father because you are more important to me now."
PRIMOTIVO'S POV
"Congrats, dude!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin, at ibinalik ko rin kaagad ang pansin ko sa nag-aayos ng stage rito sa gitna ng ground floor ng mall, kung saan gaganapin ang programa mamaya dahil sa grand opening nito ngayong araw. Naramdaman ko pa ang pagtapik ni Philip sa balikat ko.
"On process na ang paghihiwalay niyo ni Avianna," imporma nito na inismiran ko lang.
"Why it takes so long? Noong last week ko pa 'yan pinirmahan at ibinalik sa kaniya kaagad ah." Napahalakhak naman si Philip na akala mo ay may sinabi akong nakatatawang bagay.
"Ngayon naman, ikaw ang atat? Oh well, kahapon lang kasi ito ipinasa ni Avi sa akin for processing, eh holiday ngayon at weekend bukas kaya sa Monday pa mapoproseso 'yon, so by Tuesday... matatawag ka na ulit, The hot bachelor in town! Congrats, dude," litanya nito na halata naman ang sarkasmo sa kaniyang tinig. Damn, Philip! Hindi na ako nagsalita at iwinaksi ko ang pagkaakbay nito sa akin. At nagsimulang maglakad patungong first floor to check something, ramdam ko naman ang pagsunod ni Philip sa akin.
"Ang dami ng tao, dude. Congrats nga pala, another great masterpiece, Engr. Alarcon! Ang ganda ng pagkakagawa mo sa branch ng A.Mall na ito!" manghang saad naman niya sa akin habang naglilibot kami sa first floor ng A.Mall kung saan maraming fast food chain na nagbukas na rin ngayong araw.
"Kailan pa ba ako pumalpak?" tanong ko sa kaniya.
"Noong nakilala at minahal mo ang isang Avianna Alejandro." Seryosong napalingon ako sa gawi niya kaya hindi ko napansin ang bumanggang bata sa aking binti. Kaya imbis sagutin ko si Philip ay nabalik ang atensyon ko sa aking harapan kung saan natapunan ng ice cream ang aking pantalon pero mas nakuha ang buong pag-aalala ko sa napakagandang bata na ngayon ay nakaupo sa sahig dahil nga sa pagkakabangga niya sa akin.
Kaya kaagad akong lumuhod at inalalayan siyang makatayo, pero laking gulat ko nang sa pagkakatingin nito sa akin ay para kong nakikita ang batang ako ngunit babaeng bersyon nga lang.
"Dude, may nabuntis ka pa ba bukod kay Avianna?" At bigla na lamang akong napatingin kay Philip nang nakakunot-noo, at umiling. So he is also seeing it, the replica between this little girl and me. Damn!
"S-sorry, Mister! I got your pants dirty because of my ice cream!" saad naman ng batang babae, sabay bukas ng kaniyang suot-suot na sunflower styled sling bag at kuha ng isang panyo roon at marahang ipinunas sa aking pantalon na may bakas ng ice cream na ngayon ay natapon na sa sahig.
Hindi ako makapagsalita, I am just watching and observing her every move. At imbis umiyak ito katulad ng ibang bata dahil natapon ang ice cream nito ay hindi ko siya makikitaan ng lungkot at panghihinayang, kundi mas tinuon niya ang kaniyang focus na mapunasan ang nadumihan kong pantalon dahil sa ice cream niya.
And I can only remember someone who acts and moves like this little girl, the sweet aura she possesses right now. Napadako naman ang pansin ko sa suot nitong gold necklace na may nakasukbit na isang bagay na nagpakuyom na lamang ng aking mga palad, my grandmother's wedding ring that I gave to Avianna three years ago as our engagement ring and to serve as her wedding ring when we got married.
"Young lady, who's your mother?" hindi ko napigilang maitanong kaya napatingin itong muli sa aking mukha. At ngumiti naman ito na kitang-kita ang tuwa sa kislap ng kaniyang mga mata, na parang sobrang saya nitong matanong kung kaninong anak siya.
"M-my mama? She's so beautiful—" Naputol ang sasabihin nito nang may sumigaw na pamilyar na boses sa may likuran ko.
"Primaxia!"
Kaagad namang napatingin ang batang kaharap ko sa tumawag no'n, kaya lumingon na rin ako. At nakita ko ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito nang makita niya ako katabi ang batang alam ko na kung kaninong anak.
"T-tita Ninang!" pagtawag din sa kaniya ng bata at humakbang ito palapit kay Dra. Hope Javier...
Avianna's bestfriend.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...