EIGHT

7.7K 229 11
                                    

NANDITO na kami sa bahay ni Primo sa South Ridge, inuwi niya na ako rito pagkatapos ng aming minadaling kasal kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANDITO na kami sa bahay ni Primo sa South Ridge, inuwi niya na ako rito pagkatapos ng aming minadaling kasal kanina. Gusto pa nga sana niyang kumain kami sa labas for a simple celebration but I refused, sabi ko na lang ay pagod na ako at gusto ko ng magpahinga.

But the truth is, hindi ko kasi ramdam ang mga nangyari kanina. It feels empty, walang feels. Oo nga at pinanindigan niya ako at ang baby sa sinapupunan ko by marrying me, pero parang may kulang— hindi parang dahil may kulang na talaga simula't sapol pa lamang ng mga bagay na ito. At alam na alam ko kung ano ang kulang na iyon, pagmamahal.

Walang pagmamahal, ramdam na ramdam ko. And it really hurts to feel something like this, emptiness and lack of love. Buong buhay ko, I have been waiting for someone who can love me like the way I wanted to be loved. But then, it never happened, lalo na sa larangan ng trabahong mayroon ako.

Everyone around me is just obliged to be good to me because I am Avianna Alejandro, the famous actress. And they are paid just to be good to me. Anyway, ramdam ko rin namang gusto akong makasama ni Primo. . . gusto, gusto lang. At alam na alam ng lahat na magkaiba at malayong malayo ang salitang gusto sa mahal.

Pero ano nga ba ang pinaglalaban ko? Wala naman, kung sabagay hindi ko rin naman siya mahal. So quits lang kaming dalawa, the feeling is mutual, we don't love each other, no deep feelings, no special emotions.

Siguro iisipin ko na lang na isang malaking teleserye o movie lamang ito, a scripted relationship, hmm.Nakaupo lang ako sa kama, the same bed I woke up, a month ago.

"Wait."

Napaisip ako bigla nang bumukas ang pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Napatingin ako sa pumasok, sobrang gwapo talaga nito sa simpleng t-shirt at pants lang. Mukhang nakaligo na rin ito at handa nang maghubad para matulog.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.

"Malamang matutulog, ikaw? Bakit hindi ka pa nakakapag-ayos para sa pagtulog?" tanong niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Meaning? You and me, together in this room? In this bed?" I said in shock but he just smirked at me playfully, na parang iniinis niya ako, something like that. At humakbang pa ito palapit sa akin hanggang sa nasa harapan ko na siya nakatayo habang ako ay nakaupo pa rin sa kama.

Tumingala ako sa kaniya at malditang nagsalita, "Hindi maaari, hindi tayo pwedeng magtabi. We are just married because of my baby, not being a wife and a husband, or whatever you call it!"

"Our baby, Avi. Hindi iyan mabubuo kung wala ang similya ko. At sinabi ko na last time,I will marry you, not just because of our baby. But also to be my wife, kaya sa ayaw o sa gusto mo, we will be staying together in this room, sleeping together in that bed. And I won't accept a no answer from you, wifey."

At napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang kaniyang malambot na palad na humaplos sa aking pisngi. It feels so right, pero iwinaksi ko rin iyon kaagad at tumayo na ako sabay tulak sa kaniya ng marahan palayo sa akin.

"Yeah right, whatever. Do as you wish." Dinampot ko na lamang ang aking nakahanda ng tuwalya at damit pamalit at pumasok na sa banyo para maligo, pampawala ng stress.

But Primotivo Alarcon is the one giving me a stressful life! So siguro dapat siya ang iwasan ko, para magkaroon ng matiwasay na buhay.

"Eh kung naisip mo na kaagad 'yan noon, bago ka bumukaka sa harapan niya, Eh 'di sana wala kang problema ngayon, at patuloy pa rin ang buhay mo bilang sikat na artista!" Singit naman ng mahadera kong konsensya. Tsk!

I think I'm going crazy, ni hindi pa nga nag-iisang araw na kasal kami ni Primo but I'm already stressed just by thinking of being together with him in one room.

Paano pa kaya kung... hays, ewan! Makaligo na nga lang at bahala na ang bukas kung anong mangyayari pa dahil sa mga desisyong pinanggagawa ko ngayon. I'll just go with the flow na lang and maybe also enjoy it until it lasts.

•••

Paglabas ko ng banyo, nakita kong nakahiga na si Primo sa kama, wala itong pang-itaas na damit at naka-boxer shorts lang. Shit! What a view, tanaw na tanaw ko ang eight packs abs nito na mukhang kay sarap hawakan, lamasin, at himasin.

"Ano kaya ang pakiramdam na makatulog sa mga bisig niya?" Hindi ko namalayang pahakbang na pala ako palapit sa kaniyang pwesto. At tumabi ako sa kaniya ng walang pag-aalinlangan. Nahiga ako sa kaniyang braso sabay yakap sa kaniyang nakakatakam na abs. At unti-unti, ipinikit ko na ang aking mga mata.

PRIMOTIVO'S POV

Nagising ako nang maramdaman ko ang bigat sa aking braso at dibdib, parang may kung anong nakapatong dito. Pero gano'n na lang ang naramdaman kong tuwa nang sa pagmulat ko ay si Avi ang aking nakita. Nakahiga ito sa aking bandang braso ngunit nakapatong na ang kaniyang ulo sa aking dibdib, habang nakayakap ng mahigpit naman ang kaniyang kamay sa aking bewang.

I couldn't help but just smile as I stared at her gentle, beautiful, angelic face that was peacefully sleeping soundly beside me.

"What a sweet baby. . . kanina ay paayaw-ayaw ka pa na makasama ako sa iisang kwarto and then, here you are, comfortably and sweetly sleeping in my arms," mahinang pagkausap ko sa kaniya habang nakamasid pa rin sa kaniyang napakagandang mukha.

At marahan kong idinampi ang aking labi sa kaniyang noo, ilong, pisngi, at syempre labi. I don't know why I did that, but I just can't help it. Parang may kung anong magnetic field ang humihila sa akin na gawin iyon.

Inayos ko na lamang ang kaniyang pagkakahiga sa aking dibdib, upang mayakap ko siya ng maayos. Damn it!

Bakit ganito? For the first time in my life, I just want to free my mind from all the stressful things and just sleep peacefully together with this beautiful goddess soundly sleeping in my arms. Ngayon ko lang ito naramdaman, fuck!

The truth is I don't love Avianna Alejandro or any special feelings towards her, why would I? Yeah, she's hot, sexy, beautiful, and so innocent —a perfect wife-to-be, at nabuntis ko siya, but I just want her to warm my bed, to be my stress-reliever. Kaya ko siya pinakasalan ay dahil gusto ko siyang maangkin para lang sa akin.

Fuck, ang gulo ko! Hindi ko alam kung kailan nagsimula basta nagising na lang ako na hinahanap ko na ang presensya niya simula nang may mangyari sa amin, hangga't tumatak na sa aking isipan na gusto ko siyang angkinin. And I just married her because I have to and I need to.

I need our marriage para hindi ako masakal sa isang kasal na pinaplano ng aking magulang. Actually, ayaw ko pa talagang matali sa isang relasyong panghabang-buhay, masaya pa akong ini-explore ang pagiging buhay binata ko. Hindi pa ako handa sa responsibilidad ng pagiging pamilyadong tao.

"Pero bakit mo pinakasalan si Avianna, Primo? Gago ka ba?" Biglang singit naman ng aking konsensya.

Ngunit bakit nga ba?

"Well, it's just because of pure responsibility, nothing more, and nothing less. Dahil nabuntis ko siya kaya ko siya pinakasalan. Dahil kung simpleng gusto ko lang siyang maangkin, hindi ko na kailangang pakasalan pa siya. But then, I got her pregnant and my child needs my name. Nagkataon lang din na kinailangan ko ang sitwasyong mayroon kami para makatakas sa arranged marriage na pinaplano ng magulang ko para sa akin. So why not, enjoy this shit and just go with the flow. Kumbaga, bahala na."

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon