A ring? A thing that is so beautiful to wear...
An accessory to your fingers -
A jewelry, a simple jewelry.
Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PRIMOTIVO'S POV
["SA ISANG condominium sa Makati natagpuan ang sasakyan na may plate number na EPA 1113 mo, Boss."]
Pagkasabi ng nasa kabilang linya nun ay kaagad kong pinaharurot paalis sa parking lot ng building ni Gonzalo ang sasakyan ko. Shit! Bakit hindi ko naisip na puntahan siya sa condo ng kaibigan niya! Damn! Susunduin ko na si Avianna, I need to talk to her. I need to explain everything, about the video scandal we have, at ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. She needs to know.
•••
Pangatlong doorbell ko na sa condo unit ng kaibigan ni Avi ngunit wala pa ring nagbubukas nito. I am about to press it again when someone called my name from behind.
"Engr. Primotivo Alarcon?"
Kaya napalingon ako kaagad dito. It's the doctor friend of Avi, halata ang gulat na rumehistro sa kaniyang mukha.
"Where's Avianna?" walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kaniya.
"I-I don't know..." hesitant na tugon nito sa akin kaya napatingin ako ng seryoso sa kaniya.
"I need to see her, I want to talk to her about everything, kaya please, Dra. Hope..." mahinahon kong saad na sana ay maramdaman niyang sensero akong nakikiusap sa kaniya na sabihin niya kung nasaan si Avi.
"Hindi ko talaga alam, Engr.," tanging sagot lang nito sabay abot ng isang bagay sa akin, the key of my car.
"Please, tell me where she is... I am begging you," saad ko at lumuhod sa harapan ng kaibigan ni Avi.
Pero tanging pag-iling lang ang itinugon nito sabay mabilis na humakbang papasok sa loob ng kaniyang condo unit sabay lock ng pinto. Damn!
Kinatok ko pa siya ng ilang beses, doorbell, katok, doorbell. Pero hindi na ako nito pinagbuksan ng pinto.
"Please... tell me where is Avi. Please, I need to see her. I need to talk to her. Please, where is she! Where is my wife?!" Halos sirain ko na ang pintuan nito, she was hiding her! Damn it. Ngunit hindi man lang ito natinag, napansin ko ring nagsilabasan na ang mga tao sa katabing mga unit nito.
Pero mas lalo ko lang kinatok nang kinatok ang pintuan niya, not minding the people around me, thinking that I am somewhat a psychotic man who's looking for his missing wife!
Not until someone approached me from behind, hindi ko sana ito lilingunin at mas lumikha pa ako ng ingay dahil kung kanina ay simpleng katok lang ang ginagawa ko, ngayon hinahampas ko na ang pintuan nito.
"Sir, tama na ho 'yan! Nakakabulahaw ka na po ng mga residente ng condominium," saad nito pero hindi pa rin ako natinag, mas lalo ko pang hinampas ng malakas ang pinto.
"Please, where is my wife! Tell me, where is my Avi, please!" sigaw ko pa na sana man lang ay marinig at maramdaman ng kaibigan ni Avi na sincere ako, that I will not hurt her friend, that I love my wife.