A ring? A thing that is so beautiful to wear...
An accessory to your fingers -
A jewelry, a simple jewelry.
Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"AVI, let's go!" sigaw sa akin ni Primo. Tinignan ko lamang ito at inirapan, nakabihis na siya, just a simple black suit yet so stunning on him. Pero wala akong ganang tumayo sa pagkakahiga ko sa kama namin. I feel so lazy and sleepy.
"Go, just go, Prim. I don't want to go. And besides, no one knows about my existence here in South Ridge, oh! Except with the one person I just met," saad ko na ikinatingin ni Primo sa akin habang inaayos ang necktie na suot. "And who's that one person, you are talking about?" kunot-noong tanong nito na ikinibit-balikat ko lang.
"Nah. Just a friend," I just simply answered.
"Just a friend? Taga-dito rin sa South Ridge?" tanong pa nitong muli na ikinatingin ko sa gawi niya, at doon ko lang napansin ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin din sa gawi ko. "Hmm..." simpleng sagot ko lang, tinatamad kasi talaga akong gumalaw o kausapin siya ngayong araw. Kaya hindi ko na rin iniintindi ang mga bagong reaksyong ipinapakita niya sa akin.
"A girl?" tanong niya pang muli and this time napaayos na ako nang pagkakaupo sa kama, at tinignan siya.
"Does it matter?" simpleng patanong na sagot ko rin sa kaniya. Sa tono kasi ng pananalita nito ay sobrang laking bagay kung babae o lalaki ang kaibigan o mga taong nakakasalamuha ko.
"Yeah. Because I'm your husband and you are my wife. And you are just mine, and mine alone. So it's a girl?"
Napatahimik ako sa naging sagot niya sa akin, hindi ko alam ang isasagot kaya mas pinili ko na lang hindi sumagot at pumasok na lamang sa walk-in closet na nandito sa aming kwarto. Mabilis kong hinubad ang aking saplot upang makapagbihis ng gown na binili niya kahapon para sa dadaluhan naming okasyon ngayon na gaganapin sa clubhouse ng South Ridge Village nang biglang bumukas ang pintuan ng walk-in closet. Napatakip kaagad ako sa aking hubad na dibdib. Hinubad ko kasi ang brassiere na suot ko kanina dahil may foam naman ang gown na susuotin ko.
Nakita ko ang pagngisi ni Primo sabay hakbang palapit sa gawi ko.
"What are you doing here?! Kita mo naman 'di ba, nagbibihis ako." At inirapan ko siya, pero ang hunghang ay mas lalo pang humakbang palapit sa akin. Ako naman itong atras nang atras, hanggang maramdaman ko ang pagdampi ng aking hubad na likuran sa malamig na pader ng kwartong kinaroroonan namin.
"A-ano ba, Primo." Pero imbis tumigil ito at lumabas na ng silid ay inabot niya ang aking mga brasong nakaharang sa aking dibdib.
Napatigil ako, nakatingin lang ako sa kaniyang napakaamong mukha, at sa kaniyang mga matang punong puno ng pagnanasa at pagmamahal? No, it can't be! Hindi ako mahal ni Primo. He just wants to take the responsibility of making me bear his child.
Hinayaan ko na lamang itong makita ang kahubaran ko. Ano pa nga bang saysay? Nakita niya naman na ang lahat ng posibleng makita sa akin.
"You are so beautiful," malambing niyang pagkakasabi sabay pagtaas ng kaniyang paningin sa aking mukha. Kaya nagtama ang aming mga mata.