THIRTY TWO

8.2K 281 33
                                    


AVIANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AVIANNA'S POV

GALIT NA GALIT ako! Ang landi landi ni Leyla!

Alam ko nakasunod lang ang mga kaibigan ni Primo sa likod ko.

"Avianna, room 006!" Narinig kong sambit ni Atty. Philip, kaya kaagad akong lumiko sa kaliwang hallway ng ikatlong palapag ng Starry hub kung nasaan ang mga kuwartong pwedeng tuluyan ng mga gusto magpahinga. Napahahawi na lang ang mga nakakasalubong namin. Mayroon pa nga kaming nakasalubong na nakatapis lang ang lalaki habang hinahabol ng asawa niya yata. Siguro nahuling may kerida sa isa sa mga kuwarto rito. Narating namin ang pinto na may nakasulat na Room 006.

"Kakatok ka ba, Ms. Celebrity?" tanong ng kapatid ni Ciarra. Dahil nakatayo lang ako sa harapan ng kuwarto. Lumingon ako sa kanila, tinignan sila isa-isa, at nagulat ako dahil may iniabot si Syd sa akin, susi.

Nakakunot-noo ako. "Ex-wife niya si Erin na may-ari ng Starry Hub. Kaya close siya sa mga staff dito kahit hiwalay na sila."

Oh, okay! Chika.

Kinuha ko na ang susi at nagpasalamat. Nanginginig sa galit ang mga kamay ko habang pinapasok ko ang susi sa doorknob.

"Wifey ni Primo, bilisan mo na! Baka pagpasok ng susi diyan sa doorknob eh ang pagpasok din ng halimaw ni Primo kay Leyla." Nilingon ko ang nagsalita no'n at tinignan ng masama.

"Bunganga mo nga, Damon!" sita naman dito ni Atty. Philip sabay batok.

"I can do this," bulong ko sa aking sarili at binuksan na ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nina Primo at Leyla. Katahimikan ang bumungad sa amin, not until may marinig kaming ungol ng isang babae.

"Ohhh... Primo! Maganda naman ako! Bakit, baby? Hindi mo ako kayang mahalin? Ohhh, Primo, I am ready!" Shit!

Hindi ko alam pero nanginginig sa sobrang galit ang buong katawan ko, kaya mabilis akong humakbang patungo sa silid. Sinipa ko pa talaga ang pintuan ng kuwarto kaya malakas itong bumukas, at si Leyla na naka-bra at panty lang na nakapatong sa naka-brief na lang na si Primo ang bumungad sa amin. She even smiled at me evilly sabay haplos sa mahimbing na natutulog na mukha ni Primo.

Sa hindi ko mawaring galit na nararamdaman ay sinugod ko si Leyla.

PHILIP'S POV

Kitang-kita namin kung paano itinulak ni Avianna si Leyla na nakapatong sa halos hubo't hubad na katawan ni Primo. Nahulog si Leyla sa ilalim ng kama. At alam kong malakas ang naging impact no'n dahil sa nilikhang tunog ng paglagapak ng babae sa sahig.

Nang hindi pa nakakatayong muli si Leyla ay kaagad namang hinablot ni Avi ang buhok nito. Shit!

"Ahh-aw Avianna! Aw. Ang sakit! Bitawan mo ang buhok ko!" tanging pagsusumamo ng isa.

Ngunit galit na galit si Avi, ramdam na ramdam namin 'yon. Lalo na at itinulak nitong muli si Leyla pasalampak.

"Aray! Bakit mo ako itinulak?" daing ni Leyla Benidez pero tinignan lang siya ng walang kaemo-emosyon ni Avianna.

"Sabi mo bitawan kita, that's why I did," mahihimigan ng sarkasmo ang pagsagot nito.

"Bitch!" tanging nasambit lang ni Leyla sabay tayo. Kung ako sa kaniya dapat hindi na siya tumayo. Dahil tamang pagtayo niya ay ang pagdapo naman ng palad ni Avi sa kaniyang pisngi. Halos ma-out of balance ito dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Avianna. Naramdaman ko ang paghawak ni Damon sa braso ko.

"Dude, hindi ba natin sila pipigilan?" tanong nito.

"Huwag ka ngang mangialam, Damonyo! Mangingialam lang tayo kapag si Avianna ang agrabyado!" bulyaw naman ni Hale kay Damon.

"Tangina ka, Avianna! Sana tinuluyan na kitang patayin noon!" biglang sigaw ni Leyla na ikinagulat namin.

"What did you say?" Kahit si Avianna ay mukhang nagulat sa isiniwalat nito.

"Ang tanga-tanga mo talaga! Ako ang may pakana ng aksidente mo noon, HAHAHA! Hindi pala, dahil ako ang sumagasa sa 'yo halos tatlong taon nang nakakalipas." Parang baliw nitong pagsiwalat ng kaniyang ginawang krimen. Napaupo ito sa sahig at nakayuko lang. At mayamaya'y tumingala na naman ito sa nakatayo sa kaniyang harapan na si Avianna.

"Dapat hindi na kita hinintay magising at pinatay ko na lang ang anak mo, bwisit ka! Ang tanga-tanga mong mas piliin si Primo kaysa sa buhay ng anak mo. Bitch!" bulyaw nito at hindi na nakapagpigil si Avi at hinablot nitong muli ang buhok ni Leyla.

At kinaladkad niya palabas ng silid. Kaagad ko namang sinenyasan si Zanjo at Gonzalo na gisingin si Primo. Bago namin nina Hale sundan si Avi na ngayon ay nakalabas na habang kinakaladkad si Leyla Benidez na naka-bra at panty lang. Kahihiyan ang gustong gamitin ni Avianna na paraan para magtino si Leyla.

"Huwag! Huwag niyo akong kuhanan ng litrato! Huwag..." iyak na pagsusumamo ni Leyla habang takip-takip ang kaniyang sarili dahil nasa kaniya na ang atensyon ng lahat. Hindi ko inaasahang paglabas ng kuwarto ay may mga nakaabang nang mga media people. Ready to get a scoop for tomorrow's headline.

Nakita ko naman si Avianna sa isang tabi. Just looking at her cousin na pinagp-pyestahan ng mga reporters. Hindi ko makita ang kaniyang mukha kung ano ang talagang reaksyon nito, kung masaya ba dahil nakaganti na siya kay Leyla o malungkot sa kahihiyang sinapit ng kadugo. Pero isa lang ang sigurado ako, she was crying, dahil sa paghaplos nito sa kaniyang pisngi. Napatingin naman siya sa gawi namin na nakasilip lang din sa may pintuan. Kaagad naman itong humakbang pabalik sa silid na kinaroroonan namin nang tawagin siya ni Leyla.

"Avianna, I am sorry! Please." Bigla tuloy napunta ang atensyon ng media kay Avianna. I am about to get her bago pa man siya dumugin ng tao nang may isang kamay ang humawi sa pagkakaharang namin sa may pintuan.

It's Primotivo.

At kaagad nitong hinila payakap sa kaniya si Avianna, keeping her safe and sound to his arms. Pinalibutan naman sila ng mga reporters na bago pa man sila madumog ay pumagitna na rin kami.

"Get us through! Before I file a case against all of you," matapang kong saad sa kanila kaya nagsihawi naman sila sa daraanan namin.

Nang mapadaan kami sa gawi ni Leyla Benidez na ngayon ay nakasalampak lamang sa isang tabi ay binigyan ko ito ng jacket na suot ko, na kaagad niya namang kinuha at isinuot.

Palampas na kami sa kaniya nang magsalita ito,

"Avi, Primo, I am really sorry." Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Primo, mas pokus siya sa pagyakap kay Avi at pagparamdam dito kung gaano niya ito kamahal na handa niyang sanggain ang lahat maproteksyunan lamang ito. Ngunit hindi nakalagpas sa pansin ko ang pagsulyap ni Avianna sa kaniyang pinsan with sympathy and I've heard her say,

"I am sorry too."

Alam kong narinig din ito ni Primo, what a lucky bastard having a woman like Avianna Alejandro Benidez that can be a bitch just to protect the one she truly loves yet with a good and pure heart to also say sorry for what she had done.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon