PRIMOTIVO'S POV
"ENGR.!" Napangisi ako sa taong tumawag sa akin habang humahakbang ako palapit sa kanila.
"Paano n'yo ako nakilala?" tanong ko sa mga ito nang marating ko ang mesang kanilang inuukupa.
"Pota, Primo! Malamang magsusuot ka ba naman ng maskara eh 'yong kalahating mukha mo lang ang natatakpan." Ngumisi na lamang ako sa naging tugon ni Zanjo.
"Oh kumusta na? Nasaan si Pepper?" balik-tanong ko na lamang sa kaniya. At ngumuso naman ito sa gawi kung nasaan ang kaniyang asawa na may kausap na mga kababaihan. Naalala ko naman si Avianna, kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko.
"I have to tell you—" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita naman kaagad si Gonzalo.
"The dare we have, Engr., I need the video now," saad nito. "About that, I already deleted it..." pagsisinungaling ko, dahil ang totoo ay mayroon pa akong kopya ng pagtatalik namin ni Avi two months ago. It's on my phone. Lagi ko kasi itong pinapanood.
Ngumisi naman si Gonzalo, he is not believing me.
"Com'on, Engr. Alarcon. I know you badly wanted the proposal for my new building project, just a copy of it, and the project is all yours." Nakipagtitigan ito sa akin.
Napansin ko ang katahimikan nina Apollo at Zanjo na nakikinig lamang sa amin ni Gonzalo.
"Cancel the deal we have, Gonzalo. I don't have a copy, anymore. And besides, I am already married. Just want to inform you guys." Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mukha nang sambitin ko iyon. So, hindi nabanggit ni Atty. Philip sa kanila ang tungkol sa pagpapakasal ko sa isang celebrity na kilalang kilala ng mga ito.
"The fuck, dude? Ikinasal ka na pala kay Leyla Benidez?" tanong ni Apollo sa akin na ikinibit-balikat ko lang. Ayokong sabihin sa kanila kung sino ang pinakasalan ko hangga't hindi ko nalalaman ang totoong agenda ni Gonzalo, why he gave me that deal two months ago.
"So ayaw mo na talaga sa new building project na ipapatayo ko?" paniniguradong tanong ni Gonzalo na nginisihan ko lang. Avi is more important to me, now. Ayaw kong mas ikasira niya at ng tiwala niya sa akin ang video na sa akin mismo magmumula.
It will surely break her heart, big time. At hindi naman ako maghihirap kung hindi ko makukuha ang proyektong 'yon. I still have my big clients aside from Gonzalo's company.
"I want it. But I don't have the video, anymore. It was already deleted," saad kong muli, naintindihan niya na 'yan, that I am already out of his games. Mas mabuti pang game over sa pagitan namin ni Gonzalo kaysa sa pagitan namin ni Avianna.
"Okay, then, congratulations on your wedding with Leyla Benidez. Sabagay malaking isda rin ang mga Benidez. Lalo na si Don Victoriano Benidez, ang pinakakilalang tao sa mundo ng real estate," saad nito at ibinalik ang kaniyang focus sa cellphone na hawak.
"Yeah right, thanks!" naging pagtugon ko lang na ikinangisi niya.
I know he knows something, pero hindi ako magsasalita hangga't hindi siya mismo ang magbabanggit no'n.
BINABASA MO ANG
WIFE SERIES: The Unscripted Emotion
RomanceA ring? A thing that is so beautiful to wear... An accessory to your fingers - A jewelry, a simple jewelry. Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...