SIXTEEN

7.2K 234 13
                                    

AVIANNA'S POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AVIANNA'S POV

"SIGURADO ka na ba?"

Napatingin ako kay Hope at ngumiti.

"A month of healing is already enough, I think. And a month without him beside me feels like an empty jar of emotions, para akong walang pakiramdam. I can't feel any emotions at all. But just the little heartbeat of my baby whispering things like, I should talk to his/her father and amend everything between us for his/her future," saad ko at napahimas sa aking may kalakihan ng tiyan.

At napatanaw naman ako sa labas ng sasakyan ni Hope habang papaalis na kami sa airport. Sinundo niya ako rito dahil galing pa ako sa probinsya ni mama.

Kung saan ako namalagi kasama siya ng isang buwan, upang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip na rin ng mabuti. Dahil kung pinili kong manatili rito sa syudad ay siguradong mato-toxic lang ako at masi-stress sa dami ng issues na mayroon ako ngayon.

"Kumusta na rito, Hope?" tanong ko.

Pero hindi ito kumikibo at naka-focus lang sa pagmamaneho. O sadyang iniiwasan niya lang ako at ang mga tanong ko.

"Sigurado ka na bang gusto mong kausapin si Engr. Alarcon?" Medyo may pag-aalinlangan sa himig nito kaya hindi ko maiwasang mapakunot-noo.

"Bakit? Hindi niya na ba ako hinahanap?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko ang paghigpit nang pagkakahawak niya sa manubela.

"D-dapat hindi ka na bumalik pa rito, Avi. Mas maganda na ang kinalalagyan mo sa probinsya. Malayo sa stress at toxicity." Hindi ko siya maintindihan, halos last few weeks lang ay tumatawag pa ito at sinasabing lagi raw siyang ginugulo ni Primo para alamin lang kung nasaan ako. And what now?

"What's the matter, Hope?" tanong kong muli, ayaw kong magtaas ng boses sa kaniya dahil sa inaakto niya ngayon sa akin. I still want to hear her answer to my simple question.

"W-wala," hesitant na sagot nito sabay iling.

Kaya mas tinuon ko ang pansin ko sa gawi niya.

"Anong wala? Mayroon, mayroon kang tinatago sa akin, Hope. Say it," matapang kong tudyo sa kaniya.

"Hindi mo ba nabalitaan sa mga balita?" paligoy-ligoy na tanong pa nito.

"Walang kuryente sa isla, Hope."

Napatingin ito sa akin na parang sinasabi niyang "seriously?"

"Eh paano kita nakokontak?"

"Isang lumang nokia na cellphone lang ang gamit ko dahil iyon lamang ang matagal ang lifespan. Dahil isang beses lang sa isang linggo kung lumuwas si Lolo patungong karatig-lugar kung saan may kuryente kaya nakakapag-charge." Nakakunot-noo lang itong napasulyap, parang hindi ito naniniwala sa mga pinagsasabi ko.

Kaya tinaasan ko siya ng kilay. Salat ang pamumuhay na mayroon ang totoong magulang ng nanay ko. A simple life in a far away island kung saan iilan lang ang naninirahan.

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon