ONE

17.7K 329 38
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


AVIANNA'S POV

"MAHAL? 'Yan ba ang sinasabi mong mahal mo ako, ang saktan ako? Pahirapan sa bawat araw na nagdaraan? Tao rin naman ako, Peter, may damdamin at nasasaktan din." Pag-iyak ko sabay hawak sa kaniyang mga braso kaya napatigil ito sa kaniyang paghakbang at lumingon sa akin.

"Bakit? Mahal naman kita pero mas mahal ko lang talaga siya. At teka nga, bakit, ikaw lang ba ang nahihirapan sa relasyong ito? 'Di ba dapat ako ang magreklamo dahil pinikot mo lang ako!" singhal nito sa akin kasabay nang pagwasiwas niya ng kaniyang braso dahilan para mabitawan ko siya. Pero sa sobrang emosyong nararamdaman ko dahil sa sinabi nito ay nagawa ko siyang maitulak.

"Eh 'di lumabas din! Palabas lang ang lahat! Hindi mo talaga ako totoong mahal, napilitan ka lang talagang pakasalan ako dahil nabuntis mo ako!" singhal ko rin sa kaniya habang patuloy pa rin ang aking pagluha.

"Oo, Oo, Oo! Ayan, narinig mo na! Palabas lang ang lahat dahil ayaw kong masira ang pangalan ng pamilya namin dahil sa kagagahan mo!" At naitulak niya ako ng malakas na nagsanhi para matumba ako at sumalampak sa sahig, kaya naramdaman ko ang biglang pagsakit ng aking balakang kasabay nang pag-agos ng dugo —dugo mula sa aking pribadong parte. Napaiyak na lamang ako dahil sa sakit at sa galit na aking nararamdaman ngayon. Nakahawak lang ako sa aking limang buwan ng tiyan habang umiiyak na tinatanaw ang walang humpay na pag-agos ng pulang likido —ang anak ko. . .

Naramdaman ko ang paglapit niya sana sa akin ngunit tinapunan ko lang siya ng napakasamang tingin, "Ano? Ako pa ang gaga dahil nagpabuntis ako sa 'yo? Hayop ka talaga, Peter! Sana, sana hindi na lang ako nagmahal ng isang katulad mo. . ." pahinang paglabas ng mga salita sa aking bibig kasabay nang pagtulo ng aking mga luha—

"And—cut!" sigaw ni Direk Gino. At kaagad naman akong inakay patayo ni Farhan, ang co-actor ko na ka-eksena ko kanina. Ngumiti ito sa akin, "Great job, Avi. Ang galing mo, nadala ako roon ah," papuri nito sa akin na nginitian ko na lang din pabalik.

"Ang galing, bebe! Kaya nga paborito kitang kasama sa mga pelikula at serye eh. You are such a gem to this industry," papuring saad ni Direk na nginitian ko lang at sabay irap pagkatalikod niya. Ang plastik, lahat naman ay gusto niyang kasama eh.

Kinuha na ang pekeng tiyan ng buntis na ipinasuot sa akin kanina at nakapagpalit na rin ako ng damit. Nandito ako sa dressing room ko at nag-aayos ng mukha ko, because I'm off to go somewhere. Tapos na rin kasi ang mga tapings at photoshoots ko ngayong araw kaya mag-gagala ako.

"Saan ka na naman pupunta?"

Napatingin ako sa repleksyon sa salamin ng taong kapapasok lang ngunit hindi ko ito sinagot, at nagpatuloy na lamang sa pag-aayos ng sarili ko.

"Avi—"

"Mom! Ano na naman ba? Alam mo namang sa Starry hub ako pupunta. Dahil doon naman ako lagi nagpupunta kapag naiirita ako sa 'yo."

WIFE SERIES: The Unscripted EmotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon