A ring? A thing that is so beautiful to wear...
An accessory to your fingers -
A jewelry, a simple jewelry.
Pero hindi inasahan ni Avianna Alejandro, a famous actress na ang simpleng bagay na ito ay magbibigay sa kaniya ng mas komplikadong buhay. A...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"SIGURADO ka bang safe ang secret ko rito?" paninigurado ko kay Dra. Hope Javier, nandito kami ngayon sa isang kaibigan niyang obgyn, mas mabuti na kasing sigurado talagang buntis ako, bago ko kilalanin at kausapin ang tatay ng magiging anak ko.
"Oo nga, just trust me. Crush ko nga 'to noong nasa college pa lang kami. Kaso hindi kami talo, so sad. Anyway, halika na, nasabi ko na rin kasing medyo private at confidential ang dadalhin kong pasyente today. Kaya 'di siya nagbukas ng clinic niya." Napatingin naman ako kay Hope.
"Thanks ha? Buti na lang nandyan ka para sa akin. Kung wala, hindi ko na alam ang gagawin ko," saad ko. Dumiretso na kasi kami rito sa clinic ng kaibigan niya after naming malaman ang kalagayan ko kaninang umaga. Kailangan ko kasing makasigurado bago ako gumawa ng next step to solve this thing. Pumasok na kami sa loob ng clinic, mabuti na lang din at hindi masyadong matao ang kinalalagyan nito.
"Oh my gosh! Avianna Alejandro?" gulat na sambit ni Dr. Carl Mendez nang tanggalin ko ang hoodie sa ulo ko, at hindi naman nakalampas sa paningin ko ang paghampas ni Hope sa kaniyang kaibigan. "I told you na 'di ba, confidential and private ang dadalhin kong pasyente sa 'yo."
Sabay irap ni Hope na inirapan din ni Dr. Mendez.
"Oh well, malay ko bang isang famous celebrity pala ang sinasabi mo. So? Preggy siya? My goodness, this will be a big scoop!" Napatingin naman ako kay Hope, na parang sinasabi kong sabi mo,safe ang secret ko rito. Kaya hinampas naman ulit siya ni Hope na nagpahiyaw rito.
"Oo na, oo na! Don't worry, you are safe here. Walang ibang makakaalam, except the three of us. Halika, let me check on you," sabi niya na may himig na ng professionalism.
•••
"Positive, you are 4 weeks pregnant," kumpirma ni Dr. Mendez, at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ano nga ba dapat ang maramdaman ko sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon?
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatulala lang ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Hope sa mga kamay ko. Kaya napadako ang tingin ko sa kaniya.
"So, what now, Avi?" tanong nito. And I myself didn't know what I should do next. But I looked at Dr. Mendez while thinking of something that I shouldn't do but I have to. It leaves me no other choice . . . "Do you perform—" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nakatanggap na ako ng sapok galing kay Hope.
"Don't think about killing the baby, Avi!" galit na saad nito.
"Pero, 'di ba? Dugo palang naman siya, 'di ba, Doc? Dugo palang siya, Hope... pwede pa, hindi pa naman siya nabubuo. Kasi hindi pa ako handa, hindi ko alam kung paano mag-alaga ng nabubuong tao sa loob ng tiyan, magpalaki pa kaya ng bata? Hope, ano ba ang dapat kong gawin? Paano na ang career ko?" Para akong mababaliw, natatakot ako.
Wala akong ibang magawa ngayon kundi ang mapaluha, ang gaga mo kasi, Avi. Ang rupok-rupok mong gumawa ng isang bagay na hindi mo iniisip ang magiging resulta.