Ika-Lima na Giling*** MMFF *My Mother Fucker Fantasy*

5.6K 43 7
                                    

Cavanata V




"Aba! Akalain mo umuwi ka ding haliparot ka!"

Yan! Yan agad ang Bungan sa akin ng aking Ina pag pasok ko ng aming bahay ang sarap sagutin nang San pa ba ko magmamana? Edi sa isa ring haliparot din!

Kung hindi ko lang talaga siya mahal kahit ganyan siya sa akin at kung di ko lang talaga alam na siya ang nanay ko matagal ko nang itinapon yan sa bundok tralala siguradong mag bubunyi yan doon maraming maharot na boylet doon eh!

"Ayus naman po ako inay, kahit papaano nakaubos ako nang paninda dahil sa tulong ni Badong" note the sarcasm! Ganyan talaga kami magmahalang mag-ina.

"Edi maganda nang may naitutulong naman sa pagbuntot-buntot sayo ang bakilitang yan!"

Kaunti na lang tatanungin ko na ang nanay ko kung lumunok ba siya ng blade! Ang sakit kasi sa tengga ng boses niya humihiwa ba.

"Mag hahain na po ako, pinadalhan kasi ako nang pagkain ng nanay ni Badong." Lumakad na ako agad papuntang kusina baka kasi sumabog ang tengga ko sa timbre ng boses ng nanay ko.

"Ahhhhhh!!!!!!!" P***** na ng Nanay ko napatakbo ako palabas ng kusina namen.

"Hoy! Bakit ka ba sumisigaw!" imbyernang salubong sa akin ng nanay ko.

Humihingal at nanglalaki ang mata ko na napatingin sa kanya.

"Bakit?!" mas lalong nanglaki ang mga mata ko pati ata butas ng ilong ko ngayon nanglalaki na! "Bakit?! May ga**ng lalaki lang naman na nakahubad sa kusina natin! Na akala mo kung sinong Adonis! Mukha naming butiking tinalupan!" sigaw ko sa kanya bahang nakaturo sa pintuan ng kusina naming.

"Anong butiki?!" mas lalong nainis pa ang mukha niya sa akin.

"Nay! Butiki na lang di mo pa alam ang itsura?!" dadagukan ko talaga tong nanay ko eh!

"Hindi butiki yun si Lito yun! Lito!" pag didiin pa niya sa akin.

"Wala akong pake kung sino siya!" balik na sigaw ko. "Ke si Butiki siya! Ke Hito ang pangalan——"

"LITO hindi HITO" namumula na ang mukha niyang sigaw pa rin sa akin.

Pero hidi ako nagpatalo! P**yeta wala na akong pake letse yang lalaking yan.

"Wala akong pake! Kung Lito ang pangalan nya! Mukha siyang Hitong isunumpa!" P*** talaga sasakit ang lalamunan ko dito kakasigaw eh!

"Ikaw Coring umayos ka ha!" pagbabanta niya sa akin habang nakaturo sa mukha ko.

Ako pa ang pinapaayos niya eh kung siya kaya umaayos dito!

"Ako pa! ako pa! nay naman!" padabog akong nag martsa papuntang sala namen pasalamat na lang talaga ako at hindi lumabas ng kusina yung hinayupak na Butiki at hitong pinagsanib nay un! Mukhang talaga siyang isinumpa!

"Sino naman ba yan ha?! Naghakot naman kayo ng engkanto sa labasan!" aru dyos ko! Maaga ako tatanda sa nanay kong ito!

"Anong sino? Kasasabi ko lang kanina ng pangalan niya di ba! LITO! LITO ang pangalan niya ulyanin ka na?!"

Napahilamos ako sa mukha ko! Lord! Ang hirap mag palaki ng magulang letse!

"At hindi siya Engkanto! Kahit mukha siyang tambay sa nuno sa punso! Tao yan" nag mamataray na sigaw niya sa akin.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon