Unang Giling*** Coring

15.7K 84 4
                                    

Cavanata I








Psst!



Napalingon ako sa likod ko ng marinig iyon, pero wala namang tao ako lang kaya naman binaliwala ko na lang saka tumuloy sa paglakad.



Pssst!



Ayan naman di naman pwedeng multo! Hello tanghaling tapat! Sinong tangang multo ang gagala ng ganitong oras? Edi nasunog s'ya sa araw ang bobo namang multo nun! Kaya naman lumakad na lang ulit ako.



Pssst!!



Ayan mas malakas na sya parang inis na. tiningnan ko sa likod ko wala! Sa kaliwa ko wala! Puro talahib lang!



Psst!



Tingin sa kanan wala din mga bahay na malayo lang, mas lalo naman sa harapan ko wala din!



Psst! Tst!



Hala! Nadagdagan na inis na talaga sya dahan-dahan kong inangat ang paa ko malay naman natin di ba kung naapakan ko pala sya buti nang sigurado pero wala eh!



Pssst! Coring!



Ay! letche may kasama nang pangalan tiningnan ko sa bulsa ko wala din! Sa bilaong dala ko wala din!



Pssst! Coring isa ka na lang sa akin!



Anak ng may pagbabanta na! nasaan ba yun? Inulit ko ang paghahanap.

Tingin sa likod, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, tingin sa harapan. Sa ilalim ng paa ko, sa bulsa, sa bilao! Anak ng wala talaga!



Psst! Coring pipitikin ko na yang dede mo!



O.O



Napalalaki ang mata ko doon, diyata nasa loob ng bra ko ang hinahanap ko?

Dahan-dahan kong sinilip ang loob ng bistida ko, anung gagawin ko kung doon sya nag tatago? Titili ba ako? Paano yung tili? Yung natatakot ba? O yung tiling nasasarapan? Ay! Anu ba yan.



Pssst! Coring! Wala ako dyan gaga! Dito sa taas!



Huh? Taas daw? Taas? Kaya naman tumingala ako agad. Nye! Puro ulap lang ang nakikita ko eh!



Ay bruha talaga dito sa taas ng puno gaga!



Agad naman akong tumingala sa puno na malapit sa akin at oo nga nanduon ang isang unggoy na nagsasalita!



"hala! Sabi na eh! Tama yung teacher ko may nagsasalitang unggoy nga!" nanglalaki ang mga matang sabi ko.




"Sige ganyanin mo ako! Sobra ka na sa akin ha!" aba yung unggoy nairap pa.



Hahaha.... Kasi naman mukha ka talagang unggoy dyan ano bang ginagawa mo dyan ha?



Natatawa akong lumapit sa puno kung saan nandun yung unggoy.

At ang unggoy nginusuan lang ako. Kainis kasi eh! Andyan naman si tatang! Maktol nito na sinabayan pa ng yugyug sa puno na akala mo ba ang puno ang may kasalanan kung bakit dumating ang tatang nito.



Oh, eh dapat nga matuwa ka dahil ilang taon kayong di nagkita, siguradong masayang masaya niyan si nanang mo. Ngiting ngiti kong sabi.



Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon