Ika-Pito na Giling*** Husband

4.3K 37 0
                                    

Cavanata VII






Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa bahay namen, lumalakas ang inggay na nanggagaling doon para bang ang daming tao mas lalo pang napataas ang kilay ko ng mapatingin sa magarang sasakyan na nasa loob ng bakuran namen.

"Ahay! Coring!" ngiting tagumpay na kaway sa akin ng aking Nanay napangiwi ako ng mapasadahan ko siya ng tingin.

Hikaw na ubod ng laki! yung totoo? hawakan ba ng timba yan?! bumaba ang tingin ko sa damit n'ya isang sobrang sexy dress na kulay orange! át ang neck line! Juice ko! Bakit hanggang sikmura?

"Hoy! anu bang tinutunganga mo dyan? pumasok ka nga parini!" napaatras naman ako ng konte. May mali sa Nanay kong ito eh, dama ng kada balihibo ko sa katawan.

"Nay! ano meron? Ba't ganyan itsura mo? malayo pa Halloween!" lukot ang mukha ko ng makalapit na sa kanya.

"Anong Halloween ba sinasabi mo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. bahagya naman ako napaatras

"Nay! anung pauso yan? seryoso? Green?" kandangiwi ko sa mukha niya.

"Bakit? maganda ang green! Nature lover!" irap niya sa akin

"Oo! naman Nay... pero yung gawin mong green ang kilay mo? hustisya naman Nay!"

"Oi---!" bago pa nya ipagmalaki ang kakaiba niyang kilay pinuna ko na rin ang buong mukha nya.

"Nay! ano ka Christmas tree?!" hindik! kahindik-hindik ang pagmumukha ng Nanay ko. Nanay ko ba talaga babaeng ito?

"Hoy! Coring!" nameywang pa siya sa harapan ko. In fairness ha... ang sexy ng nanay ko sa damit nya at kahit kulubot na ang balat maganda pa din.

"Gusto mo sabunutan kita sa baba mo?! kanina pang Halloween ngayon naman pang Christmas!"

"Kasi naman oh! ang kapal ng make-up mo! tirik na tirik ang araw eh... mukha kang sasali sa cast ng The Living Dead! at dinaig mo ang rainbow! ang kilay green and eye-shadow Blue and lipstick violet!" at ang blush-on! ke barbaridad! naghuhumiyaw na pula! damit na orange! hikaw na Yellow! sandals lang ata nito ang normal! kung normal bang magkaroon ng sandals na gold!

"Putragis na bata to! hala pumasok ka na sa loob at wag mo nang pag-initan ang make-up ko... sobrang ganda ko nga daw sabi ni Rigo." napahinto naman ako sa paghakbang.

"Sinong Rigo naman yan Nay?!" maktol ko, ito talaga ata ang magiging sanhi ng pagkabaog ko eh!

"Ay, hihihi..." kandala pilipit s'ya sa harap ko habang iniipit ang buhok sa likod ng tenga nya.

"Si Rigo, hihihihi..." napaikot naman ang mata ko feeling teenager talaga si Ina!

"Hala! sige ubusin mo muna yang kilig mo Nay, hiyang hiya naman kasi ako sa love life mo!" saka ko siya tinitigan habang naka halukipkip at talaga nga namang ibang-iba ang aking Ina natatangi talaga!

Note the sarcasm please!

abay heto at hagikgik to the max may pahampas-hampas pa siya sa akin at padyak ng paa, iba talaga ang level nito.

"Ano nay, tapos na? ubos na ba?" ngalay na ko kakatayo eh saka gusto ko na pumasok sa bahay ng malaman ko na kung bakit parang ang daming tao sa loob.

"Ay! hihihi... kinikilig kasi ako."

"Halata naman po Nay, di mo kailangan sabihin hayan nga oh, para kang bulate na binudburan ng asin."

"Kasi naman kinikilig talaga ako pag naalala ko si Rigo." Napaarko naman ang kilay ko.

"Oh, hala sino namang isumpang nilalang yan? aber!" nakaingos kong tanong.

Ipupusta ko ang abs ni Badong! isumpang nilalang yan!

"Hoy! hindi no, iba tong si Rigo... yumminess overload ito!" nalaglag ang panga ko sa Nanay ko maka sabi siya ng yumminess akala mo nagsasabi siya ng (huh, akala mo ha! iba to neng!)

"At paanong na iba ha, Nay? at yumminess? ai nako Nay iba na lang paglolokohin mo wag ako..." Nako ha! malapit ko na ipa check yung mata niya lagi na lang sablay.

"Hoy! seryoso ako! Gardo Versosa ang ka-gwapuhan nito." sabi niya habang pinaiikot yung hintuturo niya sa mukha ko tipong sinasabi saken na (Wag kang anu! high class ito!) malakas ko namang natapik ang noo ko. kelan kaya titino tong Nanay ko, konte na lang tuyot na matres ko dito eh.

"Rigo... siya yung katiwala ni Vladimir..." napaingos naman ako sa pangalang binangit niya tunog impakto!

"Sino namang impakto yan."

"Kuuuu... ikaw na bata ka! palibsa panay si Badong na lang amg gwapo sa pangin mo!"

"Oh, well Nay... gwapo naman talaga si Badong lahat ng bahagi ng katawan niya nagsusumigaw sa ka-gwapuhan." mayabang ko namang sagot sa kanya.

"Aba, oo naman anak yun lang gwapo din ang gusto at hindi magandang tulad mo!" ngising alimango yung nanay ko.

Para tuloy gusto ko siyang gataan tutal mukha na siyang alimango sa harapan ko. simangot na simangot ako sa kanya, di ako naka palag doon totoo naman kasi... gwapo din ang hanap ni Badong at hindi Maganda! letse!

"Ay nako halika na sa loob at saka ko ipakikila sayo si Rigo ko..."

"Rigo mo?!" high blood na ko sa Nanay ko! at oo na badtrip ako kasi nga... naisip ko si Badong bwisit na Bakla di na lang maging lalaki edi ako pa nangulit sa tatang niya na ipakasal kame! nakuuuu talaga.

"Oo... sabi niya kasi ~Ako'y sayo, Ika'y akin lamang... kaya akin siya" at ayun naging bulati naman yung Nanay ko.

"Nay... kanta yun! kanta! wag assuming!" sabi ko nang makatayo na ako sa tabi niya malapit na kame sa pinto ng bahay.

"Wala kang pake... sa in love ako!" sabi niya saka ako inirapan sabay pasok sa bahay. Naiiling na lang akong napasunod sa kanya. Pagpasok ko sa amin napatigil ako napatanga ako sa mga tao sa bahay.

"A-ano meron?" nauutal kong tanong, lahat sila nakatingin sa akin.

"Ay Coring halika" bigla naman akong hinatak nang Nanay ko palapit sa isang lalaki agad naman itong tumayo.

"Hi..." sabi niya habang titig na titig sa akin.

"Anak... siya nga pala si Vladimir ang mapapangasawa mo"






------To be Continue

Vote and Comment ^____________^V

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon