Ika- Dawampu't Limang Giling ***Hide***

2K 36 8
                                    


Warning!!!



This Chapter are not suitable for very young reader some words are too vulgar.


----oOo----





Cavanata 25





Dugo! Napakaraming dugong umaagos sa lupa.


Napalunok ako ng paulit-ulit upang pawiin ang paninikip ng aking lalamunan ang unti-unting paglamon nang mga nakakatakot na pangyayari ng paligid sa aking katawan...


Mas lalo ko pang naramdaman ang panginginig ng baba ko at buong katawan.


"C-Coring..." hirap na hirap na tawag ni Badong pero para akong isang kaluluwang ligaw na katayo lang doon at pinapanood ang mga matang dilat na dilat na, nakatingin sa akin habang umaagos ang masaganang dugo sa lupa, sa mga labi niyang hirap na hirap magsalita.


---Takbo! Takbo Coring!


Paulit-ulit ko itong naririnig sa aking isipang ngunit ayaw gumalaw ng aking katawan na tila pati paghinga ko ay bumabagal.


"Boss!" mabilis na lumipad ang paningin ko sa isang lalaking humahangos na lumapit sa isang lalaki.


"Punyeta kang babae ka!" galit na sigaw niya sa akin saka sumugod, ngunit bago pa siya makalapit isang malakas na putok muli ang umalingawngaw sa paligid.


Saka ko lang napansin ang kamay kong nanginginig na may hawak na baril.


"Coring..." hirap na hirap na hinawakan ni Badong ang balikat ko pero hindi ako natinag, nawawala ako sa aking sarili... nawawala ako sa tamang lugar...


Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko...


---Hindi pwede mamatay si Badong... hindi siya pwedeng mawala sa akin!


Kanina habang nakatutok ang baril sa ulo ni Badong at halos kalabitin na nang lalaking iyon ang gatilyo, ni hindi ko matandaan kung paano ko naagaw sa kasamahan niya ang baril na nasa likod nito at walang kurap na pinaputok iyon.


Dilat ang mga matang bumagsak ito sa lupa habang rumaragasa ang dugo sa leeg nito kung saan tumama ang balang pinutok ko.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon