Ika-Sampung Giling*** Imagine

3.2K 39 4
                                    



Cavanata X




Halos lukot na yung damit ni Badong sa walang tigil kong kakahatak magkaroon lang ng kasagutan ang hinaing ko.

"Tsk, Coring stop na ha! Lukring na itatawag ko sayo mamaya!" Lukot ang mukhang sabi niya.

"Eh, ano? hahayaan mo ako matali sa Hepa Boy na iyon?" nanggigil naman ako.

"Wait lang kasi nag-iisip ako!" marahas niyang tinabig yung kamay ko.

"Nag-iisip? ikaw meron nun?" nakataas ang kilay kong sita sa kanya pero ang bruha tinaasan lang din ako ng kilay.

"Iniisip ko kasi... ang yaman nila may hacienda! Toothbrush lang di niya mabili! baka naman masyado niyang paborito ang mga mais? tas tubig sa poso ang gamit niya kaya kulay kalawang siya? ano nagtitipid?!" lukot ang mukhang tanong niya sa akin.

"Aba malay ko? poso din naman tayo dati! Ba't di tayo naninilaw?" nakahalukipkip kong sagot, marahan naman siyang tumango sa akin.

"So anong gagawin natin para matigil ang pinaka maharot na babae sa buong baryo aber?" nakataas ang kilay niya sa akin.

Agad ko naman siyang sinapak sa braso, loko to nanay ko pa rin yun noh!

"Aray! masakit yun ah, ako na nga natulong ako pa nasaktan." iyak-iyakan niyang drama.

"Baliw ka kasi! maka maharot sa buong baryo ka kasi dyan! Nanay ko kaya yun!"

"Bakit? inangkin ko? edi iyong-iyo na!" sabi pa niya na parang may inaabot sa akin.

Inambahan ko ulit siya ng sapok.

Akala ko doon lang ako sa nanay ko matutuyuan ng matres eh, pati rin pala sa isang ito!

"Di ba kayang pag-tyagaan girl?" Halos matanggal ang ulo ko sa sarili kong leeg sa sobrang iling ko.

"Nakakahindik! nakakatakot! nakakarimarim! hindi ako fan ni Cory Aquino! Never ko pang na meet si McDonald's at wala akong balak maging ka tribu nila at maging taong dilaw!" hinihingal akong huminto saka siya tiningnan.

Nakangiwing iniwasan niya ako ng tingin.

"Sabagay girl... di ka pwede magpa-wedding of the century... baka sumugod si Amang Hari at kuskusin ng steel brush yung groom mo... tsk, tks... cannot be even we barrow one!" umiiling niyang sabi saka nihawi ang invisible bangs niya.

"Tigilan mo nga yang kakahawi sa mga invisible hair mo! akala mo naman ikina ganda mo yan!"

"Pati ba naman hair ko? pinapansin mo na?! iba na yan girl!" naiinis na inirapan niya ako.

"Sinasabi ko sayo Badong! isang irap mo pa dudukutin ko yang mata mo! at gagawin kong wind chime sa araw ng kasal namin ni Hepa Boy!" nanggigili na duro ko sa kanya.

"Ay! ang brutal bakla!" nakangiwi niyang tili habang nakahawak sa dibdib niya.

Inikutan ko siya ng mata, parang gusto ko rin siyang dibdiban! arrrggg! panay ka brutalan na ang gusto kong gawin kay Badong nakakaasar!

"Girl..." mahina niyang kalabit sa akin.

"Oh?!" nakatikwas ang kilay.

"Naisip ko lang... ang malas mong babae..." malungkot niyang sabi.

Napaderetso naman ako ng upo.

"Biruin mo... biniyayaan ka nang ganyang mukha." turo nya sa mukha ko na parang isang malaking sala ang magkaroon ng ganitong mukha.

Pinangliitan ko siya nang mata isa pang maling lintaya ng bruhang baklang ito may kalalagyan talaga siya sa akin eh!

"Ay! hayay, girl don't get me wrong... kasi naman look that face! Such a sinner! kahit sino gugustuhing mabiyayaan ng gangyang mukha, kaya wag ka na magtaka na asamin ka ng kahit sino yun nga lang sadyang mahusay si Vladimir at ang Nanay mong maharot ang unang diniga ayan tuloy force bride ka!" napabuga ako ng hangin so ano to? kasalanan nang maging maganda?!

"Tapos di pa natapos ang kamalasan mo..." suminghot-singhot pa siya.

"Imagine... you walking in the ailed papunta sa taong kalawang..." napagat labi siya habang naiiling.

"Tapos ang unang delibyo ng buhay mo ay ang pinaka nakakasumpang sasabihin ng pari! alam mo kung ano?" naluluha na si Badong! pati tuloy ako naiiyak na! kaya naman umiling-iling ako sa kanya.

"You may now kiss the bride!" bigla siyang ngumawa pati ako naiyak! nakakahindik! maisip ko pa lang papanawan na ako ng ulirat! yung Hepa Boy na yun? siya ang magiging unang halik ko?

Oh no!

"Umpisa pa lang iyon ng mga malalagim na pangyayari paano na lang sa honeymoon?" biglang nagkulay suka ang mukha niya at sa tingin ko mas hihigit áng akin!

Imagine things like that? That hepa boy?! He and me in one bed?!

"Mahabaging langit! itigil mo na yan Badong! dinaig pa natin nasa horror movie!" sabay pa kaming nag kuskos ng braso para maalis ang kilabot namin.

"Pero girl naisip mo din ba kung ano magiging itsura ng mga anak ninyo?" yung mukha niya akala mo nakakita ng cross breed ng tikbalang at alimango!

"Gago ka Badong! alam mo yung don't say bad words ha?! isa pang imaginary chu-chu mo dyan kakaladkarin kita kina Vladimir at ikaw ang ipakakasal ko doon!" nanggigil ako sa inis ah! Dyos mio Marimar anung sumpa ang dumating sa akin at kay Vladimir ako mapupunta? paano ko ipapaliwanag sa mga future wanna be baby ko kung bakit kulay kalawang sila? baka mamya pagkamalan silang kasamahan nina sponge bob at Winnie the Pooh kawawa naman ang mga magiging baby ko.






-------------

Pls Vote and Comment!

love yah! ^__^V

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon