Coring Cavanata XIV
Lumalalim ang gabi...
Tulad ng mga kabahayan sa di kalayuan tahimik din ang lahat, napabuga ako ng hangin sana talaga maayos na si Badong...
Pinunasan ko ang luhang nalalaglag sa pisngi ko, kainis nagiging madrama ako dahil sa kanya.
Matamlay akong lumabas ng kwarto ko para uminom ng tubig at ng mahimasmasan naman ako sa mga nangyayari sa akin sa buong araw na ito.
Derideretso ako sa kusina namin para uminom ng tubig, iniinom ko pa ang pangalawang basong tubig ng humarap ako para lang maibuga ang tubig na iniinom ko.
"N-nanay?!" dumadagundong ang dibdib ko sa lakas ng tibok nito.
"Coring!" nabibwisit na sigaw niya sa akin habang pinapagpagan ang silk rob niyang suot. Susyalin ang aking ina! Naka silk rob, samantalang ako eto nakalumang pajama at malaking t'shirt.
"Dyosmio Nay!" habol ko sa hininga ko habang naka harap sa kanan ko at nakatingala yung kamay ko nakahawak sa dibdib ko na para bang tatakas yung puso ko.
"Ikaw pa sisigaw nang ganyan? Pagkatapos mo akong bugahan! Lintik kang bata ka!" sigaw niya akin na akala mo ba eh nasa kabilang bundok ako kung makahiyaw siya.
"Paano naman ako hindi sisigaw nay! Dinaig mo yung babae sa 'The Grudge' kung pangarap mo pala maging artista sa mga horror movie, utang na loob wag mo akong idamay nay!" hala sigi mag sigawan tayong dalawa!
Gisingin natin ang sambayanan dito sa sitio sa mga boses nating dalawa.
"Hoy! Coring, ikaw ba nag du-drugs? Kung anu-ano pinag sasabi mo." ako? Ako pa ngayon ang naka drugs bakit kaya hindi niya yan sabihin sa sarili niya.
"Sinasabi ko sayo Coring kung anu, man yang pinag gagawa o tinitira mo tigilan mo yan ha!" shout all joy niyang sabi sa akin saka ako dinaanan.
"Ikaw naman, Nay kung ano man yang pinaglalagay mo sa mukha mo utang na loob tigilan mo na din!" naka irap ko siyang sinundan ng tingin.
"Ang tawag dito FACE MASK! F-A-C-E-M-A-S-K" nanggigil niyang lintaya sa akin habang tinuro yung mukha niya.
Ginawa pa akong boba nang Nanay ko! Alam ko namang face mask yan! Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kulay puti iyan naghuhumiyaw na puti aakalain mong hinilamos niya yung boysen.
"San mo ba pinag kukuha yan Nay?" sunod ko sa kanya habang nagkakamot ng batok.
"Bigay ng asawa mo... Ito daw yung ginagamit ng mga babae sa china kaya kahit may idad na eh bata pa rin tingnan." nakatalikod siyang nag sasalita.
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring