Ika-Labing Isa Giling*** X chromosome

3.6K 31 0
                                    




Cavanata XI




"Yaan mo girl dadalan kita ng madaming zondrox at ariel, malay mo pumiti di ba?" ngiting diablo na siya ngayon impakta talaga ito.

"Eh, kung ikaw ang pamumugin ko ng zondrox? malay natin maging lalaki ka." saka ko siya nginisihan.

"Hah! marami nang sumubok, marami nang nagtangka, ipinilit, nanalig, pinilit tinuklas ngunit dapat wa' mananatili ang nag-iisang Dyosa... ang Dyosa ng kagandahan walang iba kundi ako!" lintaya niya na para bang nasa beauty pageant siya habang umiikot sa harapan ko.

"Yung seryoso Badong wala kang balak mag change of plan? mag paka lalaki ka nga! sayang sperm! ang gwapo mo pa naman!" iiling-iling kong sabi.

"Loka! anong sperm? wala ako nun! Egg cell! Egg cell! ang meron ako lokaret! ihambalos ko sayo tong matres ko eh!" todo bigay nang emot niya akala mo naman sasali sa declamation!

"Hoy! BALDOMINO JUAN DIMATIBAG III. kahit matuyo ka dyan! Never as ing never kang magkakaroon ng matres!"

"Hoy Coring! FYI technology can do miracle! kaya na nga nilang lagyan ng kemberniy ang mga mojer na tulad ko! baka magulat ka isang araw kaya ko na din mag produce not just one! But many bebe!" kumikiwal kiwal pa ang daliri niya sa harapan ko.

Matindi na nga ata talaga ang sapak ng baklitang ito.

"Anong kemberniy?" Inikutan niya ako ng mata as if saying that I am the most stupid person on whole world wide!

"Gosh girl! so slow! kemberniy?! edi yung nasa gitna ng hita mo! yung natatanging reason kung bakit ikaw ang mas pipiliin ng mga kalalakihan dahil meron ka nyan at ako ay isang dalagang ubod ng ganda pero antena ang tinatago!" mukha na siyang engkantong sinaniban siging galaw ng leeg niya.

"So sad girl... forever na yang antena mo... pero may way pa naman nang mas madali maalis yan eh." nakataas ang kilay ko sa kanya at ang impakta akala mo may very bright idea akong sinabi kong makangiti sa akin!

"What it is girl? waaaa~~~ I am so excited! Speak lalu na bebe!" tiling-tili siya sa akin daig nang na nalo sa lotto.

"Puputulin ko yan at gagawing panakot sa mga engkantong binibingwit nang Nanay ko para magtigil sila! or worse gagawin kong bopis yan at ipapakain sayo!" tumayo ako saka lumapit sakanya nang naka pamewang.

"Sabihin mo na sa tatay mo na isa kang sirena, berdeng bulati, mariposang paniki ang pakpak, para matigil na ang lahat ng ito! napapagod na kong makipag laro sainyong lahat!" naglalagatukan ang mga panga ko sa inis.

Ang simple lang naman ng suliranin nila sabihin na ni Badong sa tatay niya na isa siyang paniki na nagtatago sa katawan ng isang paru-paro nang mag titigil na sa kakaasa ang tatay niya na isang siyang matikas na DIMAGIBA at mag papatuloy ng lahi nila edi matitigil na rin yung maharot kong nanay sa mga pakulo niya sa buhay.

"How can I tell aber?" inu-umpisahan naman niya ako sa pagdadrama niya aba! akala ata ng baklita na ito na lagi akong magpapadala sa mga drama niya!

"Umpisahan mo kaya sa pagsasabi ng totoo?!" I cross my arms in my chest.

"Paano?" tinaasan niya ako ng kilay. "Tang ipagpaumanhin mo... di keri ng power ko pakasalan si Coring... alam mo yun kasi feeling ko mas bagay sa akin yung gown, ipagpatawad mo din na isang akong pinaka magandang dyosa na nakulong sa mala adonis na katawan na ito... saka yung pangarap mo na isang batalyong DIMAGIBA cannot be tang! egg cell lang ang kaya kong i-produce hindi sperm, alam mo yun... yung sexy body ko kasi panay X-chromosomes lang ang kayang ilabas... in-short tang isa akong Dyosang nilalang at hindi isang Kawal... ganito ba?" saka niya ako pinameywangan.

"Al---" natahimik ako at biglang nanglamig ng marinig ang boses na yun.

"Anong sabi mo Baldimino Juan Dimagiba III?!" bigla kaming nanigas na dalawa nanglalaki ang mga mata niyang napatingin sa likuran ko ilang beses ako lumunok bago dahang-dahang lumingon para siguruhin kung sino yung nagsalitang iyon.

Halos manginig ako sa takot nang makita ang matatalim niyang tingin sa amin.

"T-tang..." nanglalamig ang kamay na tawag ni Badong.

"Ulitin mo nga ang lahat ng sinabi mo Badong!" nanggagalaiti ang mga bagang niya.

Oh gad!

Oh gad!

-----

Pls Vote and Comment ^____^V

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon