Ika- Tatlongpu na Giling ***Babysitting***

1.9K 33 3
                                    



Cavanata 30




Tinapunan ako nito nang masamang tingin na akala mo ba ay ako ang pumatay kay Lapu-lapu.


~Pero may napatay ka naman talagang tao Coring.


Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pagsingit nang tinig na iyon.


"This is really fucking irritating." Hindi naman nakasigaw na sabi niya pero masama pa din ang tingin sa akin.


"You know what?!" sabi niya habang humahakbang papalapit sa akin, yung mga hakbang niya ang bibigat na parabang ako yung sahig na gusto niyang tapakan.


"One minute my life was fine, then after a minute you'll came screaming at the back of my car, then in a snap what?! I am babysitting a douchebag girl?" naglilitawan ang mga ugat sa leeg niya kakasigaw.


Kulang na lang mapatakip ako sa tenga, sa bawat sigaw niya napapaangat ako sa upuan pero kahit ganoon may isang bagay akong iniisip...


Na gustong-gusto kong sabihin...


"Ahmm... Tagalog please?" nahihitakutan kong sabi.


Bumakas naman sa mukha niya ang di makapaniwala.


Ano naman magagawa ko, oo nakakapag English naman ako kahit papaano, nakakaintin din kahit paano, pero ang pagsasalita niya ay may kakaibang tunog na ikinalilito ko ang bawat kataga niya.


"Stupid!"


Napamulagat ako tinawag ba niya akong Tanga?


"Pag hindi nakaintindi Tanga agad? Di ba pwedeng ikaw ang may problema sa pagsasalita?" huli na para mapigil ko ang sarili ko malakas ko nang nasabi ang dapat ay sa isip ko lang.


Nanglalaki ang mga mata ko.


Sa isang iglap nakalimutan ang kinakaharap ko problema dahil pakiramdam ko handa na ang lalaking ito na ibitin ako kahit saan.


"Are you telling me that there's something wrong with my grammar? Language? Or ascent? Huh?" nangliliit ang mata niya sa akin.


"H-hindi po... ano---" napaiwas ako ng tingin gusto ko talaga kutusan ang sarili ko dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.


"You b--" naputol ang kung ano mang sasabihin niya ng tunog ang kanyang cellphone.


"Hello!" napaangat naman ako sa kinauupuan ko sa lakas ng boses niya.


Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon