Ika- Apatnaput-limang Giling ***Virginity***

1.1K 19 0
                                    


Cavanata 45


Nanglalaki ang mga mata kong napatingin sa mga pintong biglang bumukas nahihirapan man ako sa pwesto ko hindi ko na ininda mas inaalala ko yung mga pintong mabilis sumunod sa pinuno nila.

~Tang iris parang mga nagkakaisa talaga ang lalaki pa ng bukas ah, kulang na lang magsalita at sabihing kahit saan sa kanila pwede akong itapon ni Luke.

Peo mas nagulat ako nung may mga taong naglabasan sa elevator.

“Grabe sa dami ng taong kinain nila nasuka na yung mga pinto.” Naiiyak kong sabi.

Pero mas nagulat ako kay Luke, siguro hindi niya akalain na ganoon na kadaming tao ang nakain ng mga pintong iyon naramdaman ko na lang ang pag-uga ng balikat niya.

Pinipigil niya siguro ang iyak niya kasi wala naman akong naririnig na iyak mga pag-angat lang ng balikat niya ang nararamdaman ko.

Yung mga tao nakatingin samin na akala mo hindi ito ang unang beses na nakakita sila ng taong tulad ko.

~Naawa siguro sila sa akin kasi naman ang ganda ko tapos sa ganito lang matatapos ang buhay ko, ni hindi ko man lang naibiyaya sa mundo ang ganda ko.

Ganoon nga siguro talaga ang mundo yung mababit at mga magagandang tulad ko maagang kinukuha siguro kasi nauubos na ang mga anghel sa langit kaya maaga kaming kinukuha nakakaawa ang mundong ito mauubusan ng mga magaganda nilalang.

Napatigil ako sa paglilintaya ko sa isip ko ng makita kong papasok na kami sa pinto.

“Luke! Ayaw ko pa mamatay parang awa mo na virgin pa ako!” ngawa ko pero huli na naipasok na niya ako loob.

Bigla niya akong hinagis pababa nung sumara ang pinto.

“Ano? Namatay ka ba?” namumula ang mukha niyang sabi sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya.

Nag-iisip ako ano ba! Baka kasi yung digested nito katulad ng sa mga ahas matagal kaya hindi ako agad mauubos napatingin ako sa paligid nakatingin sa amin yung ibang tao, yung tatlong babae nangingiti pa pati yung ibang lalaki.

Hindi ko alam kung ako ang pinagtatawanan o si Luke.

Napalundag pa ako nung marinig ko ulit yung ‘Ting’ hundyat na bubukas ang pinto, bumukas nga ito saka lumabas yung ilang lalaki habang natatawa pa din pero yung isa bago lumabas humarap sa akin saka nag sabi ng;

“Kung gusto mong mawala na ang virginity mo tawagan mo lang ako.” Nakangisi niyang sabi sabay suksok sa bulsa ng damit ko nung maliit na papel mas lalo naman namilog ang mata ko narinig ko pa ang malulutong na mura ni Luke bago sumara ulit ang pinto.

“Do you really have to shout out about your virginity?” inis namang sabi ni Luke, minsan talaga gusto ko na makilala nanay ni Luke eh gusto ko itanong kung sa sama ba ng loob niya pinaglihi ito kakainis.

“Ayoko lang mamatay ng virgin noh, baka hindi ako papasukin sa langit o di kaya baka maging santo ako.” Irap ko sa kanya narinig ko naman yung mga pigil na tawa sa paligid namin.

“God, you are really something.” naiiling niyang sabi sa akin.
Muli naman bumukas ang pinto may mga lumabas meron din namang mga pumasok.

“See? This goddamn door doesn’t eat nor killing anybody you are just over reacting.” Tina-asan niya ako ng kilay bading talaga. “This thing was helping people to make their life easy, instead of using STAIRS. WE use this.”

Inirapan ko lang siya nung pagkadiinan niya yung salitang stairs at we.

Edi sila na tamad mas maganda naman gumamit ng hagdan exercise din iyon kesa naman dito mga tamad.

“Hindi mo naman ako masisi kung yun ang isipin ko, wala naman ganito sa probisya namin no.” balik kong sikmat sa kanya.

“God, where’s your place now a day’s technology was all over the world.”

“Diyos me naman Luke hinay-hinay sa English you know my ears some kind of bleeding everywhere.”

“What?!” tinitigan niya ako na akala mo ba naging lima ako.

“Ewan ko sayo, inglis ka ng inglis tapos pag ako hindi mo maintindihan.” Nakakabobo talaga si Luke.

Tinaas niya ang mga kamay niya para bang sumusuko na siya sa akin.

~Huh. Siya pa talaga naubusan ng energy ah.




---oOo---

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon