Ika- Tatlongput Lima na Giling ***A Week with Him Day 1 ***

1.3K 21 2
                                    


Cavanata 35


“This is crazy! You are crazy!” namimilog ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

“Ako pa ang baliw sa atin? Aba! Ano bang mahirap sa magtagalog ka ha?” sagot ko sa kanya habang nakapamewang.

“This is my house! So I will speak the way I want! I will use the language that I want!” naglalabasan na ang mga ugat niya sa leeg.

“At bansa ko ito! Filipina ako. Pilipinas ito kaya marapat lang na gamitin ko ang wikang TAGALOG! At ikaw ay nasa bansang PILIPINAS kaya gumamit ka ng TAGALOG!” balik kong sigaw sa kanya.


Sa totoo lang sumasakit na lalamunan ko sa pakikipag sigawan sa kanya, pero kailangan ko manindigan! Alang-alang sa tenga ko at natitirang utak ko na maaring magpaalam ano mang oras pag hindi pa siya tumigil sa kaka-ingles niya!

“The hell I care! If you don’t want to listen to me, you are free to leave my house!” sabay turo niya sa pintuan ng bahay niya.

“Ah, so pinapaalis mo ako?”

“Yes!” pinakatitigan ko siya, iniisip ko talaga kung ano ang saltik ng taong ito kanina lang ang lakas maka magandang loob tapos ngayon gusto akong paalisin saka kahit naman gustohin kong lumayas hindi pwede saan naman ako pupunta saka gaya nga ng sabi noong gwapong pulis malaki ang posibilidad na hanapin ako ni Badong dito dahil sa sasakyan.

“What now? You don’t want to leave?” nakataas ang kilay niya sa akin.

“Una kahit gustohin ko hindi pwede dahil dito ako iniwan nuong gwapong pulis, panga---”

“What did you say?”

“Kita mo bastos ka den eh no? nagsasalita ako eh.”

“Fuck it! What did you just say?”

“Bastos ka.”

“Not that!”

“Una?” nalilito kong tanong para naman kasing timang kausap to hindi na lang deretsuhin.

“No! Damn it! You said Samuel is Handsome?” salubong na salubong ang kilay niya.

“Handsome? Kamay at ilan?”

“W-what?”

“Sabi mo kasi Handsome! Hand- ibigsabihin kamay! Some- ibig sabihin ilan, ang slow nito! Inglesero nga slow naman!” napakamot ako sa leeg ako, naiinis na kasi ako talaga sa kanya.

“That’s not what it means!”
“Kita mo ako pagagawin mong slow! Saka hoy, mas matangkad ka lang kay mamang pulis pero hindi siya mukhang kamay at ilan! (handsome)” konte na lang talaga babtuhin ko siya ng tsenelas eh.
Marahas niyang hinilamos ang kamay niya sa mukha niya saka tinitigan ako na para bang ako ang pinaka mahirap i-solve na bagay sa mundo.

~Duh! Tao kaya ako hindi math!

“Okay, fine I had enough!” nagtaas pa ito ng kamay na akala mo ba eh criminal na sumusuko, napanguso naman ako habang nakatingin sa kanya.

~Kanina math ang tingin niya sa akin ngayon naman holdaper, nakakainis na siya ah!

“Oh! What’s with that look?” sabi niya sabay irap sa akin.


“Bading ka ba?!”


“What?!” humakbang siya sa akin papalapit habang nakapamewang at namumula ang buong mukha pati tenga.

“Kanina ka pa kasi irap ng irap, tapos ngayon tinataasan mo ako ng kilay! Bakla lang gumagawa niyan.”

“I am not a gay!” mariin niyang sabi.

“Weh?” di ako naniniwla no! si Badong nga di nahahalatang bading eh, aba ha! Okay lang naman sa akin sanay na ako sa mga baklang yummy.

“I am not!” naggagalawan ang panga niya habang nakatingin sa akin, pero hindi pa din ako kumbinsido.

“Sus, okay lang naman sa akin madami---” Nanglalaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

~Oh My Glorious! H-hinahalikan niya ako!

Hinahalikan ako ng isang istranghero pero hilbis na itulak siya iba ang nararamdaman ko, unti-unting bimibigat ang talukap ng mga mata ko na para bang may nagsasabing mas mararamdaman ko ang labi niya kung pipikit ako.

At totoo nga mas nakakahalina ang paggalaw ng labi niya ngayong nakapikit na ako, pero mayroon pang nais gawin ang katawan ko, gusto nitong gayahin ang ginagawa ng mga labi niya sa labi ko.

Pero bago ko pa magaya ang paggalaw ng labi niya ay nakalayo na siya sa akin.

“I’m. Not. A. Gay. Walang baklang kayang humalik ng gaya nang sa akin.” Nakangisi siyang lumayo sa akin saka marahang lumakad palayo.

“You win; I will speak tagalog. Mi amore.” Sabi niya habang tinatanaw ko ang kanyang papalayong bulto.
Napakurap ako ng tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, unti-unti akong napaupo habang hawak ang dibdib ko.


“Heart, wag kang lalabas sa lalagyan mo please…”








----oOo-----

Thank u for still waiting...  Love u all! 😘😘😘😘

Pls, vote and comment 😉😉😉

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon