Ika- Tatlongput Talong Giling ***The Keeper***

1.4K 24 1
                                    



Cavanata 33




"Paano ang kasama ko? Nasaan siya? Ayus lang ba siya? Nakita nyo ba siya?" napatayo na ako sa aking kinauupuan wala akong balak alamin ang nangyari sa mga walang kaluluwang iyon ang gusto ko malaman ay si Badong, siya lang wala nang iba.


Hinilot nito ang sintido saka tumingin sa akin na parang nag-iisip ng magandang sasabihin.


Mabilis na binudol ng kaba ang dibdib ko, kakayanin ko ba kung mawawala sa akin si Badong?


~Hindi! Hindi ko kaya! Nangako siya hindi babaliin ni Badong ang pangako niya... wag... hindi ko kaya.


Napahinga ako malalim nang tumakas ang isang hikbi sa aking labi, hikbing nasundan pa kasabay ng mga luhang puno ng takot.


"We can't find him..." malungkot na saot nito.


"What happened?" narinig kong tanong ni Luke.


"Ayun sa mga saksi may dalawang taong hinahabol ng grupo ni Redentor kaninang madaling araw which mean sila, hindi daw nila alam ang nangyari sa babae." Bumaling muli ang tingin nito sa kanya. "Which we know where she is now, the other one remain and chased by Redentor's group."


"M-may nakakita ba kung nakuha siya?" matiim kong pinadarasal sa langit na sana hindi kahit ito na lang nagmamakaawa ako sa langit.


Muli itong bumaling sa folder saka tumingin sa kanya. "Well... there this old woman said na nakita niyang nakasakay sa isang truck ang lalaking nasa five' eleven to six footer na lalaki nakasuot ng puting t-shirt sugatan at may mga dugo sa damit; moreno, hindi niya masyadong nakita ang mukha dahil sa takot sa nangyayari---"


"Ligtas ba siya?" Putol ko sa mga binabasa niya alam ko na si Badong iyon walang iba at iisa lang ang gusto kong malaman kung ligtas siya.


"Dalawang bagay lang ang masisiguro ko sayo, nakaligtas siya at nakalayo sa grupo ni Redentor, pero hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin niya ayun sa saksi may tama ng bala ang lalaking sumakay sa truck." Nanginginig akong napatakip sa aking mukha.


~Badong...


Impit akong umiyak.


~Hahanapin kita kahit anong mangyari Coring...~


Sunod-sunod akong napahikbi ng marinig ang tinig niya sa isip ko.


~Magkikita tayo tandaan mo yaan~


Pilit kong nilulunok ang sakit at mga luha ng maramdaman ko ang marahang paghagod sa aking likod ng i-angat ko ang tingin sumalubong sa akin ang malalam na mata ni Samuel.


"Wag ka mag-alala ipapahanp ko siya, sa ngayon ang mahalaga alam mong ligtas siya at alam kong hahanapin ka din niya." Marahan itong ngumiti sa akin.


"O-oo... salamat, saka hindi siya babali sa pangako niya alam ko... s-siya... siya lang" muling bumitak ang boses ko, pakiramdam ko nag-iisa ako... pakiramdam ko iniwan ako ng lahat. "Siya lang ang meron ako..."


Napatango ito saka marahang pinisil ang balikat niya.


"Bweno sa ngayon ang kailangan nating isipin ay ang matutuluyan mo." Tumayo ito sa harapan ko saka namulsa.


"May kamag-anak ba kayong pupuntahan dito?"


"W-wala... bagong lang kami dito maghahanap sana kami ng matutuluyan bago nangyari ang lahat."


Napakamot ito sa nuo saka tinitigan ako na para bang iniisip kung ano gagawin niya sa sakin.


Huminga ito nang malalim. "Sige dumito na lang muna para---" naputol ang sasabihin nito ng biglang tumayo at magsalita si Luke.


"Hey! Hey! The hell man? Is this your house? May I just remind you this is mine! MY. HOUSE. MINE!" lukot na lukot ang mukha nitong nakatitig kay Samuel.


"Inangkin ko ba?" nakangising sagot naman nito.


"But you're just deciding as if this is yours." Naglilitawan na ang mga ugat sa leeg nito.


"Sige nga saan ko siya patutuluyin? Sa bahay ko?" ngumisi ito ng nakakaloko hinawakan nito sa balikat si Luke saka hinarap sa kanya. "Nakikita mo ba yaan?" tinuro ako nito na akala mo eh isa akong kakaibang isda sa aquarium.


"Ilang barako ang nasa bahay namin Luke, aba mahirap bantayan ang ganian kagandang nilalang." Namula ako sa sinabi niya, ngumiti pa sa akin ito ng matamis.


"Saka sa sasakyan mo siya iniwan ng kaibigan niya for sure hahanapin niya ang car plate mo para mahanap siya that way hanapin man siya nito hindi na sila mahihirapan parehas habang hinahanap din ito ng mga tauhan ko." Tinapik-tapik nito sa balikat ang kaibigan.


"This is ridiculous" sobrang salubong na kilay nito na para magiging isa na.


"Hey this is not bad; you have the most gorgeous housemate that everyone wants" ngiting-ngiti ito sa kaibigan na parang ngumuya ng isangdaang ampalaya.


Pinakatitigan siya nito saka muling bumaling sa kaibigan na may mga matang nagsasayaw sa tuwa.



"Fine! I keep her!"






---oOo---


Nagpapa-ulan ng UD bc po kc me talaga... kaya ayn nilamay ko...


Pls. Vote and Comment




Written by: Crazybhabiemhine

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon