Ika-Apat na Giling*** Change of Heart <3

6.6K 51 2
                                    


Cavanata IV




Kaya heto ako ngayon di ko alam kung ikasisiya ko ito o ikamamatay ko sa inis sa baklang ito.


Kasalukuyan kaming nakahelerang naka upo sa lamesa sa pinaka kabesara ay ang Tatang ni Badong sa kanan naman nito ay ang Kanyang Nanang sa kaliwa naman ay si Badong na kasalukuyang katabi ko.


Gusto kong burahin ang mukha niya! Gusto kong burahin yung ngisi niya sa mukha niya na kanina pa nakapaskil sa pagmumukha niya.


Pasimple ko siyang kinurot sa kanyang hita.


"Aray!" malakas na tili ni Badong. Oo! Tumili ang hitad kaya naman kitang kita ko ang panglalaki nang mga mata ng kanyang Nanang at ang Napatigil sa pagsubong gagawin ng kanyan Tatang.


"Ah.... Ah...." Nagpaikot-ikot na ang kanyang paningin na halatang naghahanap ng palusot.


"Eherm!" nagtanggal pa talaga muna siya ng bara sa lalamunan niya. Gusto ko nang tumawa ng malakas! "A-aray...."pagpapalaki niya sa boses niya habang nakangiwi! Kulang na lang malagutan na ako nang hininga sa kapipigil kong tumawa sa mga pinaggagawa niya. Napatingin ako sa Tatang niyang na nakakunot noo, sunod sa kanyang Nanang na Matalim ang tingin sa kanya, nangingiting ibinaling ko ang aking mata sa kanya para lang salubungin nang isang mukhang pinagsama ng kanyang Nanang at Tatang si Badong na kunot ang noo at Matalim ang tingin sa akin sa madaling salita lukot ang kanyang mukha niya! Pero ineng gwapo pa din ang talipandas na bakla!


"Bakit?"patay malisyang tanong ko sa kanya.


Pasimple naman siyang sumagot sa akin. "Impakta ka! Bakit mo aceth kinurot masaket ateng! Pisti ka!" gigil na gigil na sabi niya.


Na mas lalo kong ikinangiti iyon. Ang lagay ba kakalimutan ko na lang yung ginawa niya sa akin kanina na kung makatawa eh wagas! Ano ako bale? Pagkatapos nila ako pakinabangan pambihira! Iba na yun!


"Subukan mo pang ulitin iyon sasabunatan talaga kita!" inis na inis na sabi niya.


Napataas naman ang kilay ko aba at ako pa talaga ang tinakot niya ha!


"Ganon?" nakangising sabi ko sa kanya.


At ang malanding Baklang ito inirapan naman ako!


Pwes! Tingnan natin kung makairap ka pa!


"Ah.... Tatang...." Panimula ko agad naman huminto sa pagsubo ng kanyang pagkain ang Tatang nito maging ang Nanang niya ay napatingin sa akin pero siya patuloy lang sa kanyang pagkain habang nakasimangot.


Ganun? Okay fine.


"May.....may gusto lang po sana akong sabihin sainyo..." pinalabas ko talagang parang nag-aalangan ako sa aking pagsasalita.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon