Ika- Dawampu't Apat na Giling ***NO!***

1.8K 30 4
                                    



Cavanata 24






"At sa palagay mo, mapipigil ng kamatayan mo na pagsawaan ko ang katawan mong iyan?" saka niya ako malakas na hinatak palayo kay Badong.


"Ah!" malakas akong napadaing sa lakas ng pagkakahatak niya sa braso ko narinig ko pa ang malakas na paglagatok nito.


"Coring!" pinilit abutin Badong ang kabila kong kamay para mabawi sa halang ang kaluluwang lalaking ito ngunit isang malakas na sipa sa mukha ang kanyang natanggap.


"Dyos ko! Tarantado ka!" pumalag ako sa isang lalaking may hawak sa akin saka siya pinagkakalmot pero bago ko paman mabalatan ang magaspang niyang mukha isang malakas na suntok na nagpahinto sa akin.


"Tang'na kang babae ka ang kapal mo kalmutin ako!" sigaw niya sa mukha ko habang namimilipit ako sa sakit at hinahabol ang hininga.


Sa nahihirapan kong paghinga at pag-aninag sa paligid sinundan ko ang marahan niyang paghakbang papunta sa isang lalaking tulad ko ay halos hindi na makatayo mula sa lupang kinalalagyan.


Hindi ko mapigilang mapahikbi sa takot, sa mga maaring mangyari sa mga susunod na sandali, pinipilit kong ilibot ang aking paningin nagbabakasakaling mayroong maawa.


Pero sadyang nasa bingit ata talaga kami ng impyerno ang tangi ko lang nakikita ay ang mga mukha ng mga kalalakihang tila isang napakagandang tanawin ang kanilang nakikita sa kanilang pagkakangiti, na tila ba ang kanilang nasasaksihan ay ang pinaka nakakatuwang pangyayari sa mundo kung sila ay makahalakhak.


Hanggang sa ang mga hikbi ay naging isang malakas na iyak ng makita ko kung paano paluin ng halimaw na iyon ang lalaking nakahiga sa lupa, ang lalaking iyon....


Ang lalaking...


Pilit gumagapang papunta sa akin, pilit inaabot ang mga kamay ko...


"Tama na paki usap..." paulit-ulit ko tangis sa pagitan ng bawat hirap kong paghinga, sa bawat walang kasing sakit na pagluha.


"Kahit sino... paki-usap... paki-usap..." ngunit sarado ang kanilang mga kaluluwa para pakinggan ang hirap kong pagtangis.


"Wag!" nahihintakutan kong sigaw nang makitang hinampas ng isang lalaki ng malaking tubo sa likod ang lalaking pilit na inaabot ako.


"B-Badong..." ---Hindi!, hindi pwede!


"B-Badong... wag paki-usap tigilan na ninyo siya..." ---parang-awa na ninyo... tama na...


Ngunit ang mga halimaw ay bingi sa sarili nilang kasiyahan kung ilang beses sumuka ng dugo si Badong habang habol niya ang kanyang paghinga...


Umiikot ang paligid ko... nabibingi ako sa kanilang mga tawanan... sa kanilang malalakas na halakhak.


"Totoy! Mag paalam ka na sa kasama mo..." nanigas ang katawan ko ng makitang may nakatutok na baril sa ulo ni Badong.


"Hindi! Wag! Wag!" natataranta kong sigaw...


---Kahit ano! Wag lang iyan... wag ninyo siyang kunin sa akin! Wag si Badong... paki-usap...


"Co----" parikaramdam ko mababaliw ako kahit anong sandali.


Mahigpit akong napahawak sa aking bibig nang mabasa ko ang mga minsahe sa mata niya.


Mga mensaheng kahit sa pinaka nakakatakot na bangungot ay hindi ko maihahalintulad.


"Co---Coring..." Mabilis akong umiling.


---Hindi! Hindi pwede ayoko! Wag!


"Badong..." ----wag! Wag mo akong iwan nang ganito... wag ngayon... wag dito... wag kahit kailan.


---Ayoko!


Ang mga mata niyang punong-puno ng paghingi ng patawad... ang mga mata niyang nag sasabing...


"Paalam... Coring..."


Hanggang sa pumunit ang dalawang malakas na tunog...


Isang malakas na tunog ng baril...


At ang tinig ko...


"Huwag!!"




----oOo---


please Vote and comment...


sorry if matagal mg UpDate... bc po kc sa school....




Written by:

Crazybhabiemhine

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon