Cavanata 44Malakas niya akong hinagis paalis sa balikat niya buti na lang nakakapit ako sa manggas ng damit niya kung hindi tumapon na ako sa malayo.
Tinitigan ko siya ng masama impakto eh, alam ko naman na malakas siya pero yung ihagis ako? Gago ng sampu ito.“You…” tinuro niya ako na parang hindi siya makapaniwala na nakatayo ako sa harapan niya.
“Did you…” gumalaw galaw yung kamay niya na parang may hinahalo na ewan saka niya ako tinitigan na akala mo biglang naging anim ang mga braso ko.
“You…” lumunok siya ng sunod-sunod.
“Taposin mo nga yang sinasabi mo, alam kong gago ka pero mas lalo kang nagiging mukhang gago sa paningin ko.” Irritable kong sabi.
Aba nanginig pa din yung mga binti ko sa pag-akyat ah, tapos bibit-bitin niya ako na parang kambing na pwede nang katayin sa handaan, tapos ipapasok pa niya ako sa kampon ng kasamaan iyang pinto na iyan nako ha!
Nagbukas sara ang bibig niya na akala mo isda na inalis sa dagat nakatitig siya sa akin habang namimilog ang mga mata.
“Did you just grope my butt? I-in flesh?” sabi niya na medyo namumula ang mukha habang tinuturo ang pwet niya.
Yeah. Dinakma ko ang pwet niya in-fairness malambot at makinis ah.
Yun lang kasi ang abot ng kamay ko, ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng pantalon niya saka ko pinisl ng malakas epektib naman kasi ibinaba niya ako ay mali hinagis niya pala ako.
“Oo.” Inirapan ko siya saka tumingin sa likod niya nandun kasi yung pinto papunta sa may hagdan.
“You are a really crazy woman.” Napapailing na sabi niya naririnig ko pa siyang nagsasabi ng ‘Gosh’ napaka bading nito si Badong lang kaya lagi kong naririnig magsabi ng ganyan.
“Arte nito akala mo naman ni rape kita. Alis nga dyan.” Tinabig ko siya para makabalik sa fire exit aba malayo pa aakyatin ko.
“Who would not shock?! You groped my ass, as if it is nothing?” lintaya niya na akala mo katapusan na ng mundo.
“Napaka arte mo Luke, ako ba naghestirikal ng ganyan nung pinalo mo ang pigi ko?” ang hirap kausap ng mga mayayaman nakaka-bobo.
“I just top your thigh I didn’t grope it there’s a huge difference!” sabi niya habang nimumwestra sa akin ang pagkakalayo ng mga braso niya.
Inirapan ko lang siya saka nilagpasan napaka OA ng taong ito. Binilisan ko ang mga hakbang ko para makabalik na sa fire exit.
~Bwisit talaga baka wala na kong mga paa at binti bago ako makaakyat sa dapat akyatin ko, akala ko pag-paakyat byaheng langit? Bakit ito parang paakyat ako sa impyerno.
Pero sadyang kampon ata ng kasamaan itong si Luke, bago ko pa mahawakan ang pintuan umangat naman ako mula sa sahig at mukhang ang tingin niya sa akin ay sako ng bigas dahil muli naman niya akong sinampa sa balikat niya.
“Arg! Ibaba mo ako Luke!” nanggigil ko siyang hinampas sa likod.
“No way! After what you’ve done you ganna pay for that.”Mariin niyang sabi pati pagkakahawak niya sa akin mariin.
“Ang drama mo Luke, akala mo naman nasira ang dangal mo maka arte ka.”
“You think, that it is just a drama? You fucking grope my ass!”
“Hinawakan ko lang hindi ko binawasan!” balik kong sigaw sa kanya mukha kaming tanga pinagtatalunan namin yung pwet niyang akala mo mamahalin hindi naman nabawasan asar.
Nagkakawag naman ako sa balikat niya wala na kong paki kung mahulog ako parang mas pipiliin ko pa ang mabalian kesa mapasok sa pintuang walang ginawa kundi kainin kaming mga mabubuting tao.
~Ang shunga talaga nitong si Luke, konte na nga lang kaming mababait na tao ipapakain pa ako sa kampun niya.
Pero kahit anong kawag ko hindi ako binibitawan ni Luke, kaya naman pinilit kong abutin ang buhok niya para masabunutan.
“Fuck it Coring!” malakas niyang sigaw na siyang pumuno sa buong lugar.
At sigurado na ako si Luke ang pinuno ng mga masasamang nilalang dahil sa lakas ng sigaw niya biglang bumukas ng sabay-sabay ang mga pintong nangangain ng tao.
“Tang ang inumin! Mamatay na nga ako.”
---oOo---
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
فكاهةPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring