Ika-Walong Giling*** Breaking Nose

3.8K 39 0
                                    



Cavanata VIII





"A-ano?" barado ata ang utak ko... at may sabit sa tenga ko kaya nagkakamali na ako ng dinig. 


"Si Vladimir ang mapapangasawa mo." Dahang-dahang sabi ng nanay ko na para bang may pagka sintu-sinto yung kausap niya.


"Ano?!" hindik kong sigaw sabay baling ng tingin sa lalaking kaharap ko.


"Ito?!" tinuro ko pa ang unggas mula ulo hanggang paa mukhang ingrown!


"Oo! Meet you're honeybunch, daughter!" malakas na sigaw ng nanay ko habang naka dipa proud na proud pa siya. Malakas kong hinatak ang nanay ko papuntang kusina namin.


"Nay?! ilang turnilyo naman ba ang nakalas dyan sa kukote mo? at balak mo akong ipaasawa sa kung sinong lamang dagat na naninilaw na?" nabibwisit kong sita sa kanya, aba kahit ata paliguan ko ng Ariel at Zondrox ang hinayupak nay un hinding-hindi puputi ang tinamaan.


"Grabe ka! walang nakalas na turnilyo sa akin! saka hindi lamang dagat yang si Vladimir dyos kong bata ito." bale walang sabi niya sa akin at tiningnan ako na parang ako ang magiginsanhi na pagkatuyo ng matres niya.


"Eh, bakit ninyo ako gustong ipaasawa sa kanya? sinabi ko bang gusto kong mag-asawa? saka naman nay!" malakas kong tinapik ang noo ko. "Pipili ka na lang din yung parang may hepa pa!"


"Maka lait walang hepa yan!" pagtatanggol pa niya. Paanong walang hepa? muli kong sinilip sa sala ang lalaki.


Nasa five and eleven feet ang tangkad nito, well malinis ang gupit nakatak-in ang kulay asul nitong polo sa maong na pantalon, ang sapin nito sa paa ay isang leather shoes na kulay brown sa madaling sabi maganda ang pananamit nito malinis!


Ang katawan naman nito ay masasabing hindi payat, hindi malaman tama lang!


Bigla itong lumingon sa gawi ko saka ngumiti. Doon ako napairap! Kulay dilaw ang ngipin nito! dyos mio marimar! pati ang balat nito may pagkadilaw din! ngayon sabihin sa akin ng aking magaling na Ina na wala itong Hepa!


"Gwapo naman di ba?" napalingon ako sa nanay ko na nakikisilip sa pwesto ni Hepa Boy. "Saan mo ba pinulot yang si Hepa Boy Nay?" maktol ko saka nagdadabog na naupo sa bangko namin dito sa kusina.


"Ikaw!" inambahan niya ako ng sapok kaya mabilis kong hinarang ang braso ko sa ulo! kulang na lang sumigaw ako ng SHIELD!


"Hindi ko pinulot yan!" inis na sabi niya.


Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon