Cavanata 29
"Anong nangyari?" nakakunot noong tanong sa akin nang lalaking nagpakilalang police.
Napahagod ako sa aking buhok hindi ko alam kung saan mag-uumpisa ng kwento ang isip ko walang ibang sinisigaw kundi ang balikan si Badong.
"Y-yung kasama ko... kailangan ko siyang balikan." Nanginginig ang mga labi ko pati baba, mariin kong napikit ang aking mga mata para pawiin ang mga nakakatakot na imahe.
"Makinig ka, hindi ka namen matutulungan kung hindi mo sasabihin ang totoo--- ang lahat kailangan kong marinig ang lahat para makagawa tayo agad nang hakbang kung talagang nasapanganib yang taong tinutukoy mo." Matiim siyang nakatitig sa akin na para bang sinusukat ang pagkatao ko.
Lumunok muna ako nang ilang ulit bago muling nagsalita.
"Hindi kami taga dito, kararating lang namen yung...kasama ko---"
"Nagtanan kayo?" nakataas ang kilay na harang niya sa pagsasalita ko, tumahimik lang ako ni hindi ko tinama ang sinabi niya.
"Naghahanap kami ng matutuluyan, bahay na mauupahan o kung ano..." mabilis na naglaglagan ang mga luha ko, isa itong parusa para kong pinapanood sa isip ko ang mga nangyari buhay na buhay totoong totoo na para bang hindi pa rin ako nakakaalis sa lugar na iyon.
"May... may mga lalaking humarang sa amin---" gumala ang paningin ko sa mga galos at sugat ko sa katawan saka muling tumingin sa kanya isang minsaheng ayaw ko nang banggitin.
"Paki-usap..." hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay niya, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero sapat na ang paggalawan nang kanyang mga panga para masabi kong nauunawaan niya ako.
"Paano ka napunta sa sasakyan ng kaibagan ko?"
"Pinilit niya akong ipinasok sa sasakyang iyon para itago, sabi niya babalikan niya ako... ang--- ang mga taong iyon handa silang pumatay." Nagpuputol-putol ang mga salita ko sa labis na emosyon, ayoko! Ayokong isiping sa ganoon kami maghihiwalay ni Badong.
"Kung handa silang pumatay... how come nakatakas ka?" may pagdududa sa mga salita niya.
Napatiim ang mga bagang ko, sa palagay ba nila nagsisinungaling ako? Sapalagay ba nila isa lamang ito kahibangan? Ni sa panaginip hinding hindi ko nanaising malagay sa panganib si Badong.
"N-napatay ko yung... pinuno..." napamaang ang lalaki sa harapan ko, bigla naman tumayo ng tuwid ang masungit na lalaki nagtitigan sila na parang nag-uusap sa kanilang mga mata.
"Babarilin niya sa ulo si Badong, saka... saka daw nila ako pagpapasahan." Mas lalong hindi ko nakilala ang boses ko, mabilis na bumalik ang paningin nila sa akin napahawak ako sa aking dibdib para maibsan ang paninikip nuon, ang imahe ng lalaki iyon, nakahiga sa sahig dilat ang mga mata habang umaagos ang dugo sa kanyang leeg.
"Hindi--- hindi pwedeng mawala si Badong siya lang ang meron ako... paki-usap parang awa na ninyo..." Hanggang sa mas lumakas pa ang mga iyak ko.
Mabilis naman siyang tumayo saka dinukot ang cellphone niya sa bulsa.
"Saan mong huling kinuha ang sasakyan mo Luke?" nakatutok na ang pangin niya sa isang lalaki habang nakatapat sa tenga niya ang cellphone.
Nakakunot nuo lang itong sinagot nang huli saka tumingin sa akin, kahit gaano kasama ang tingin niya hindi ako nagbaba ng tingin sinalubong ko ang bawat tingin niya para ipakitang hindi ako nagsisinungaling.
Ang mga sumunod na pangyayari ang hindi ko nasundan may mga kinausap siyang ilang tao at tinawagan na iba't-iba ang pangalan hanggang sa muli niya akong hinarap.
"Nagpunta na mga tauhan ko doon, susunod ako sa kanila---"
"Sama ako!" mabilis akong tumayo at humakbang pero ni hindi man lang akong nahakbang ng dalawa ay bumagsak na ako.
"Hindi muna kayang lumakad, masyado nang napagod ang katawan mo, maiwan ka na lang dito kay Luke, wag kang mag-alala walang gagawin sayo yan, may allergy yaan sa mga babae." Saka siya ngumisi sa akin sabay buhat sa akin pabalik sa kinauupuan ko.
"Magpahinga ka, kahit ilang oras ako nang bahala humanap sa kasama mo." Matama niyang sabi saka lumayo sa akin ng konte.
"Luke!" sigaw niya sa lalaking papalayo na samen. "Wag ka ngang parang gago, paliguin mo siya paheramin mo ng damit tapos pakainin mo babalik ako agad." Saka siya bumira ng alis.
"Jerk! Come back here! Now what am I? A maid?!" sigaw niya doon sa papaalis.
---oOo---
Pls... Vote and Comment ^___^
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
UmorismoPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring