Cavanata 22
Walang imik na sinunod ko siya agad, ni hindi ko malasan ang kinakain ko dahil sa kaba at pagmamadali.
"Wag ka matakot... Hindi kita pababayaan..." nag-anggat ako ng tingin ng hawakan niya ang kamay ko at bigkasin ang mga salitang iyon.
"Pangako iyan Coring...hanggang kamatayan." malamlam ang mga matang sabi niya.
Naiiyak na tumango ako saka itinuloy ang pagsubo.
~Lord... Kailan ba matatapos ito? Bakit parang kahit saan madaming panganib?
Nangingig ang kamay ko sa bawat pagsubo pakiramdam ko hindi ako makahinga...
Natatakot ako... Sobrang takot...
Ipinagpapasalamat ko na lang ang kakalmahan na nakikita ko sa mukha ni Badong pero alam kong nakikiramdam siya sa paligid.
Matapos kumain ay mabilis kami lumapit sa kahera para magbayad.
"Manang may alam po ba kayong malapit na paupahan dito?" tanong niya sa matandang inabutan niya ng bayad.
"Aba'y nagtanan ba kayo?" saka naglipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
"Hindi po, Asawa ko siya manang." sagot niya na may halong ngiti.
Yung pagkakabanggit niya ng asawa napaka natural.
Hindi ko alam kung dadagukan ko ba siya o hahalayin ng mapractice ko na yaang ASAWA KO benefit!
"Ganoon ba? Aba'y tawirin ninyo ang kantong ito." tinuro niya ang kalye sa kaliwa namin na tanaw naman sa bintana. "Lakarin ninyo pakaliwa pagkatapos ay kanan naman sa unang kanto madaming kabahayan doon, saka kayo magtanong doon para makahanp ng mauupahan."
"Maraming salamat manang."
Patalikod sana kami nang muli kaming tawagin ni Manang.
"Ay, mangyari na nakita ko na nilapitan kayo ni Redentor kanina, ang sa akin ay mag-ingat kayong mag-asawa lalo ka na ineng kay ganda mo pa namang bata... Hindi niyo masasabi ang ihip ng hangin mabuti nang maging alisto at doble ang inggat... Hanggat maari wag kang bibitaw sa asawa mo ineng kilala ang mga iyon lalo na si Redentor sa mga bagay na masasama." hatala ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Parang may malakas na magnet na agad akong napasiksik kay Badong.
"Salamat po manang, hindi ko iaalis ang paningin ko sa kanya." magalang na sagot ni Badong saka ako hinatak palabas ng kainan mabilis kaming nakatawid sa kabilang kalsada saka naglakad.
"Gaya ng sabi ko kanina hindi kita pababayaan..." nilingon niya ako saka ngumiti. "Akong bahala sayo... Walang mangyayaring masama."
Marahan akong tumango saka ngumiti sa kanya.
Naniniwala ako kay Badong...
Walang mangyayari hanggat kasama ko siya...
Hanggat hawak niya ang kamay ko...
Naghanap kami ng matutuluyan ngunit sa dami nang inikot naming bahay nahirapan kami, halos pagabi na pero wala pa kaming nakikita.
"Huli na itong tinuro nung ale sa tindahan pag wala pa din makikiusap na lang muna tayo sa mga bahay na makitulog kahit magbayad muna tayo pansamantala saka uli mag hahanap bukas." sabi niya sa akin habang inaabot ang supot ng soft-drinks.
Tinanguan ko lang siya saka tahimik na sinipsip ang inumin halata sa mukha niya ang pagod pero kahit ganoon nanatili siyang kalamado, malayo sa Badong nakilala kong laging nagrereklamo para siyang may sapi mula sa pagbaba namin ng bus ni hindi ko narinig na umiba ang timbre ng boses niya.
Matapos ubusin ang kanya-kanyang inumin ay pinagpatuloy namin ang paglalakad lumiko kami sa ilang iskita may mga kalsadang makipot at ilang maluwang, hanggang sa lumiko kami sa makitid na iskinita.
Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko awtomatikong napakapit ako kay Badong masyadong tahimik ang lugar at walang tao idagdag pang ilan lamang ang ilaw na bukas.
"Kita mo nga naman ang swerte..." napamulagat ako ng mula sa kung saan ay lumitaw ang isang lalaki.
----oOo---
Happy reading everyone!
pls vote and comment ^___^V
written by:
CrazyBhabiemhine
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring