Cavanata IX
Marahas kong ginulo ang buhok ko wala na akong pake kung mukha na akong bruha kesa naman yung maharot kong Nanay ang sabunutan ko.
"Ay! Bakla! ano ka si Corason?!" mula sa kung saan ay biglang sumulpot ang nag-iisang malangsang isda sa buhay ko.
"Tigilan mo ako Badong baka di kita matansha!" nanggigil kong hinatak ang isang ligaw na sanga.
"Ay, girl iba na yan pati sanga pinag-iinitan mo..." naka nguso niyang sabi. Hatakin ko kaya yung nguso nya tas ipilipit ko sa leeg niya tingin ko kasi mas maganda yun!
"Bakit? Gusto mo ba ikaw na lang pag-initan ko? sabagay naasar ako sa pagnguso-nguso mong iyan." matalim ang matang sabi ko sa kanya.
"Nako, naman girl wag ganoon... maraming manghihinayang na fafabels sa sexy lips ko kung hahatakin mo lang..." sige pa rin siya sa pagnguso mukha na siyang bibe! inirapan ko lang siya, ayoko na siyang patulan baka lalo lang mag-init ang ulo ko.
"Bakit ba kasi sangbaktol yang facelalu mo? dinaig mo ang summer heat sa init ng ulo mo girl." dakdak niya habang paikot-ikot saken.
"Kasalanan mo tong talipandas ka eh!"
"Oi, girl hinay-hinay sa pagbibintang idemanda kita dyan eh... kararating ko lang, ako agad?" inirap irapan pa niya ako! Isa pang irap nito, tutusukin ko talaga mata niya.
"Kasalan mo naman talaga eh!" pumadyak pa ako sa lupa para lang makumbinse siya.
"Hala! ano ginawa ko?" painosente pa siya.
"Nalaman na ng maharot kong Nanay na balak akong ipakasal sayo ng mga magulang mo!" saka ko siya mimura ng madami sa isip ko. Nahiya naman ako magmura ulit mula pa kasi kanina umuulan na ng mga bad words baka mahipan ako ng hangin at panay bad words na lang ang masabi ko.
"Seryoso ka girl?" kulay bangkay na yung mukha niya.
"Nasa maganda ko bang mukha na pinagloloko kita ha?!" sigaw ko sa mukha niya bahala siya maligo sa laway ko bwisit sya!
"Tarantado ka kasi!" saka ko siya sinabunutan. "Sinabi ko na sayo ayusin mo ito pahamak ka Badong! pahamak!"
"A-aray girl... wait! awat!" tili niya pero di ko bibitawan itong buhok niyang alaga sa creamsilk! kakalbuhin ko ang talipandas na baklang ito!
"Manigas ka! di kita titigilan!" saka ko hinatak yung buhok niya, mahigpit naman niyang hinawakan yung mga braso ko para di ko mahatak lahat ng buhok niya.
"Grabe girl wait lang! madadaan naman ito sa maayos na usapan! Be a good human kind! Don't hurt me! Don't hurt me!" pasalya ko siyang binitawan kakalbuhin ko na sana talaga naawa lang ako para na siyang baka kung maka ngawa eh.
"Sakit nun ah..." mahina niyang sabi habang hinihilot ang ulo niya sabay naupo sa tabi ko.
"Ano bang pakulo ang ginawa ng Nanay mo ah?" malambing niyang tanong habang nakahawak sa ulo niya.
Bahagya ko naman siya tiningnan, medyo naawa ako eh... baka kasi sobrang lakas ng sabunot ko at natanggal yung anit niya.
"Uy... ano nga?" napanguso naman ako... bwisit boses lalaki kasi siya ngayon ang hirap mag-isip... ang hirap isisi sa kanya! natutunaw yung panty ko, este yung puso ko pala...
"Ang gago mo kasi!" naiiyak kong maktol.
"Sabihin mo muna kung anu man yan mamya mo na ako murahin pag-alam ko na medyo medyo masakit kasi sa tenga." nakangiwi niyang sabi saka hinawakan ang kamay ko.
"Ikakasal na ako." malamig kong sabi.
Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano nalalag ang panga niya.
"Kanino?" nakataas ang kilay na sabi niya pagkalipas ng ilang minuto.
"Vladimir daw..." umubo ako ng konte ang pangit kasi ng boses ko parang nagsusumbong yung dating.
"Vladimir? Vladimir Chongco?!" gulilat niyang sabi.
"Aba, malay ko basta ang alam ko isa siyang kabute na kulay dilaw!" naiinis kong sabi.
"OMG! sya nga yung may hacienda! yung may manukan at sabungan!" nanglalaki ang matang sabi ni Badong.
"Anong pake ko kahit may alaga pa siyang dinosaur!"
"Di na kataka-taka girl na ang Nanay mo ang ligawan niya kesa sayo, eh nak ng... elementary pa lang tayo patay na patay na yun sayo eh."
"Kilala mo?!"
"Kakasabi ko lang di ba?" pinangdilatan pa niya ako nang mata. Yung totoo? uso ba ngayon ang dilatan ng mata? nakakirita eh.
"Siya yung classmate natin dati... naalala mo nung high school tayo yung laging nakasunod sayo?" Napaisip naman ako bigla sumusunod? ano langaw lang siya at laging nakasunod?
"Can't remember ati?" iiling pang sabi niya. umiling lang din ako, eh sa di ko maalala eh! "Hirap maging maganda eh no? palibhasa madaming nabuntot sayo kaya di mo maalala." naka ingos na sabi niya.
Bwisit din talaga itong si Badong eh, di ko malaman kung nilalait ako o pinupuri eh, bigyan ko kaya ito ng kambal na sampal?
"Oh sya eto na! I will light up your beautiful mind!"
"Dapat lang at ayus-ayusin mo kung ayaw mo ibuhol kita sa Vladimir na iyon!"
"Whatever." maarte niya sabi sabay flip ng invisible hair niya.
"Well that Vladimir eklabo! siya yung super nerd sa school natin may malaking salamin sa mata, may brace! at----"
"Matalino?" agaw ko sa kanya.
"Gaga! pagnerd matalino agad? pag nakasalamin bookworm na? di ba pwedeng sinawing palad lang siya?" maka gaga tong letseng to! hatakin ko kaya dila niya.
"tuloy ko na te ah?" inikutan ko lang siya ng mata dapat lang noh! malay ko ba kay hepa boy!
"Yung Vladimir na yun patay na patay sayo! ganda mo eh!" note the sarcasm! bwisit talaga tong bakla na ito.
"Oh, eh bakit? hindi ako maganda?!" maangas kong tanong, sinasabi ko sayo Badong titimbwang ka talaga pagnagkamali ka nang sagot!
"Of course not! Dyosa ka kaya! gagawin ba kitang friend kung pangit ka?" ngiting chonggo na siya ngayon.
"Alam mo yun? yung tipong pangarap ka nang lahat? so sa madaling sabi pangarap ka niya and this his time to shine!" tili niya na parang nag sasabog ng competi, eh kung mukha kaya niya ang pasabugin ko?
"Well pake ko? di ko siya kilala at ayaw ko sa kanya! at kasalanan mo kaya ako nasa ganitong sitwasyon!" naiirata naman ako kay Badong gusto ko naman siya sabunutan!
"Bakit ako? ako ba nagsabing magpakasal kayo ni Vladimir?" naka-arko ang kilay niya sa akin.
"Ahitin ko kaya yang kilay mo nang hindi na yan mag mataas sa akin." nanggigil na talaga ako sa bruhang ito eh, buti na lang at agad niyang binaba ang kilay niya.
"Kasi naman! nanahimik ang beauty ko, ako sinisisi mo..." maktol niya saka ipinadyak ang paa na akala mo apat na taong gulang na bata na nagmamarukulyo di naman niya bagay!
"Kasalan mo! kung hindi nalaman ng Nanay ko na balak akong ipakasal sayo hindi yun mag hahanap ng may hepa para ipilit ipakasal sa akin!" naiinis naman ako! gusto ko magpapadyak.
Peste ka Badong!
++++++++++++++++++++
Pls Vote and Comment ^___^V
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring