Cavanata 26
"Kung magiging lalaki ka ba Badong magugustuhan mo kaya ako?" na curious kong tanong wala lang para lang malaman ko, aba malay ninyo madaan sa pang-aakit ko ang hitad na ito.
"Bakit may kanasa-nasa ba sayo?" nakatikwas ang kilay na sagot niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa maganda!
"Eh kung basagin ko yang mukha mo nang umaayos ang sagot mo?!" nakatikwas din ang kilay na tanong ko.
"Ang HB mo girl! True naman may kanasa-nasa ba sayo ha?" nakangisi siyang nakakaloko.
"Hoy! F.Y.I, Badong hindi ako magiging mutya ng baryong ito kung wala akong gandang maipagmamalaki!" nang gagalaiti kong sabi,
--Letcheng bakla ito!
"F.Y.I din Coring kung ganda lang ang pag-uusan aba baka gusto mong tumingin muna sa naghuhumiyaw kong kagandahan." Sagot niya habang nakangisi ng nakakaloko.
Tinitigan ko siya mula paa hanggang ulo niya sa taas.
I repeat ulo sa TAAS, big letter lahat para alam ninyo.
At oo mula paa hanggang taas iisa lang sinisigaw GWAPO! Pero ang hitad na ito hindi GWAPONG salita ang gusting marinig na papuri sa kanya kundi MAGANDA hiyang-hiya naman talaga ang Dyosa ng kagandahan sa balat ni Badong.
"Hindi nakapiyok noh? I telling you girl, kung di lang masyadong ginalingan ni amang ang pagdarasal na maging lalaki ako, for sure ilalabas nang nanang ang pinaka magandang nilalang sa balat ng lupa... ang nag-iisa! Ang natatangi--" may pataas-taas pa siya nang kamay na akala mo may hinuhula sa hangin ako naman napapasunod ng tingin.
"--Ang bibihag sa puso ng mga kahali ni Adan, ang may natatanging ganda walang iba kundi---"
"Si Ruby" malakas kong agaw sa sasabihin niya
"---Si Ruby! Ay gaga!" malakas niya akong hinampas sa braso na ikinatawa ko ng husto lukot na lukot ang mukha niya habang masamang nakatingin sa akin.
"Gaga, ka anong si Ruby?!"
"Bakit ano gusto mo? Si Badong? Aba hoy kahit saang angulo natin pakinggan masakit sa tenga hindi akma! Walang paglalapat ng mga pangugusap." Tatawa-tawa kong sabi.
"Kesa naman sayo hindi kanasa-nasa" nakairap niyang sabi sabay halukipkip.
"Aba---"
"Kung magiging straight na lalaki ako, ikaw ang pinaka unang babaeng magugustuhan ko..." biglang seryoso niya saka ngumisi sa akin sabay tingin sa papalubog na araw. "Hindi ka lang basta maganda sa labas, pati kalooban mo maganda ano paba hahanapin ko?" saka siya ngumiti ng matamis.
Marahan kong nakagat ang labi ko habang nakatingin sa mukha niyang punong-puno ng kasiyahan naaakit ako ng mga ngiti niyang iyon na pati ang mga mata niya ay sumasayaw sa kasiyahan.
"Ikaw? Magugustuhan mo ba ako?" mahina niyang sabi habang unti-unting lumingon sa akin.
Nabitin sa ere ang sasabihin ko habang nakatingin sa mukha niyang natatamaan ng papalubog na araw.
Iginala ko ang paningin ko sa kabuohan ng kanyang mukha, ano ba ang aayawan sa kanya ng isang normal na babae? Wala! Mga matang matiim kung tumingin, makakapal na kilay pero nakaayos ng maganda mga pilik matang mahahaba ang kay gaganda.
Ang kanyang ilong na nagsusumigaw sa katayugan, marahang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya... napaka ganda ng labi niya kayninipis at may kakonting pagkapula.
Marahang ngumiti ang labi niya saka unti-unting lumapit sa akin hanggang sa para akong nahihipnotismong napapikit.
"Pero kahit hindi mo ako gustuhin... hindi--- hinding-hindi kita iiwan" hanggang sa maramdaman ko ang marahang paglapat ng kanyang mga labi.
Damang-dama ko ang init na nagmumula sa kanya marahan akong napangiti gusting-gusto ang init na nagmumula sa kanya...
Pero ang damdamin na iyon ay unti-unting naglalaho kung paano unti-unti din naglalaho ang init na nagmumula sakanya mabilis akong napadilat para lamang salubungin ng kadiliman at isang imaheng unti-unting nawawala...
----------------------------oOo---------------------------
"Badong!" malakas kong sigaw habang nataas ang kamay ko na tina inaabot siya.
Bigla naman akong humampas sa likod ng upan nang maramdaman ang biglang pagtigil nito.
--Pagtigil?
Bigla nanglamig ang pakiramdam ko ng maisip ko ang mga katagang iyon, na tumatakbo sa isip ko.
--Bakit? Paanong umandar ang sasakyan?
Dahang-dahan akong lumingon sa unahan para lamang salubungin ng isang pares na mga mata.
"Who are you?"
----oOo---
Magiging sobrang busy po this week until end of the month... kinakain ng scul amg malaki kong time at napupuno ang utak ko nang alalahain for scul...
but kapit lang... if di ako maka update agad mag papaulan ako pag balik ko pwamis!
aja! please Vote and comment
pagnasa 20 na ang comment mag update ako agad...
and thank you for those comment kayo ang reason kaya ako nag a-update yung mga makabuluhang message at opo binabasa ko sila ^___^
love written by:
Crazybhabiemhine
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring