Ika- Apatnaput-tatlo Giling ***Crawl ***

1.2K 23 1
                                    



Cavanata 43



Isa... dalawa... tatlo...


Hah... hah... hah...


Mariin kong ipinikit ang mata ko ng makaramdam ako nang hilo.


Nanginginig ang kamay na humawak ako sa pader habang pinipilit ang baga ko na huminga.


Pinilit ko ulit humakbang saka marahang tumingin sa itaas.


15flr.


Yaan ang nakita kong nakaukit sa gilid ng hagdan saka muling pagapang na umakyat.


"Ano kaya pa?" nagtagis ang mga bagang ko nang marinig ko naman ang boses niya mula kanina yaan ang sinasabi nila kada ikalimang palapag nakikita ko siyang siyang-siya na nakasandal sa hambana ng pinto dito sa may fire exit.


"Manahimik ka!" maniha ngunit puno ng iritasyon kong balik sa kanya.


"Well, I just remind you that you still have 24 floor to climb up... baka naman before ka umabot doon tapos na ang buong taon." Nang-iinis niyang sabi sa akin.


Inirapan ko lang siya saka nag patuloy umakyat kahit nanginginig na ang mga binti ko na parang kahit anong sandali ay mapuputol na sila... na kung meron lang silang sariling bibig siguradong iisa lang ang sasabihin nila.


Tama na...


Sumuko ka na...


Hanggang dito na lang talaga...


Pero hindi ako susuko!


Lalo na't nakikita kong siyang-siya sa mga pangyayari ang bwisit na lalaking ito.


"You know, you can change your mind and use an elevator so this craziness of yours will end." Patuloy niyang salita sa likod ko.


"Hinding-hindi ako magpapalinlang sayo at magpakain sa halimaw na pintong iyon." matigas kong sabi na pinalitan lang niya ng malutong na halakhak.


"You know I starting seeing this as good entertainment, well see how far you can do this." Nilingon ko siya saka tinitigan ng masama.


Marahan nitong kinagat ang labi na parang bang pinipigil ang matawa ng malakas ngunit makikita pa rin ang naglalarong ngiti sa mga labi niya lalo ang kasihayang nakaukit sa mata niya.


"Good luck, Coring see you in 20th floor." Kumaway pa siya sa akin bago lumabas ng fire exit.

Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon