Cavanata 47
“Don’t you fucking hit her, or I gonna break your arms.” Biglang tumahimik ang paligid lahat kami napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon, lahat kami nakatingin kay Luke na salubong ang kilay at masama ang tingin sa amin----kay Lulu.
Marahang ibinababa ni Lulu ang kamay niya saka kagat kukong tumango kay Luke medyo namumutla pa siya. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Luke para lamang salubungin ng matitiim niyang mata nagbuntong hininga siya na para bang may gustong sabihin pero mas pinili niyang tumalikod na lang, nagtatakang sinundan ko siya ng tingin.
“Di naman kita hahampasin ang oa ni sir Luke.” Nakangusong bulong sa akin ni Lulu.
“Hayaan na natin baka may regla kanina pa din ako pinag-iinitan nyan eh.” Nakairap kong sabi naalala ko naman kasi yung hagdan bwisit na yaan.
“Wala naman bago doon lagi namang galit sa mundo yang si sir Luke.” Nakalabi niyang sabi. “Maiba tayo girl kasama mo kasi dumating si sir Luke, mag-ano kayo?” usisa niya sa akin, medyo ngumiwi ako parang may bahid ng malisya ang tanong niya eh pero sinagot ko pa din.
“Ah, sa kanya ako nakatira ngayon, hinahanap ko kasi yung kababata ko.” Maikli kong sabi.
“Sa kanya ka nakatira?” Kagat labi niyang tanong. Napakunot naman ang nuo ko, hindi ba niya narinig ang sinabi ko kanina? marahan naman akong tumango na umani naman ng malakas na tili mula sa kanya napalayo tuloy ako ng bigla.
“Swerte mo girl.” Kinikilig niyang sabi sabay hampas sa akin.
Napairap naman ako ano naman ang kaswerte-swerte makasama ang isang Luke? Eh isa siyang kampon ng kadiliman.
“Nako ha, ano naman swerte makasama si Luke? Laging nakasigaw, laging nakasimangot daig pa pinaglihi sa araw ng kamatayan ni Hudas.” Tuloy-tuloy kong sabi habang naka halukipkip.
Nakatingin siya sa akin ng matagal saka tumawa ng malakas na akala mo ba eh wala ng bukas.
"What's not to like? Una gwapo siya. Mayaman. Edukado. Mabango. Maganda---" tuloy-tuloy niyang sabi habang nag bibilang "---ang katawan at higit sa lahat! Oh to Em with super Gi! Gi! He is huge." Napakurap ako sa mga pinag sasabi niya gigil na gigil kasi siya.
"Sabagay malaking tao naman talaga si Luke binuhat nga niya ako na parang kabing!" Nakairap kong balik.
"Loka! Hindi yung height n'ya ang sinasabi ko kalembang nya!" Nagnining pa ang mga mata niya ng sabihin iyon.
Napakurap-kurap naman ako.
~Yung tinatagong sandata ba ni Luke ang sinasabi nya.
At mukhang nahulaan niya ang tumatakbo sa isip ko dahil mabilis niyang tinaas baba ang mga kilay niya habang may mga mapaglarong ngiti sa labi.
Mabilis naman nag-init ang mukha ko ng maisip na iisa nga kami ng iniisip.
“Grabe I really like you na minus the dakmaan please lang girl wag mo na’uulitin yun.” Sabay yakap niya sa sarili niya na para bang gagawan ko siya ng masama.
“Hindi na, pasensya na talaga hindi ka naman kasi tlaga halatang bakla ang ganda kaya ng mukha mo saka may dede ka oh.” Tinuro ko yung dede niyang nahuhumiyaw sa suot niya.
“Kay, dahil dyan pinapatawad na kita kung hindi ka lang honest.” Ngiting-ngiting sabi niya sa akin.
Habang tinitigan ko siya ng matagal saka ko napapansin ang orihinal niyang anyo.
Maypagkapangahan ang hugis ng mukha niya ika nga nila square shape, meron ding mga babaeng ganoon pero sa mga lalaki mas promenente katulad kay Badong maaninag mo ang lalaking-lalaking hulma ng mukha niya mula sa panga paakyat sa cheek bone ang ilong naman niya maganda ang taas parang sa mga Mexican telenobela sa leeg naman niya medyo mababanaag ang pagkakakilanlan ng lalaki at babae dala na rin siguro ng seyensya kaya hindi masyadong napapansin ang adams apple niya pero kung pakakatitigan mo mapapansin mong may kalakihan ito kesa sa mga babae. Sa balikat naman ay maykalaparan ito pero manipis ganoon din ang mga braso at bisig nitong para talaga sa mga babae.
“Bueno halika sama ka sakin doon tayo sa loob kesa nandya nakatayo na parang mannequin na humihinga.”
“May upuan ba doon?” mabilis kong tanong tinitigan naman niya ako na parang isa akong aparisyon na naghihimala.
~Eh, sa kanina pa naghuhumiyaw yung mga binti ko kundi ba naman kasi may sira sa tuktok itong si Luke iwan ba naman ako dito kung saan walang upuan makabilin pa na huwag akong gagalaw pan-tanga yung mga naiisip.
“Oo, naman no. may sopa doon kung gusto mo humiga ka pa.” pagkarinig ko sa salitang ‘higa’ parang akong nakakita ng mga anghel na nagsisiawit ganoon na ata kapagod ang katawan ko mula sa pag-akyat kaya bago pa siya makasalita hinatak ko na siya papunta sa kung saan yung sinasabi niya.
“Tara bilis bago pa lumitaw yung halimaw na si Luke.”
-----oOo-----
Lame I know sorry gals... Namatayan kasi kami and need umuwi sa province so na rest ng bunga si brain laging tamad kaya ayan... Yaan lang nakayanan.
Don't worry pipilitin ko maka update regular.
Thank u.
Crazybhabiemhine
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
HumorPagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring