Cavanata XVI
----Long Update! again this chap contain Bulgar words... and super tagalog! hahaha <3
"Tumahimik ka!" Sigaw niya sa akin kasabay ng isang malakas na sampal sa aking mukha, napakit ako ng sobrang diin saka marahang huminga.
Malutong akong nagmura sa isip ko saka iniisip ang mga pagkakamaling nagawa ko sa buhay.
Hindi ko napigilan ang luhang lumabas sa aking mata habang iniinda ang sakit at lakas ng pagkakasampal niya sa akin.
"Alam mo, kung nasaan ang Nanay mo?" bulong niya sa mukha ko habang nakasabunot sa akin.
Ako naman pinipilit isalba ang buhay ko! Pinipigilan kong huminga dahil sigurado ang kámatayan ko sa baho ng hininga ni Vladimir! Dyos mio pati hininga! Award winning.
"Umalis siya... Pinaubaya ka niya sa akin sa halagang sampung libo. Pinagpalit ka nang Nanay mo sa pera!" nakangisi niyang lintaya sabay dila sa leeg ko.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa hilakbot dahil sa ginawa niya pero hindi ko makakalimutan ang sinabi niya.
Isang malakas na headbat ang binigay ko sa kanya.
"Puñeta!" sigaw niya habang hawak ang ilong niyang nagdurugo ako naman binalewala ko ang kirot na nararamdaman ko sa aking nuo.
Bwisit na hepa boy na ito ang tigas ng mukha!
"Hayop! Kang maligno ka! Kulay kalawang ka na nga! Amoy sumpa pa! Sinungaling ka pa!" nangigil kong sigaw nararamdaman ko ang paglagutok ng aking panga sa bawat diin ng aking salita.
Oo maysapak ang Nanay ko, Oo madalas mahirap siya intindihin, pero hindi gaga ang Nanay ko para ibenta ako, at handang ipa-rape sa hayop nato!
"Ako? Sinungaling? Hahahaha" para siyang baliw kung makatawa.
"Kung nagsisinungaling ako nasaan ang Nanay mo? Wala di ba?" nang-uuyam niyang sabi sa akin.
"Alam mo ba kung bakit siya pumayag na ipakasal ka sa akin? Kasi may utang sya! At ikaw ang kabayaran doon!" Mabilis niyang hinatak ang paa ko, dahilan para mapahiga ako sa papag, mabilis at malakas kong ipinadyak ang aking mga paa para hindi niya maibuka ang aking mga hita, pero isang malakas na suntok sa tiyan, mula sa kanya ang nagpatigil sa aking hinga.
"Sinungaling ka... Sinungaling ka..." bigkas ko habang namimilipit sa sakit.
BINABASA MO ANG
Ang Reyna ng BiKaKa ay si CORING
ComédiePagmaganda Dyosa agad? di ba pwedeng humble lang? kaya ako Magandang REYNA lang! with LANG para humble pa din. ----Coring